Patnubay Leaks: 2008 Yanbu Stabbing Incident – Documentation Closure Report

Share this:

DOCUMENTATION CLOSURE REPORT

February 02, 2012, I talked with Brother Hussain ng Dawah Yanbu na tumulong kay Rogelio Monia. Ang sabi nya ay nakauwi na daw ito last friday. I asked him kung sino ang donor ang sagot ni Bro Hussein ay yong Saudi na naging kasama ni Rogelio Monia sa loob ng kulongan at nangako sa kanya na kung makalaya sya ay tutulongan sya sa bloodmoney. Brother Hussein confirmed to us na nagawa ni OFW Monia ang mga sumusunod bilang patunay ng kanyang pagbagong buhay. 

  1. Ang pagtanggap ng pagkakamali
  2. Ang pagsisisi ng nagawang pagkakamali
  3. Ang tapat na paghingi ng tawad sa pamilya ng biktima at higit sa lahat ay ang paghingi ng tawad sa Allah.
  4. At ang Pagpangako na hindi na uulitin ulit ang nagawang pagkakamali

So, ito na yong closure ng documentation natin sa kasong ito na nasubaybayan natin mula noong 2008 pa

DOCUMENTATION REPORT CONTENTS

  • 2008 Stabbing Incident
  • Repatriation of the Remains of the late Marlon Delizo
  • Repatriation of 7 OFWs
  • Clarifications
  • Closure  

— 2008 Stabbing Incident REPORT —

Albert Adecer wrote:
Date: Wed, 9 Jan 2008 20:10:54 -0800 (PST)
From: albert adecer
Subject: Latest update in Yanbu
To: Ronnie Abeto

Ka Ronnie

I went to Police station yesterday to pay visit to our jailed kababayan and friends who are involved in the Yanbu stabbing incident but was not permitted by the police for some reasons.

Anyhow, i got this cell no. +632872xxxxxx of NORMA MONIA from Caloocan City ,. Philippines who is the sister of the accused OFW ROGELIO MONIA, the alleged stabber. I tried to contact her, too and passed some advises that assistance will be offered to them from OUMWA-DFA for the legal representation of Roger’s case.

Please relay the same contact number to our concerned persons working on this case. The family of Roger is needing assistance and is expecting your help.

Thanks and best regards.

Ka Albert A. Hallig
Yanbu

Ronnie Abeto wrote:

Kumare,

Please contact Mrs. Norma Monia at cell 0928xxxxxx and provide the needed assistance and representation to OUMWA-DFA.

Regards,

Pareng Ronnie

From: ellene sana
To: Ronnie Abeto ; cma
Cc: albert adecer ; Joseph Henry B. Espiritu ;
Sent: Thursday, January 10, 2008 8:45 AM
Subject: RE: Latest update in Yanbu

copy pareng ronnie. we’ll keep you posted.

regards,
kumare

Insert: Arabnews Report on January 11, 2008 about the Incident

http://www.arabnews.com/node/307605

From: albert adecer
Sent: Friday, January 18, 2008 4:18 PM
To: Ronnie Abeto
Cc: Joseph Henry B. Espiritu; ellene sana; Ezzedin Tago
Subject: Latest updates: Yanbu stabbing incident

Ka ronnie,

A time to rejoice should this be a good news to the team – five (5) of the nine (9) OFWs held in police custody since last 03 January for their involvement in the subject incident were released.

I was able to talk to them yesterday in their respective jo bsites. The injured OFW victim who was hospitalized due to stab wounds is also released.

Four were left behind the bars which include the confessed killer, the one who was accused of inflicting injury to the killer, and two other colleagues who played ma jo r role in supplying alcohol to the group.

Ka ronnie, may tanong lang po ako. Bakit hindi pa nagagawan ng madaliang aksyon ng embahada natin na mapauwi ang remain ng deceased? The victim’s company appealed to me yesterday to help them contact the wife of marlon sa pinas to check the status kung ano na ang nangyayari sa pagaasikaso ng mga papeles na kakailanganin para sa pagpapauwi ng bangkay ni marlon. Nakontak ko naman ang wife ng deceased thru her mobile at doon ko nalaman na until now she is still waiting for “informations” from OWWA-DFA concerning the case. She can not tell nor explain to me what these informations are all about.

I heard that a team of our consulate representatives has gone to visit our jailed OFWs sometime last week. I am hoping na sana further action on immediate repatriation of marlon’s remain will be dispatched in the soonest time.

The confessed killer, on the other hand also deserves the rights for justice. Stories had circulated that the poor guy was only prompted to defend himself… Sana magkaroon din ng legal representation from our DFA-OWWA ang killer and let him en joy his right para iparinig din sa ating mga kinauukulan ang totoong dahilan kung bakit nagawa niya ang krimeng iyon.

Maraming salamat po!

Gumagalang,
Ka albert

Yanbu

On 1/19/08 7:39 AM, “Ronnie Abeto” wrote:

Ka Albert,

Maraming salamat sa good news!!

