Ano pa ang silbi ng Philippine Embassy sa Kuwait?
Source: PILIPINO SA KUWAIT Facebook Page
Sino ba ang dapat protektahan ng Philippine Embassy sa Kuwait? Ang mga OFW o ang mga kabaro nila? Makikita sa video na ito kung paano lantarang binalewala ng embahada sa Kuwait ang isang karapatan ng OFW bilang isang Pilipino nang tanggihan ni Vice Consul Sheila Monedero na notaryohan ang affidavit ni ABS-CBN Middle East Kuwait Correspondent Maxxy Santiago dahil daw sa conflict of interest.
Ganun na ba kadesperado ang embahada na maging kanilang sariling janitor gagamitin nila para sa kanilang kasinungalingan? Hindi ba sila naawa sa janitor? Naghintay ng 2 oras si Maxxy tapos hindi naman pala nonotaryohan ni Vice Consul Monedero ang affidavit niya dahil sa conflict of interest daw. Pinirmahan ng embahada ang affidavit ni Imperial pero ayaw nilang pirmahan ang affidavit ni Maxxy.
Ngayon mas malinaw pa sa sikat ng araw kung sino ang gustong protektahan ni Monedero. Ni ayaw ni Monedero humarap kay Maxxy at pinaako na lamang sa kanyang staff na si Jay ang pagpapaliwanag sa counter. Kawawa ang mga mabubuting staff ng embahada, pati sila nadadamay sa mga maling gawain ng nakakataas sa kanila. Kung si Maxxy na tagapagtanggol ng mga OFW ay ginanito, paano na lang ang mga ordinaryong OFW tulad namin? Tama na! Sobra na! Pauwiin na si Vice Consul Sheila Monedero at iba pang mga tiwaling opisyal ng embahada sa Kuwait! Nananawagan kami sa Department of Foreign Affairs at kay PNoy! Pakikalat ito para makarating sa ating gobyerno!!!
PILIPINO SA KUWAIT — at Kuwait Philippine Embassy -Faiha.