Pasasalamat at Papuri
Unang-una ang Papuri at Pasasalamat sa Nag-iisang Tagapaglikha!
Papuri at Pasasalamat sa lahat ng mga OFWs na nandito, lalo na sa mga kababayan natin na nagsipag-ayos ng kanilang mga papel para sa pagexit o pagtransfer ng employer .
Ngayon lang po kami nagkaroon ng pagkakataon na sabay-sabay namin kayong nakausap. Sa mahigit dalawang buwan, araw at gabi, maging sa madaling araw ay nakakusap namin kayo. Sa kaunting payo ay napakadali ninyong makaintindi at sumunod sa mga proseso na dapat gagawin.
Naniwala kami na kung noon ay alam nyo lang ang tamang proceso o ang mga tamang tao na malapitan ay hindi kayo maging runaway. Naniwala kami na kung may maayos lang na trabaho sa Pilipinas at kung mayroon lang madaling paraan, ay matagal nyo na rin sigurong ginustong umuwi. Higit sa lahat, ay alam namin na hindi nyo pinangarap ang maging runaway.
Lumabas ang guidelines noong Mayo 10, 2013, ito na sana ang tamang pagkakataon, na maipasatama ang Iqama o makakauwi kayo ng maayos, kaso ang kalaban natin ay ang oras at ang pabago-bagong proceso sa pagkuha ng exit visa o sa pagpatransfer.
Hindi man namin naranasan, ramdam po namin ang inyong hirap, sa init ng araw, sa haba ng oras, sa pagpila sa jawasat, sa pabalik-balik sa airport, sa hindi magagandang salita na naririnig at sa mga gabing walang tulog dahil sa pag-iisip. Hindi man namin naranasan, naramdaman po namin dahil sa napakaraming messages at hinaing na naipaabot ninyo sa amin.
Sa totoo lang pagod na rin kami, pero nagkakaroon kami ng lakas dahil sa inyo na kinaya ang hirap at pagod sa paglalakad sa labas para maipasaayos ang inyong mga papel. Hindi namin alam na kung kami ang nasa kalagayan nyo ay kakayanin ba namin.
Uulitin namin kami po ay humahanga sa inyo, saludo kami sa inyo. Mabuhay po kayo!
Sa ngayon, ang isipan natin ay nakatoon sa deadline sa July 3, 2013. Kami man ay umaasa at naniniwala na mayroong extension pero ayaw naming magsalita ng hindi sigurado para lamang maipalagay kayo sa panatag. Pero kung subukan ninyong mag-analyze maaring makakatulong ito para mapanatag kayo, kung may hulihan, saan nila ilalagay ang isang million na runaways na iba’t-ibang lahi? Papano sila pakakainin? Pagdating ng buwan ng Ramadhan, manghuhuli pa rin ba sila? Hindi ba masisira ang fasting nila kung ipursige nila ang hulihan?
Gayun pa man, hindi natin pwedeng baliwalain ang naka-ambang na deadline. Kailangan nating paghandaan ang lahat ng maaring mangyayari. Sama-sama tayong magmanman sa paligid at magreport kaagad. Huwag nyo rin kalimutang dalhin palagi kung ano man ang mga documents na meron na kayo, printout, travel document, original or copy of iqama or passport.
Sa ngayon, may nahanap na ang ating embahada (at sana ang konsulada na rin) na esteraha para sa mga pinaalis na ng mga kanilang tinitirhan. Kailangan pa lang nila munang magpapaalam sa kinaukulan dito para walang pwedeng mag-raid sa esteraha.
Papuri at Pasasalamat sa ating embahada at konsulada, kay USEC Seguis, Amba Tago, Congen Garibay, kay Consul Usudan at ang mga staff nila. Sa DFA Manila naman ay sa passport deparment magpapasalamat din kami.
Normal lang sa amin ang araw-araw na mga email exchanges or phone conversations, exchanging ideas of individual cases and issues at normal lang din sa amin ang may pagtatalo. Ngayon sa mahigit dalawang buwan, kasama natin sila kahit sa madaling araw. Aaminin po namin, na kung gaano napalapit ang aming loob sa mga kababayang runaways ay ganun din kami napapalapit sa kanila. Nakita rin naman siguro ng karamihan na kahit kaunti lang ang kanilang mga tauhan kumpara sa dami ng mga kababayan na nagprocess ng kanilang papers, ay naagapan nila kayo lahat.