Re your query kung bakit hindi madaling mapauwi ang bangkay, una dahil ito ay police case at habang ang investigation ay ongoing para sa trial ng akusado, the remains (that serve as an evidence) ay mananatili at di pa pwedeng i-repatriate.

Pangalawa, kung tapos na ang investigation, the company has to secure all the required documents to secure NOC (No Objection Certificate) from the Consulate. Normally, sa mga katulad natin na tumututok sa ganitong kaso, nagagawa nating humingi sa Embassy or Consulate ng NOC in advance kahit na di pa kompleto ang mga dokumento.

Sa Pilipinas naman, the deceased’ wife has to execute an affidavit of acceptance of remains sa DFA and the same signed document shall be forwarded by DFA to the Consulate. (We will ask the assistance of CMA to assist them in this regard).

You can find the attached procedures for your records and reference and in coordination with the company of the deceased in case they do not know which documents have to be arrange and submitted to the Consulate.

Doon naman sa mga akusado, two things we can do and are doing now:

We already wrote an email to Con Gen Tago (via my gmail account) although I am not sure whether Con Gen received the said email. Nevertheless, as he is copied to this email, I am attaching the same to this email.

We will again requesting CMA to contact the accused and provide the needed assistance.

For the information of all the concerned, herebelow are the information for both the deceased and the accused:

Deceased:
Name : MARLON VIERNES DELIZO
Address: xxxxxxx, Nueva Viscaya , Philippines
Contact No. (Phils) : 00639262xxxxxxx

Alleged Stabber:
Name : ROGELIO NOPAL MONIA
Address : xxxxxxx, Bagong Silang, Caloocan City
Contact No. (Phils) : 0063905xxxx
00639186xxx

Here below are the contact details of Hadi Haider office based in Yanbu:

Contact Person : Mr. Zafar xxxxxxxxx
Position : Senior Proj. Manager
Tel. No. (office): (03)392-xxxx
Mobile No: 05624xxxx

Best Regards,

Ka Ronnie

From: Ezzedin Tago
Sent: Saturday, January 19, 2008 1:15 PM
To: Ronnie Abeto; albert adecer
Cc: Joseph Henry B. Espiritu; ellene sana; Ezzedin Tago; cma
Subject: Re: Latest updates: Yanbu stabbing incident

Dear All:

I wish to inform you the following:

The NOK of late Delizo has executed the acceptance on 14 January, and we received it today.

It is true that the shipment of remains will most likely be delayed as this is a police case.

I intend to travel to Yanbu this week to check on the shipment, talk to the employers, those released, and those still in detention. I had mentioned this to Mr. Albert Adecer in an email last night but it was not cc to all as I pressed on reply instead of reply to all.

Further updates to follow.

Sincerely,
Ezzedin Tago

From: Ronnie Abeto
To: Ezzedin Tago ; albert adecer
Cc: Joseph Henry B. Espiritu ; ellene sana ; Ezzedin Tago ; cma
Sent: Saturday, January 19, 2008 1:33 PM
Subject: RE: Latest updates: Yanbu stabbing incident

Sir,

On behalf of V-Team, we thank you for your prompt action and we appreciate your keen attention on this case.

Regards,

Ronnie Abeto

— Repatriation of the Remains of the late Marlon Delizo REPORT —

Date: Tue, 19 Feb 2008 00:08:57 -0800 (PST)
Albert Adecer wrote:

Ka ronnie, Ka Tas,

Matagal na pong tapos ang imbestigasyon sa kaso ng stabbing victim na si Mr. Marlon Delizo of Yanbu, Saudi Arabia so his sponsor and the police both want his remains to be repatriated soon but the documents needed inthe process are still awaited to date.

From the last text messages of marlon’s wife (today 17-02-08), sinabi niya na nung Feb. 12 lang siya pinapirma ng DFA-Manila ngSPA to authorize marlon’s sponsor in handling the repatriation matters.Dadaan pa ang dokumento sa Saudi Embassy. Nagbayad pa si Mrs. Delizo ng 1,100.00 pesos para sa SPA processing.Kawawa pala ang maiiwan ng OFW kung walang pambayad sa kailangang dokumento na tulad ng kay mrs. Delizo.Akala ko po yung ganong halaga ay inaabuloy na ng buwitring gobyerno natin sa mga sawing-palad na katulad ni mrs. Delizo.

Reklamo po ni mrs. Delizo ay hindi naman sa pera dahil kaya daw po niyang ipangutang maiuwi lang ang bangkay ng asawa niya, kundi ang mabagal na pagkilos ng DFA sa mga ganitong pangangailangan.Pabalik-balik sa pagpunta sa DFA si mrs. Delizo (from Nueva Viscaya-Manila and vise versa) o dili kaya ay palagi siyang komokontak by phone.Iisa daw palagi ang sinasabi ng DFA “hindi pa daw tapos ang imbestigasyon”…until 08 Feb.’08 pinatawag siya to fill up forms and finally in 12 Feb. for signing the SPA….

