Si Joseph Peruda ay isang OFW na taga- Bislig, Surigao del Sur. Dumating siya sa Saudi Arabia noong Sept. 22, 2005 at nagtrabaho bilang Loader Operator sa Abdul Ali Al Ajmi Co. Ltd. Al Ahsa Hofof, KSA.
Ang kanyang kontrata ay dalawang (2) taon lamang pero pinili niya na hindi umuwi at mag-extend pa ng dalawang taon dahil kailangan nya pang kumita para sa kanyang pamilya. Si Joseph ay may asawa at mayroon silang tatlong anak ( isang grade 5, isang grade 2 at isang kinder).
Oct. 16, 2008 nang maaksidente si Joseph sa oras ng trabaho. Sumabog ang “gas tank” ng kanyang loader at tumalsik ang takip ng tangke sa kanyang mukha.Nabasag at nabutas ang kaliwang pisngi ni Joseph. Tanggal ang ngala-ngala at ang parte ng kanyang bungo sa noo ay nabasag din.
Dinala siya sa hospital sa Eastern Province para sa agarang paggamot at noong Dec. 2008, ay dinala sa Riyadh Care Hospital para sa kanyang facial reconstruction. Ang Riyadh Care Hospital ay dating tinatawag na GOSI Hospital.
Nang unang makita ng Patnubay si Joseph sa Riyadh noong Dec. 2008 ay hindi sya makapagsalita. Kaya ibinigay nya sa atin ang nakahanda nyang sulat para maiparating sa ating gobyerno ang kanyang kalagayan. Nasa baba po na link ang sulat ni Joseph .
https://docs.google.com/open?id=0B__Nx54o3zwaZHhKSDBWTDhVZEk
Maraming Pilipino na naka-confine din sa naturang Hospital, na nagkaroon ng occupational injuries din. Tinanong natin sila kung may taga-embassy ba or taga POLO na bumisita sa kanila. Ang sagot nila ay wala.
Based sa Social Insurance law, ang worker na nagkaroon ng occupational injury ay libreng mapagamot hanggang saan sya makafully-recover or kung hanggang saan ang kaya ng recovery. Patuloy din ang pagbigay ng sahod ng worker. Ang GOSI or Government Organization for Social Insurance ay ang ahensya na inatasan para ipatupad ang Social Insurance Law ng Kaharian ng Saudi Arabia.
Gumawa ang patnubay ng case study para sa mga OFWs na nakaconfine sa hospital na yon para maipaliwanag sa kanila ang kanilang mga karapatan sa batas ng Saudi Arabia.
Case Study – A Case Study for Work Related Injuries in KSA
Balitang Middle East Video – Lumabas din ng Balitang Middle East ang kwento nila.
Tulong ng mga Kapwa OFWs
Dahil hindi pa nila kaagad matatanggap ng workers ang kanilang sahod from GOSI. Nanawagan ng tulong si Joseph at Salvador Bagacina ( isa pang worker na nagkaroon din ng occupational injury).
Ang mga workers ng SABIC Company sa Riyadh ay nagpadala kanilang tulong direkta sa pamilya ni Joseph Peruda – https://docs.google.com/open?id=0B__Nx54o3zwaZktQQXJjMUFHTFE
At mga teachers naman mula sa Dubai ay nagpadala din ng tulong direkta sa pamilya ni Joseph Peruda – https://docs.google.com/open?id=0B__Nx54o3zwaUVp1a1BjVGVma1U
ito naman ang acknowledgement ng asawa ni Joseph …
From: Tresha Peruda
Subject: thank you
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Date: Saturday, August 15, 2009, 3:31 AM
sir joseph,
magandang araw po sa inyo at sa lahat ng members ng PATNUBAY foundation….taos puso po akong ngpapasalamat sa lahat ng tumolong at sa lahat po ng inyong mga prayers…lalo na ang lahat ng kapwa nating pilipino mga OCW OFW..AT ANG DUBAI TEACHER;S at sa iba pang hindi ko nabanggit maraming maraming salamat po…..at sa ating puong my kapal na hindi tumigel sa kanyang mga anak na ginawang instrumento upang patuloy na matulungan ang mga taong nangangailangan ng kanilang tulong maraming salamat po mahal naming dios!thank you….and sir may god bless you more.