Kay Amba Tago at kay USEC Seguis, hindi namin alam kung ano ang maging kahinatnan kung wala sila. Napapahanga kami dahil sa pinakitang puso nila para sa mga OFWs lalo na sa panahong ito, lalong lalo na sa decision making at servant leadership na pinapairal nila. Hindi rin sila nagkulang sa pagtugon sa mga hinaing ng OFWs kung may tauhan sila na hindi tama ang trato sa mga OFWs.
Papuri at Pasasalamat sa kapwa NGOs, individuals and FB Groups, sa Ople Foundation, PEBA, Global OFW Voices, KSA-OFW-Nitaqat at sa lahat ng FB Group na kaparallel natin sa pagtutulongan sa panahon na ito. Gumagalaw, tumutulong, nagpapayo, umaalalay at nagshare ng information.
Uuitin namin ang aming pasasalamat, unang-una sa Nag-iisang Tagapaglikha,
sa mga OFWS, sa Embassy / Consulate at sa kapwa NGOs and FB Groups, Sa sandaling panahon, napatunayan natin na pwede pala tayong magkakaisa, at marami pala tayong pwedeng magagawa at maipapasatama kung tayo ay magkakasundo lamang sa isang hangaring at prinsipyo.
Naniwala kami na kung may isa or dalawang buwan pa na extension ay kaya na natin tapusin ito na walang runaway OFW na maiwan. Huwag mawalan ng pag-asa, ipagpatuloy ang pagdarasal at siguradong may magandang resulta.
Naniwala kami na kung ipagpatuloy natin ang ganitong samahan, sa susunod na mga taon ay marami tayong magagawa hindi lang para sa ikakabuti nating mga OFWs, kundi maging ikakaunlad ng ating Inang bayan na rin.
Maraming salamat,
Patnubay Online
Reactions and Comments
From: Loreto Soriano
I would like to convey my personal thank you to all of you who have extended support, assistance, thankless jobs to our OFWs in distress in Saudi Arabia, likewise to Amba Tago and the rest in the Philippine Embassy and our Labor Attaches, Welfare Officers and staff of POLO, to Admin Hans of POEA and OWWA.
The challenges during the last 2-3 months has shown great opportunities for more meaningful and closer teamwork and cooperation in the future between OFWS, OFWS Servant leaders in Saudi Arabia and our government. Its not yet a perfect teamwork, but a model is forthcoming and inspiring.
I can only contribute my sincere prayers and million thank you. Reading chains of emails on how you attended to fellow OFWs is heartwarming. Maraming Salamat din and Mabuhay ang Pilipinas ang mga OFWs at ating mga government officials and OFW advocates.
From Jay Ebora
Salamat din po sa PATNUBAY! Patuloy po kaming mag aambag ng aming mumunting tulong at kakayanan at higit sa lahat ang aming mga dasal! Sa pamunuan ng ating pasuguan sa pamumuno ni Amb Tago napatunayan na naman po na kayo ay may puso at kababaang loob sa pag aabot ng serbisyo sa ating mga kakabayan! Mabuhay po ang Hanay ng Uring Mangagawa sa Gitnang Silangan!
From Honey Roque Betche
Amen…
From Maryjean Daantos
Amen…………
From Umm Abdulbassit
maraming maraming din salamat sa inyo mga stuff ng patnubay at sa stuff ng consulate at mbc natin mabuhay tayong lahat
From Patnubay Online
ang bilis ng tugon ng Allah sa ating mga dasal.. Magdasal pa ng marami
Tuesday .. Press conference, Deputy Minister of Labour for corrective deadline. Dr. Moufarrej will Hagbani Deputy Minister of Labour press conference on Tuesday, a special deadline at the Ministry corrective Posts district in Riyadh. The ministry called on journalists and the media to attend the conference. Link : http://sabq.org/wD7fde
From Sahada Salem
Sna tuloy tuloy n ang regki n natatanggap ntin inshaallah….
From Aileen P. Castro
Salamat sa walang sawang pagtugon npakalaking bgay po kau masagot mga tanong nmin..tanging salamat ang mssabi ko at God bless po sa lhat….