Again, marlon’s sponsor thru one of his site manager tried to contact the Consulate Office in Jeddah this morning to follow-up the awaited documents.Nakaharap po ako sa mismong taong gustong kumausap kaninasa konsulada natin at nung nakontak na niya ang opisina for some reasons na hindi yata niya masyadong naiintindihan ang paliwanag ng konsulada he handed over the cell phone to me para ako daw ang makipag-usap.Mga sirs, alam niyo ba na parang gusto kong maiyak ng sabihin ng konsulada na ang dapat daw sisihin sa pagkadelay ng dokumento sa DFA ay yung asawa ng namatay dahil hindi daw naaasikaso ang pagpirmang SPA. Tsk..tsk..tsk doble-doble na yatang kaapihan ang inaabot ng kawawang asawa ng namatay.Dinipensahan ko naman po ang asawa ni marlon at pinaliwanag ko

na palaging naghihintay at nakatutok ang pobreng biyuda sa anumang iuutos ng DFA although she resides too farfrom manila. agdag ko pa mga sirs, sabi ko walang dapat sisihin kundi kayong mga nasa konsulada, embahada at sa DFA…etc. kaya madalas nangyayari ang mga ganitong delay ng pagrerepatriate ng remains ng mga OFW na sinawing-palad sa ibang bansa.

Puwede po ba natin uling katukin ang CMA para magbigay ng assistancepara kay mrs. Delizo?Kung puwede lang naman po mga sirs pakiusap kasi ng kawawang ginang huwag daw sana tayong tumigil ng pagtulong sa kanya.

Maraming salamat po uli sa inyo.

Ka albert

“Joseph Henry B. Espiritu” wrote:

Dear anna and ate,

please call misis delizo para dag-dag lakas.

kind regards,
tas


From: anna liza navarro
Subject: Re: Late OFW Marlon Delizo: updates
To: “Joseph Henry B. Espiritu”

kuya, we sent a letter to dfa-oumwa dated feb 11 requesting for immediate repatriation of his remains. hindi makontak cp ni mrs delizo +63926xxxxxx. pls check po. thanks.

anna

albert adecer wrote:

Ka Tas,

Hindi alam ni mrs. Delizo ang contact no. ng CMA.Please give this mobile no. of mrs. Delizo to cma- 092779xxxxx

Thanks,

Ka albert

“Joseph Henry B. Espiritu” wrote:

ka albert please tell mrs delizo to contact cma.. di kasi macontact ang mobile nya..

thanks,
tas

“Joseph Henry B. Espiritu” wrote:

hello anna and ate, please take note of mrs delizo’s number

092779xxxxxxx

Ka albert here is CMA’s contact info..

Center for Migrant Advocacy, Philippines (CMA-Phils)
72-C Matahimik St., Teachers’ Village, Diliman,
1101 Quezon City, Philippines
Tel: +63 2 4330684; +63 2 9205003
Email: cma@tri-isys.com
Website: www.pinoy-abroad.net

regards,
ka tas

Date: Sat, 8 Mar 2008 05:55:03 -0800 (PST)
From: anna liza navarro
Subject: Re: Fwd: Re: Late OFW Marlon Delizo: updates
To: “Joseph Henry B. Espiritu” <
CC: Albert Aldecer, ellene

kuya, here’s an update from the consulate on the case of delizo. fyi.

thanks,
anna

“Joseph Henry B. Espiritu” wrote:

Dear anna and ate ellene,

napakaklaro dito sa sulat ni congen na they have to send it thru courier.

i talked with ka albert this morning at ang reason kaya hindi pa nasend documents (acceptance of remains)  ay gusto ng consulate na kung pwede ay ang company ang magshoulder ng expenses sa courier at ayaw din naman ng company na sila ang magshoulder. so ka albert voluntered na kung magkano man ang expenses ay sya na lang ang magshoulder. Thanks to ka albert.

Hindi po ito ordinaryong kaso at may pamilya po na naghihintay sa bangkay ni yumaong marlon. Hindi ba napakaganda sana kung itong ating consulada ay maglaan naman ng panahon para ihatid lang itong document doon. if they really trust the courier then bakit hindi na lang nila ipapadala.. ang laki kaya ng hiningi na budget ni director relacion sa kanyang expenses report sa oumwa.. Tapos pagpadala lang ng documents, ay ewan..

Naalala nyo yong apat (4) na pinoy na napugutan sa Taif noong 2005?  sa kasalanan na pagpatay ng kapwa pinoy? di ba may letter of forgiveness na yon ? pero napugutan pa rin ang apat na kababayan ?

ano ang reason ng consulate noon ? kesyo hindi pa daw tapos ang negotiation sa pamilya ng biktima.. pero ang totoo,dahil hindi dumating ang sulat sa court !  Hindi nila pinadala ang letter at natulog lang sa opisina ng ATN.. Bakit,  Dahil ba ayaw nilang gumastos para sa courier?

