Patnubay Leaks: Empleyado ng POLO Riyadh sa loob ng 19 taon, namatay, walang tulong mula sa gobyernong Pilipinas

Share this:

From: Tasio Espiritu
Date: 2013/5/3
Subject: Empleyado ng POLO Riyadh sa loob ng 19 years, namatay, walang tulong mula sa gobyernong Pinas
To: Office of the President, Office of the Vice President, DOLE, POEA and OWWA
Cc: Patnubay Advocates and Partners

Isang local hire na naman na nagtrabaro sa POLO-Riyadh sa loob ng 19 taon, ay namatay dalawang linggo na ang nakaraan. Ang nakakalungkot ay walang naitulong ang gobyernong Pilipinas..

Anim na taon na pong kami ay sumisigaw para sa katarungan at para sa karapatan ng mga local hire na nagtratrabaho sa mga POLO dahil sila ay pinagkaitan ng maraming karapatan na dapat sana ay meron sila.

Noong 2007, nagkasakit ang isang translator ng polo, walang medical assistance kaya ubos ang lahat ng naipon. Namatay si Manong at umuwi ang kanyang pamilya na walang service awards na natanggap. Noon namin nalaman na ang lahat na mga local hire ng POLO ay wala palang ESB (End of Service Benefits), walang medical insurance, walang overtime pay, risk insurance, round trip tickets at marami pang iba na dapat sana ay meron sila katulad ng mga natatanggap ng mga OFWs sa KSA. Ipinaglaban namin ito dahil hindi makatarungan para sa amin na ang mga taong nakipaglaban para sa aming mga karapatan, ay deprived pala sa parehong karapatan. Nasa baba po yong kopya ng aming mga sulat.

Kung inyong matatandaan ay lumabas din sa Philippine Daily Inquirer noong nakaraang taon ang tungkol sa kwento ng mga local hire ng POLO. May namention noon na isang translator na nagkasakit at walang naitulong para sa kanyang pagpahospital ang ating gobyerno. Kundi dahil ay nakakuha tayo ng referral sa isang government hospital dito at sa tulong na rin ng mga kasamahan niyang local hire din. Nakalabas sya sa hospital at nagtrabaho ulit sa POLO. Pero 2 weeks ago, pumanaw din si Manong. Katulad ng naunang namatay noong 2007, walang madadalang pera ang kanyang pamilya at kahit man lang sana sa ticket para sa pagpauwi ng pamilya ay hindi tumulong ang ating gobyerno.

Ito na siguro ang huli naming pagsigaw para para karapatan ng mga local hire ng POLO. sa loob ng mahabang taon.. Hindi na namin matatanggap na may namatay ulit, na isang kaibigan at alam naming nagserbisyo para sa amin. Pinaglaban nila ang aming mga karapatan subalit sila pala ay piangkaitan ng mga karapatang ito. Ano pa ang silbi ng aming pagsisigaw kung kayo lahat ay mga bingi naman. Ano pa ang silbi ng aming mga pagpapaliwanag kung kayo lahat ay hindi marunong umintindi. Ano pa ang silbi ng aming pagmamakaawa kung kayo naman ay mga walang puso! TUWID NA DAAN? PWEEEH!!!!

Inna Lillahi wa inna ilaihi raji’un
Joseph

The Local Hires of POLO Still Deprived of their Rights
As Posted last June 18, 2012
Kung inyo pang matatandaan, noong 2009, nagpost po tayo sa lumang website natin tungkol sa mga karapatan ng mga Local Hire workers ng POLO (Philippine Overseas Labor Offices) sa Saudi Arabia. Yong sulat din na yon ay pinadala natin sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas.

May mga sumagot po na iilan sa mga government officials. Dahil nito ay nagkaroon tayo ng pag-asa na ang ating kahilingan ay mapagbigyan. Pero nang nagpalit ng administration sa ating pamahalaan, ang ating mga pinaglaban ay parang nakalimutan.

Noong Enero 2011, Lumapit po tayo sa Center for Migrant Advocacy (CMA) at nagkaroon sila ng meeting sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Nasa baba naman yong mga reactions ng mga nakakaintindi sa kalagayan ng mga local hires ng POLO

Ngayon 2012 na at nagpapalabas na naman ng budget ang ating gobyerno para sa mga officials from Manila na ipapadala dito sa Middle East. Wala pa ring nakalaang budget para sa simpleng karapatan na nararapat para sa mga local hires ng POLO.

Maari lang po ay basahing mabuti ang mga nakasulat sa mga links sa taas para maintindihan nyo ang ating pinaglaban (Truth, Fairness and Justice).

Sa totoo lang mas maganda pa ang bansang Saudi Arabia dahil sila ay tumutugon sa kahilingan kahit sa atin na hindi nila kalahi. Hindi katulad ng gobyernong Pilipinas, na nagbingi-bingihan sa hinaing ng sarili nilang mga tauhan.

Maraming Salamat
Patnubay Online

Share this: