Kamakailan lamang ay nagpalabas ng panawagan ang Philippine Embassy para sa mga Manggawang Pilipino sa Israel. Ang sumusunod na panawagan ay hango sa dokumento ng isang OFW at active officer ng Jerusalem Filipino Community na si Miss Anne JO Anna. Ito ay ipinalabas pagkatapos ng malawakang pagtitipon ng ilang grupo ng Manggawang Pilipino at ng Philippine Embassy sa Israel, sa adhikaing mas mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino sa bansang ito sa ilalim ng pamumuno ni Ambassador Generoso D.G. Calonge
PANAWAGAN
1. Ang Philippine embassy po ay nag i-issue ng ID para sa mga manggagawang Pilipino dito sa Israel. Para sa mga kababayan dito sa Jerusalem, tinatawagan ko po ang atensiyon ng mga leaders o opisyal ng bawat organisasyon. Maaari po kayong humingi sa amin ng form at ipaxerox na lamang ang VOLUNTARY REGISTRATION FORM para ipamahagi sa inyong mga miyembro. Wala po itong bayad.
Maaring isang opisyal o miyembro ng grupo ang mag-submit ng accomplished forms sa embassy.
HINDI NA KAILANGAN ANG “PERSONAL APPEARANCE”.
Ito po ang mga kailangan para makapag pagawa ng ID :
filled-up Voluntary Registration form:
2 copies of 1×1 ID picture
xerox copy ng inyong passport
PAALALA:
May mensahe po sa inyong lingkod ang ating Cultural Attache’ Madam Tess Reyes na kung available din lamang ay mas mabuting PUMUNTA SA EMBASSY NG PERSONAL para magpagawa ng ID (Voluntary registration) at isabay na rin ang pagpapaREHISTRO para sa ABSENTEE VOTING. Sa pag-claim ng ID ay maaari daw na ibang tao na ang kumuha. Magpadala lamang po ng Authorization letter. Maraming salamat po.
2. On-going na po ang REGISTRATION for ABSENTEE VOTING para sa MAY 2013 ELECTION. KAILANGANG PUMUNTA SA EMBASSY para magparehistro. Ang registration ay hanggang sa Oktubre 2012. Passport lamang ang kailangan. Bukas po ang ating embahada Linggo hanggang Huwebes mula alas- otso ng umaga hanggang alas-kuwatro ng hapon.
3. Maaari pong maging member ng OWWA ang lahat ng manggagawang Pinoy, maging kayo man ay walang working visa. Yan po yung VOLUNTARY Membership. Ito po ang mga requirements :
a. Health insurance
b. Proof of Employment — maaaring ito ay Pay Slip ( sa pagtanggap ninyo ng sweldo ay magpapirma sa employer) o simpleng sulat na nagsasaad na kayo ay nagtatrabaho sa specific employer at papirmahan po sa kanila.
Mahalaga po na tayong lahat ay maging miyembro ng OWWA at i-renew ito taun-taon upang maka-avail ng mga benepisyo.
Para sa mga karagdagang impormasyon at updates ay bumisita lamang sa www.philippine-embassy.org.il
SOURCE: Document of Miss Anne JO Anna
of Jerusalem Filipino Community (Updated on Nov. 27 @ 10:35am)