Ka albert, please send your reaction..

ito lang po muna,
tas

From: albert adecer
To: Joseph Henry B. Espiritu
Cc: ellene sana
Sent: Monday, March 10, 2008 5:21 PM
Subject: Re: Reaction: Re: Fwd: Re: Late OFW Marlon Delizo: updates

Ka Tas,

hindi po kaagad ako nakapagemail sayo right after our telecon dahil sa sobra ding work pressure ko ngayong araw na ‘to.

Anyway, i made a second followup sa office ng HHC dito sa yanbu about the subject documents, eto ang sinabi nila sa akin:

  1. About an hour after na magusap tayo sa phone, tumawag ang consulate sa office ng HHC confirming that the document was sent by courier, via aramex (the same time they called the office).
  2. Again, the consulate insists that the courier service will be shouldered by the employer.
  3. The employer’s manager said they will not shoulder the payment, unless the document is sent to their Rahima office. Rahima lang daw ang may authority to shoulder the payment.

In the same moment, tumawag po ako kaagad sa konsulada at nakausap ko ang mismong nagaasikaso sa mga ganitong problema, in the name of Mr. Rico in his mobile no. 05071xxxx. He confirmed the HHC statement na pinadala na kanina lang ang dokumento. At sinabi niya rin sa akin that the courier service must be shouldered by the employer. Ito daw ang dati na nilang patakaran.

Ganun pala sir ang patakaran nila bakit pinatagal pa at parang nakikipagbidding pa sila kung sino ang dapat managot sa courier. Sana pinadala kaagad nila dahil ang isang araw na pagkakadelay ng pagpapauwi ng bangkay ni marlon ay katumbas na naman ng di maipaliwanag na paghihinagpis ng mga naulila ng biktima sa araw-araw na paghihintay.

Kung hindi babayaran ng HHC ang courier malamang hindi ito irelease ng aramex kaya nagiwan ako ng mensahe sa mga kabayan natin sa opisina nila to call me immediately para ako na ang magboluntaryong magbayad kapag dumating ang dokumento. Dahil nakikinita ko po na walang gustong magbayad sa management nila para mareceive ito.Otherwise babalik na naman ito sa konsulada.

Naku mga sirs at mam, hirap po palang mamatay dito sa saudi arabia, patay ka na papatayin pa nila ang maiiwan mong pamilya.Sana naman magkaroon ng kahit konting pagbabago ng patakaran ang DFA natin lalo na ang mga konsulada at huwag nang pairalin ang mga dating sistema na alam naman nilang na sa halip na nakakatulong at nakakaganda sa mga OFW ay parang nakakaperhuwisyo pa yata.

Yan lang po Ka tas, pasensya na sir sa delayed reaction.

Maraming salamat po.

Ka albert

— Repatriation of 7 OFWs REPORT —

From: Mark Vincent Alabastro
Subject: Details Filipino workers who are trap in Saudi Arabia
To: ellenesana@yahoo.com
Received: Friday, 13 August, 2010, 5:16 PM

Name of Agency: 1st DREAM
Address: Malate, Manila
Owner: Elpedia Tan
Description: Papalit palit daw ng pangalan yung agency nato dahil allegedly maraming beses nato na involved on so many labor problems abroad

Company: Hadi Haider Co.
Address: PO Box xxx, Rahima, xxxxx, Saudi Arabia
Tel No. : 966 03 66xxxx
Fax No.: 966 03 667 xxxx

Nag usap kami ng uncle ko kanina Mam. Ito yung mga niliwanag nya.

1) Ang case ay nagsimula nung sila ay ma detained in prison for 12-14 days last January 2008. Pero sila ay pinalabas at pinagpa trabaho pa sa kanilang company habang ongoing ang investigation at ang kaso.

2) During that time, and it was only that time, na may pinadala yung Consulate sa Jeddah para mag represent lang sa Philippine government. Hindi naman sila kinausap ng taong yun. After that, wala nang nagpakita galing sa consulate ng Jeddah. Hindi nga nila alam kung

sinong abogado ang nag handle sa kaso nila.

3) Once in a while, from 2008-2010, pinapa report lang sila sa police para kausapin o tanungin hinggil sa kaso, tapos back to work ulit.

4) By June 2010, ang kautusang sampung (10) araw na imprisonment at 50 lashes ang hinatol sa kanila. Tinanggap nalang nila ang parusa na 50 lashes kahit ginigiit nila na witness lang sila sa nangyaring krimen, at ang main suspect ay si Rogelio Monia / or Manio, at yung 10 improsonment ay na waive nala dahil sa kanilang pagka detained last January 2008.