lubos na gumagalang,
nancy peruda
Samantalang ang mga workers na nagtrabaho sa STC, Ebtikar, SBM at iba pang mga OFWs ay nagpadala ng tulong sa pamilya ni Salvador Bagacina thru Center for Migrant Advocacy – at ito yong link https://docs.google.com/open?id=0B__Nx54o3zwaZzVneEc4ck9FMms
GMANews.TV – Maliban sa ABS-CBN TV lumabas din sa GMA NEWs website ang kwento nina Joseph at iba pa na nagkaroon ng Occupational Injuries sa Riyadh, Saudi Arabia.
Dahil sa lumabas na mga balita, pumunta kaagad ang taga-POLO sa Riyadh Care Hospital at pina-enroll nila sa OWWA ang mga workers na maaksidente
Ang Patnubay ang palaging bumisita at tumatawag kena Joseph para imonitor ang kanilang kalagayan. Binigyan natin sila ng mobile load para pantawag sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas hanggang sa matanggap nila ang refund ng kanilang mga sahod mula sa GOSI.
Noong 2009, nakauwi na yong ibang mga workers na Filipino at nakuha ang kanilang mga disability benefits mula sa GOSI.
Habang si Joseph ay naiwan sa hospital dahil kailangan pang ma-reconstruct ang kanyang mukha. Nawala na yong butas at makapagsalita na si Joseph. Tuloy-tuloy na rin nyang natanggap natanggap ang kanyang sahod mula sa GOSI at yong mga unpaid salaries ay naibigay na rin sa kanya.
Heto ang video –
Naka-12 operations na si joseph sa kanyang reconstructive surgery.
1. Yong butas sa kaliwang pisngi nya ay natapalan na.
2 Dati wala syang ngala-ngala kaya hindi sya makapagsalita ngayon nalagyan yong ngala-ngala nya at pwede ng makausap si joseph.
3. Yong lips nya ay nadugtong na rin ulit. at malaki na ang improvement kay joseph mula noong last syang naipalabas sa balitang middle east.
Maayos ang pagka-opera at makikita natin sa pics ni joseph.. Ang parte ng katawan na kinunan para pangtapal sa kanyang mukha at naghilom na rin.
4. ang sabi ni joseph ay nakaschedule na rin syang operahan para mai-angat ang kanyang ilong at ng kanyang isang mata ay malagyan din ng artificial. Magkakaroon din ng gums si joseph para maiangat din ang nguso nya
5. napakabait na tao ni joseph at hindi tayo nagkakamali sa pagtulong sa kanya.
Noong 2010 Patuloy na tinutukan natin si Joseph Peruda at nang 2010 ay ito na ang improvement Joseph
At heto ang kanyang video –
Patuloy pa rin tayo sa pagmonitor sa kanya at patuloy pa rin tayong nag-educate sa mga OFWs tungkol sa kanilang mga karapatan kung magkaroon ng Occupational Injury.
At heto ang ating ginawang video for workers with occupational injury
Heto naman ang video ng pagpaliwanag ng Social insurance ng Balitang Middle East
Isa sa mga OFWs na nasa video ay si Alex Arias, naaksidente ng mahulog sa pinagtrabahuan at nabalian ng spine. Noong 2011, naunang nakauwi si Alex Arias kay Joseph Peruda dahil pinili nyang magpagaling na lang sa Pilipinas. Nakatanggap si Alex ng disability benefits na mahigit kumulang sa 90 thousand Saudi Riyals (1.1 million pesos). Since member din sya ng OWWA, nagfile din sya ng disability benefits subalit 50 thousand pesos lang ang kanyang natanggap. Heto ang video ng kwento ni alex.
Namention din sa video ng Balitang Middle East na may ginawa ang Patnubay na matrix na kinumpara ang mga rights of workers na may occupational injury sa ibat-ibang bansa .. ito po yong link ng matrix
https://docs.google.com/open?id=0B__Nx54o3zwaeWlkWTRoVkQtVnM
Noong 2011 din ay napasama si Joseph sa cast ng OFW Movie “Lawas Kan Pinabli” ni direk Christopher Gozum
Lawas Kan Pinabli [Excerpt] from Sine Caboloan on Vimeo.