Mayka Mipanga
nkakaiyak 2ng msg. ng patnubay napaihak tlg aqu d2 2ng dlwng bwan nandon un hirap pagod gutom init ng araw ….at insha Allab anja. kau palagi at nasubaybay sa amin maraming salamat ALLAH bless u all
From Patnubay Online
mas nakakaiyak ang magandang balita.. Mayka Mipanga
From Jana Aydee Kho
Sna extension na yang pag usapan nila,
From Buddy Bartolini
Maraming salamat sa mga tao na gumawa ng patnubay subrang dami ninyong natulongan
From Jespie Sanchez Cernal
maraming salamat po,,nawa bumuhos pa ang pagpapala ng panginoong may kapal sa lahat ng tumulong para maisaayos ang ducment ng mga runaway,,,,at salamat din sa hari ng saudi at nagbgay sya ng pagkakataon na maisaaus ang tnt,,,at sana po tuloy tuloy pa para sa ibang hindi pa nakakapag-aus,,godbless po at mabuhay tayong lahat!!!!!!
From Bhen Jie bakit,,
nakauwe naba lahat,, wla pa nga sa 1fort..marami pang kawawa…. napalaki ng kasalanan ng mga saudi kung manghuhuli ng buwan ng ramadan
From Maricel Evaristo
_amen…..god bless you all patnubay online
From Marryann Sultan
ameen
From Agripino Jabbar Collado
more power at sana nadyan po kayo lagi na gagabay sa aming mga OFW GOD BLESS US……….thank you patnubay online…and all ÑGOs at sa mga taga embassy po ntin at polo na hindi rin po nila tayo pinapabayaan thank you po….
From June Gordo Amen.
Salamat po kay God. Salamat sa Hari sa amnesty. Salamat sa mga saudis na naging pasyente ko na mababait. salamat sa gobyernong saudi na tumugon sa utos ng hari (kahit mabagal sila masyado). salamat sA Patnubay. Salamat sa consulate. sa consulate ay naging love hate relationship ako sa kanila. halos maubusan ako ng pasensya sa attitude nila pero ngayon nasa almost finish line na ako, lahat ng iyon ay natabunan ng pasasalamat at alam ko without their assistance di ako maka avail sa amnesty. sana sa flight ko sa July 3 ay tuloy tuloy na, indi na sana maharang pa sa airport. sa mga indi pa tapos wag kayo mawalan ng pag asa at pasensya…
From Analiza Jaramillo
Halimbawa po km mga dh na my day off huhulihin dn ba?may iqama km hawak wala ba km kabang lumabas para makita ang sinasabi batha pamilihan ng mga kabayan.my xerox copy km ng employer na pinapayagan kming mg day off.pero mykaba prin kming lumabas.patnubay online maraming salamat po sa pagtanong ko.
From Jamila Serrano
Amen..maraming salamat po patnubay online god bless po…
From Sophacles Enoch
salamat sa online patnubay at nandyan kau para sa min.at ibalik natin ang papuri sa dios.TO GOD BE THE GLORY
From Bai Noraisa Adas Menang
Salamat din po s lht ng mga empleyado ng Embahada s Jeddah,naway pagpalain kU ng puong maykapal s maganda at maayos na pagtrato nU s amin,maraming-maraming salamat po.
From Nora Singkit
Hwag din nting kalimutang pasalamatan ang saudi government dahil binigyan tau ng pagkakataon pra maiayos ang ating status at pra mkauwi ang kabayan nting gustong umuwi w/o penalty…MABUHAY TAYONG LAHAT…
From Patnubay Online Good news to all undocumented OFWs in Saudi Arabia!
From King Abdullah Approves Extension of the Correction Period Until End of Hejira Year or First of Muharram 1435H (tentatively 3 November 2013). The Philippine Government, people and community thank the King for his magnanimity. – Ambassador Ezzedin Tago (Link: http://www.spa.gov.sa/details.php?id=1125658)
From Jess Regencia
Purihin ang Paginoon sa buhay ng bawat isa maging sa kawani ng pamahalaan maging sa nangungunang patnubay online isa kayo sa naging manibela ng sambayanang OFW dahil sa patnubay nyo napaayos ang takbo ng bawat pilipino umaasa sa bawat impormasyon sa pagsasaayos ng ligalidad ng lahat. Mabuhay po kayo. Mabuhay ang sabayanang pilipino….