5) Ngayun, for release na ang kanilang mga documento sa pagkaka abswelto sa kaso. Kamakailan lang, nagka problema sa pag release ng mga documento nila dahil sa dalawang kasamahan. Isa yung Engineer na may problema sa visa yata. Tapos yung isa nag change name, kasi nagpa convert from christian to muslim, meaning yung visa nya hindi magkatugma yung pangalan dahil christian name yung nakalagay, hindi yung current muslim name nya.

6) Until now, hindi parin napipirmahan ng general ang release orders para sa kanilang lahat dahil sa problema ng dalawang kasamahan nya. Although may ticket na raw sila pabalik pero open date yata. At sila ngayun ay nakatira sa quarters parin nila sa kanilang tinatrabahuan.

7) Walang nagpa follow-up sa kanilang release papers since yung management nila ayaw ng makialam sa kanilang kaso. Tapos malayo din daw yung office ng Jeddah doon. Pero sila ay nadismaya lang dahil kahit isang beses man lang, hindi sila dinalaw ni isang staff ng consulate para e-update sila or magbigay ng report sa kaso.

8) Ngayun sila ay trap sa kanilang quarters dahil di sila makalabas dahil hindi pa sinauli ng police ang visa nila at bawal lumabas na wala iyon. Pangalawa, di na sila sinu-supplyan ng pagkain ng company.

9) Ang kinakatakutan lang nila, pagkinulit pa nila ang kanilang employer, baka palayasin sila sa quarters at wala silang matirhan, baka lalong lumala pa ang sitwasyun nila.

Yan lang po muna.

Maraming salamat po.

Mark

“the usefulness of action is judged by the extent to which it challenges the fundamental causes of oppression rather than superficial symptoms”- CO Multiversity

2010/8/13 ellene sana wrote

mark, what is the cellphone number of your uncle?

ellene a. sana

From: Mark Vincent Alabastro
Subject: Re: Details Filipino workers who are trap in Saudi Arabia
To: “ellene sana”
Received: Friday, 13 August, 2010, 6:09 PM

Osias Antipolo
Nickname: Inting
Contact: +966535xxxxx

From: ellene sana
Subject: Fw: Re: Details Filipino workers who are trap in Saudi Arabia–contact cp
To: “Joseph Henry B. Espiritu” , “roland.blanco ” , “ana navarro” , “cma”
Date: Friday, August 13, 2010, 3:10 AM

joseph, roland, anski: pls note the cellphone number of ofw antipolo (uncle ni mark from cebu)…nasa ibaba….joseph, maaari kayang matawagan mo para makausap mo sila at makumusta na rin?

salamat.

ellene a. sana

From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Discreet: Re: Details Filipino workers who are trap in Saudi Arabia–contact cp
To: “Rolando Blanco” “ana navarro” , “cma” , “ellene sana”
Cc: “Fidel Aragon” , rrmanayao2006
Received: Friday, 13 August, 2010, 7:33 PM

Ate,

Nakausap ko na si inting.. So this is related to the case of the late Marlon Delizo, na pinarating ni Ka Albert Adecer sa atin noon.

The killer was Rogelio Monia..

Hindi ko kaagad nalaman dahil i was thinking na sa jeddah ang case na ito,, sa yanbu pala ito..

Actually, i was looking for updates sa case na ito dahil sinabi kasi ni ka albert sa akin before na mabait itong nakapatay at inasar-asar lang.. sabi pa nga ni ka albert ay nakapatay na rin ito sa pilipinas at gusto ng magbagong buhay dito. kaso sa pakipag-usap ko kay inting ay si marlon yong namatay, ay mabait din.

Clarifications on the status of the case of Inting and colleagues

1. Sabi ng police station sa kanila ay subject for deportation na sila. Ibig sabihin tapos na ang kaso and the the company must do the deportation procedure

– Police Clearance – which i think tapos na ito.
– financial settlement – ESB, unpaid salaries and other benefits (Ministry of Labor)
– repatriation – ticket and exit visa (Jawasat or Ministry of Immigration)

ESB – si enting worked for 20 years na sa company, for this he deserves and end of service benefits na equivalent to 17.5 months.

I asked enting kung may pinirmahan na ba sila na settlements ang sabi nya ay oo at dalawang buwan lang sa panibagong contract at yong 17 days na hindi pa nabigay na sahod.

i asked him kung every contract ba ay may matatanggap sila na pera.

ang sagot nya ay bawat end of contract ay may matatanggap silang 2 months.

(yon na yong end of service benefits and vacation pay, sa halip na ibigay after end of service ay sa bawat pagtapos ng contract which is legal naman din sa specified contract)

2. Bakit kailangang ideport sina inting ?

Though hindi sila akusado sa murder, kasama din naman sila sa inuman.. so your 15 days na kulong at lashes ay para sa pag-inom ng alak yon. Masyado ngang mababa yong hatol sa kanila, siguro dahil nakatulong sila bilang witness.

And since nakaviolate sila ng batas ng saudi arabia ang closure ng case is always deportation. As per batas na rin natin.