Noong 2012, narelease si Joseph sa hospital. Binisita natin si Joseph sa kanyang company accommodation bago sya pauwi sa Pilipinas.
Dito naexplain natin kay Joseph yong mga karapatan ng mga workers na nagkaroon ng occupational injury. Heto ang video ng ating pag-uusap.
Natanggap ni Joseph ang kanyang disability benefit mula sa GOSI na almost 40 thousand riyals (500 thousand pesos) at sya ay nakauwi noong April 2012.
Pumunta sya sa OWWA Office sa kanilang probinsya para sana magclaim ng disability benefits sa OWWA.
Ang sabi ng OWWA Officer ay hindi sya covered ng disability benefits ng OWWA dahil hindi sya active member noong naaksidente sya. Tinanong ni Joseph ang officer kung ano ang silbi na pinaenroll sila ng taga POLO as member OWWA noong nasa hospital pa sya.
Ang sagot ng OWWA Officer ay para yon sa kung kung sakali ay namatay sya sa operation ay may makukuhang benefits ang kanyang pamilya.
(Note: Kung sakali namatay ang worker habang nagtrabaho, ang death benefits ng GOSI ay equivalent to 7 year or 84 months basic salary kung ikumpara mo sa OWWA death benefits caused by accident na 220 Thousand Pesos lang )
Meron pa tayong isang video na dapat pakinggan ng ating gobyerno para naman mapasiguro na ang mga OFWs na pupunta dito ay covered sa mga insurances ng Saudi Arabia.. at ito ay ang tama at pinakamadaling paraan para pagcheck ng First Entry visa. At heto po yong video
Sa ngayon patuloy pa rin ang patnubay na nakatutok sa mga karapatan ng mga workers na nagkakaroon ng Occupational injury katulad ng video na ito.
Puso, puso para sa kapwa tao. Yan ang ating sekreto sa lahat ng successful na paghandle ng mga kaso, maging police cases , labor cases or welfare cases.
Updates OWWA 2012
From: anna liza navarro
Date: Thu, Sep 6, 2012 at 9:10 AM
Subject: owwa on peruda
To: joseph e
Cc: ellene
kuya tas, attached is owwa’s letter on peruda’s request.
OWWA’s Letter
– start –
Republic of the Philippines
OVERSEAS WORKERS WELFARE ADMINISTRATION
Department of Labor and Employment
29 August 2012
Ellene Sana
Executive Director
Center for Migrant Advocacy
#15 Anonas Road, Project 3
Quezon City
Dear Madame,
This with reference to the case of OFW Joseph Peruda, whose request for assistance you endorsed to our office in a letter dated 23, August 2012.
Please be informed that per our records, Mr. Peruda is not an active OWWA member. As such, he is not entitled to the disability/financial assistance he is seeking. Nevertheless, he was extended a livelihood assistance by RWO Carraga on 18 April 2012, per Check No 1633144 in the amount of Ten Thousand Pesos (Php 10, 000.00) received on 20 April 2012.
Much that we would like to grant Mr. Peruda’s request, we are constrained by certain restrictions under pertinent provisions of the OWWA Omnibus Policies.
Thank you
Very truly yours,
Signed
Atty. OPHELIA N. ALMENARIO
Office of the Legal Staff
Noted by:
Signed
VENUS D. BRAVO
Chief Legal Staff.
— end —
The Letter – https://docs.google.com/file/d/0B__Nx54o3zwaWFBZdW13b3Azb1E
thanks,
anski
Anna Liza P. Navarro
Case Officer
Center for Migrant Advocacy, Philippines (CMA-Phils)
#15 (Unit-7) Casal Bldg., Anonas Road, Project 3,
1102 Quezon City, Philippines
Telephone: +63 2 9905140; Telefax: +63 2 4330684
Email: cmaphils@pldtdsl.net
Website: www.centerformigrantadvocacy.com
Related Links – The Rights of Workers (in KSA) with Occupational Injuries