3. With regards to Rogelio Munia, pumayag na daw yong pamilya ni yumaong Marlon Delizo ng bloodmoney , 80Thousand SR daw. (note we have the contacts of the family of the late Marlon Delizo sa ating archives)

4. May isang lang problema, sa case ni Mohammad Kasim Agustin kung saan naquestion ng police bakit Virgilio Agustin sa passport at Mohammd Kasim ang sa Iqama.. I asked them to produce the First passport at yong certificate of conversion to Islam (1990 pa to) para madala ng kanilang employer sa Jawasat, Ministry of Interior or Ministry of labor, to prove na isang tao lang ito.

We may request na rin Mohammad Kasim na kung pwede maipapadala nya sa consulate ang kanyang papers para makakuha syang ng certification of one person – two names.

Hope maliwanag na ate,

5. Hindi naman talaga maayos ang pagdala ng consulate sa kasong ito. even yong pagrepatriate ng bangkay ni marlon delizo, imagine natagalan ang pagrepatriate ng remains dahil nagtuturoan ang company at ang consualte kung sino ang magbabayad sa pagFEDEX ng acceptance of remains document from jeddah to yanbu.

It is good know than our friend Bro Abdulkhaliq ng Islamic Center ng yanbu ang translator nina Inting..

6. Ang main concern ngayon ng 7 filipinos habang naghintay ng pag-uwi ay wala na daw silang pangkain dahil nagstop work na sila.

Note: I put ka fidel and ka rey sa thread te, para may direct contact ang mga workers sa community sa yanbu.

ito lang po muna te,

Joseph

From: ellene sana
Subject: Re: Discreet: Re: Details Filipino workers who are trap in Saudi Arabia–contact cp
To: “Rolando Blanco” , “ana navarro” , “cma” , “Joseph Henry B. Espiritu”
Cc: “Fidel Aragon” , rrmanayao
Date: Sunday, August 15, 2010, 7:28 PM

maraming salamat sa iyo joseph at sa mga kasama natin dyan. sana ay gabayan nyo itong sina inting. yung pamangkin niya si mark e kasama natin sa akbayan at sa alliance of progressive labor dito.

nag text ako ke labatt cabe noong huwebes para i-follow up yung provisions para sa grupo, ang text back nya, he will look into the case daw. sa pagkaalala daw nya e me nakabisita naman na daw sa grupo.

i also sent an fb message to congen tago, copy to usec seguis about the case, wala pang sagot. please note, usec seguis is in charge now of dfa personnel kaya mainam palagi natin syang kalampagin sa mga tiwali, insensitive at tamad na mga tao sa konsulado at embahada….

pls keep us posted ha. maraming salamat muli.

ate ellene

ellene a. sana

From: Aragon, Fidel (Petrocon – Yanbu)
Subject: Mohammad kasim Papers
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Date: Tuesday, August 17, 2010, 7:51 AM

Bay,
Maayong hapon. na meet naku sila ganinang buntag ug nakuha naku ang papers. Sorry karon lang naku na-email ang papers ni kasim kay naa man good mi HAZOP study sa ARAMCO ganinang buntag karon lang mi nahuman. Ilocano man diay si kassim mao nga  magkasinabot ming duha unya si enting ilocana sad diay ang iyang asawa.

Best Regards,
Fidel

From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Urgent Attention Ate Ellene: Case of Enting, Mohammad Qassem and kasama- Yanbu
To: “ellene sana”
Cc: “Fidel Aragon” , “Reynaldo Ramon Manayao”
Received: Tuesday, 17 August, 2010, 11:47 PM

Dear Ate,

Here are the updates sa case nina Enteng and mga kasama

Nasa deportation na ng yanbu ang lima te, except sa isa.

Ang naiwan ay si – Mohammad Qassim (aka Virgilio Agustin)

Ang problema kasi ay ang pangalan nyang Mohammad Qasim sa Iqama pero Virgilio Agustin sa passport.

naquestion ng Police bakit magkaiba ang pangalan.

History bakit magkaiba ang pangalan – nag Shahada (nagembrace ng islam) – 1991..

Suggested Resolutions :

1. Company
1.1. Kopya ng passport nya noon nagembrace sya ng islam
1.2. at Certification nya ng magembrace sya ng Islam.
1.3. Nagbigay na daw sya ng kopya ng mga docs nito. wala daw syang original dahil nasa pinas lahat .

(Please find the attached pdf file , Thanks to ka Fidel Aragon sa pagkuha ng documents kay Mr. Qassim)

2. DFA / Consular

2.1 One Person – Two names certificate from Philippine Consulate in Jeddah.

2.2 You may request the consulate if enough na ba yang naka-attached na PDF files para makapag-issue ng certificate.

2.3 Most likely hindi mag-issue ang consulate, because they are programmed to say NO kung may nangangailangan ng tulong (idiin pa nga) as experienced na natin sa mga cases.

2.4 We can ask the family of Mr. Qassim na punta sa CMA, at tulongan natin na mapadala yong original passport at certificate ng shahada dito. or kahit photocopy basta na-authenticate ng DFA and Saudi Embassy..

Ang nasa deportation ng Yanbu sa ngayon naay sina

Osias Antipolo
Frank Villafranca
Rodelio Gacayan
Rodulfo Sulit
Arnel Cuala
Joriel Bucad – Expired Passport (yet still can be deported using travel docs)

ito lang po muna te,

Joseph

From: ellene sana
Subject: Re: Urgent Attention Ate Ellene: Case of Enting, Mohammad Qassem and kasama- Yanbu
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Cc: “Fidel Aragon” , “Reynaldo Ramon Manayao” , “Mark Vincent alabastro” , “ana navarro” , “cma”
Date: Tuesday, August 17, 2010, 3:15 PM

dear joseph, mga kasama: salamat sa updates. uy, sabay kayo ni congen nag email. i’m sure, kaya sumagot na si congen, kasi hayan na naman tayo, nangungulit sa kanila.

joseph, wala sa listahan mo si inting mismo. asan sya?

mark: per suggestions of joseph, one option for mohammad is for family to send his original passport bearing his original name and a certification from shahada? pls connect his family to us para mabigyan ng abiso.

ito muna. hintayin natin pag uwi nila, soon sana.

ate e

ellene a. sana

From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Re: Urgent Attention Ate Ellene: Case of Enting, Mohammad Qassem and kasama- Yanbu
To: “ellene sana”
Cc: “Fidel Aragon” , “Reynaldo Ramon Manayao”, “Mark Vincent alabastro”, “ana navarro” , “cma”
Date: Tuesday, August 17, 2010, 6:45 PM

Ate, I mean si enting at ang limang kasama nasa deportation.. Ang full name ni inting ay Osias Antipolo

From: Aragon, Fidel (Petrocon – Yanbu)
Subject: FW: Mohammad kasim Papers
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Cc: “Reynaldo Ramon Manayao”
Date: Tuesday, August 17, 2010, 9:25 PM

Ka Joseph,

Magandang umaga, Nakausap ko ngayong umaga (6:00 A.M) si Mohammad Qassim kahapon daw mga 11:30 ng umaga pumunta sila sa pulis ng Royal Commission magkakasama silang pito kasama si enting Sinabihan daw sila kahapon na aalis na daw sila except kay Mohammad Qassim maiwan daw muna siya at aayusin pa daw yong papel nya. Yong anim tumoloy daw sila sa Jawasat kasama ang pulis at si Mohammad lang daw ang naiwan at pinabalik na siya sa kanyang accommodation. Kahapon ng hapon tinatawagan daw ni Mohammad Qassim itong pito ngunit hindi na daw nya macontact hanggang ngayon hindi rin din daw nya alam kung natuloy na sila pauwi ng pilipinas pero yon daw ang sabi ng pulis sa kanila kahapon.

Yan ang latest na balita ngayon sa anim na kasama ni Mohammad Qassim.

Best Regards,
Fidel O. Aragon

2010/8/18 Joseph Henry B. Espiritu wrote

Dear Ka fidel,

good morning din at maraming salamat sa mabilisang pag-action at pagtutok sa kaso ng pito.

with regards to your email.. please explain to enting na patago ang mobile sa tarhil (deportation).. pero may mga nagbusiness ng patawag at nagbenta ng sim card dyan. hihintayin na lang na tatawag sila kay Qassim or sa atin.. at para makapagpasa tayo ng load sa kanila.

Ka fidel you may advise, Mohammad Qassim na patatawagin yong family nya sa office ng CMA at Telephone: +632 920 5003; Cellphone: +63 928 795 2222 or you may get the phone number of her family sa pinas para magcoordinate sila nina ate Ellene at Anna..

Ate Ellene, Do you still have communication sa wife ni yumaong Marlon Delizo? gusto ko rin sana makuha yong story kung papano sila nahandle ng DFA re forgiveness. Ito na lang ang kulang natin para mabuo natin yong documentation.

Salamat kay Mark at nakausap ko si Enteng at si Mohammad Qassim at nagkaroon tayo ng idea sa buong pangyayari.. CMA and us had handled the case sa pagrepatriate ng bangkay ni yumaong OFW Delizo. at yong story tungkol sa patayan, sa kaso at kung anong serbisyo ang ginawa ng consulate ay hindi masyadong malinaw sa amin noon. again daghang salamat mark.

ito lang po muna,

Ka Joseph

From: Aragon, Fidel (Petrocon – Yanbu)
Subject: RE: Resending: Ka Fidel’s concern: Case of Enting, Mohammad Qassem and kasama- Yanbu
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Cc: “Reynaldo Ramon Manayao” , “bing gabriel”
Date: Wednesday, August 18, 2010, 5:26 AM

Ka Joseph,

Magandang hapon din sa iyo. Pasensya ka na at ngayon lang ako makapagreply dahil kararating ko din lang galing sa Aramco dahil dalawang araw kasi yong HAZOP meeting namin kaya ito kababasa ko rin lang ang email mo.

Walang problema at tatawagan ko si Mohd Qassim at kunin ko ang tel no. ng misis nya sa pinas. Ang pangalan ng misis ni Mohd. Qassim is Mr. Guillerma Agustin at Ito yong contact number 0063-918 xxxxxx wala daw silang land line cellphone lang daw.

Best Regards,
Fidel O. Aragon

From: Mark Vincent Alabastro
Subject: Re: Resending: Ka Fidel’s concern: Case of Enting, Mohammad Qassem and kasama- Yanbu
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Cc: “ellene sana” , “Fidel Aragon” , , “ana navarro” , “cma” , “Fidel (Petrocon – Yanbu) Aragon” , “Reynaldo Ramon Manayao”
Date: Wednesday, August 18, 2010, 9:39 AM

salamat po salamat.. maraming salamat po.. andito po ako bohol dahil dito ako na destino sa APL / LEARN (labor group ng akbayan). but i will report asap the details to my mom (inting’s brother) and her wife.

walang anuman ka joseph… at mabuhay po kayung lahat..

maraming salamat mam ellen.

sana makarating na sila dito sa pinas, we miss them.

mark

From: ellene sana
Subject: 6 ofws from hadi haider now with their families
To: “congen ezzedin tago (jeddah)” , “polo jeddah” , “polo-jeddah” “Joseph Henry B. Espiritu” , “roland.blanco
Cc: “cma” , “ana navarro”
Date: Sunday, August 29, 2010, 8:28 AM

dear congen tago, labatt cabe, joseph, roland and kasamas in ksa:

we are happy to inform you that 6 of the 7 ofws implicated in the case of ofw rogelio monia arrived in manila on august 25 in the afternoon. they are now reunited with their families.

thank you!

sincerely,
ellene sana

From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Re: 6 ofws from hadi haider now with their families
To: “ellene sana”
Date: Sunday, August 29, 2010, 8:32 AM

te, please tell anna na nasa email nya na ang scanned documents ni Mohammad Qasim and to please forward that to the consulate para mai-ssuehan ng one person two names na certificate.

best regards,
joseph

From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Pahabol: 6 ofws from hadi haider now with their families
To: “ellene sana”
Received: Sunday, 29 August, 2010, 11:36 PM

Ate and Anski, nakakuha na pala si mohammad qaseem ng one person two names, sya na mismo ang pumunta noong nakaraang linggo sa consulate. tatanggapin na sya ng deportation at makakauwi na rin yan si Mohammad Qasim

best regards,
joseph

CLARIFICATIONS

1. Bakit nakalusot ang isang ex-convict sa Pilipinas para magtrabaho sa Saudi Arabia? Si Rogelio Monia ayon sa ating report sa taas ay isang dating ex-convict, nakapatay papano nakakuha ng NBI clearance, papano nakalusot sa airport..

Sagot: Sinabi sa akin Enting (Osias Antipolo) ni Enting noon na si Rogelio Monia daw ang nagsabi na nakapatay sya sa atin at ang gamit nya lang na pangalan yong sa kanyang kapatid. So hindi sya si Rogelio Monia?

2. Bakit umuwi yong isang OFW (Mohammad Qasim ) na nasaksak din Rogelio Monia na walang kabayaran for compensation?

Sagot: Tinangong ko si Enting Dahil may sugat din si Monia mula sa pagpalo ng isa pang OFW. Kaya sabi ng Judge patawarin ni Qasim si Monia para patawarin naman ni Monia yong isang OFW na nanakit sa kanya.

3. Gusto lang din naming pasalamatan at iclarify na ang naging translator ng mga OFWs na ito during court hearings dahil walang representation ng consulate.. ito ay walang iba kundi yong kapatid natin na si Abdulkhaliq, sa Dawah ng Royal Commission.

4. At maraming salamat sa mga kasamahan sa adbokasya. Mabuhay po kayo!

 CLOSURE REPORT

February 02, 2012, I talked with Brother Hussain ng Dawah Yanbu na tumulong kay Rogelio Monia. Ang sabi nya ay nakauwi na daw ito last friday. I asked him kung sino ang donor ang sagot ni Bro Hussein ay yong Saudi na naging kasama ni Rogelio Monia sa loob ng kulongan at nangako sa kanya na kung makalaya sya ay tutulongan sya sa bloodmoney.

Brother Hussein confirmed to us na nagawa ni OFW Monia ang mga sumusunod bilang patunay ng kanyang pagbagong buhay.

  1. Ang pagtanggap ng pagkakamali
  2. Ang pagsisisi ng nagawang pagkakamali
  3. Ang tapat na paghingi ng tawad sa pamilya ng biktima at higit sa lahay ay ang paghingi ng tawad sa Allah
  4. Ang Pagpangako na hindi na uulitin ulit ang nagawang pagkakamali
Share this: