Mga politiko, mag-share naman kayo ng inyong PDAF at DAP para sa mga kaso ng OFWs na may private rights

Share this:

Mga politiko, mag-share naman kayo ng inyong PDAF at DAP para sa mga kaso ng OFWs na may private rights or bloodmoney na kailangang bayaran. Yan na lang ang kulang at makakalaya na sila.

Ang problema sa inyo wala kayong pakialam sa aming mga OFWs. Kung meron man, hanggang magpamedia interview lang.. pang-FAMAS pa ang dating ng pagsolicit ng awa pero hanggang doon lang.

Ngayon na wala na kayong lusot sa inyong pagkakawatan. Sa halip na magpakapalan na lamang kayo ng mukha. Sagipin nyo itong lahat ng mga OFWs na nangangailangan ng tulong for bloodmoney at private rights. Bayaran nyo na, total di nyo naman pera yan.

Sa dami nyong kawatan dyan, kung magpatak-patak lang kayo, lahat ng OFWs na nakulong na private rights or bloodmoney na lang ang kulang; ay matatapos na, makakalaya at makakasama ang kanilang pamilya.

Kahit ngayon lang gumawa naman kayo ng tama at mabuti. Hindi puro nakaw at pagbalat-kayo pa rin ang inyong alam. Sa ganun din na paraan mabawasan ng kunti ang inyong mga kasalanan.

Kung makapagsalita kayo tungkol sa OFWs, papuri-puri pa kayo kunwari sa aming mga OFWs pero ang totoo nyan minaliit nyo lang kami. Dahil ang tingin nyo sa sarili ay kagalang-galang kayo, dahil marami kayong pera.

Hindi nyo naman pera yan. Pera yan ng taong-bayan, ninakaw nyo, nilustay nyo, pinakain nyo sa inyong pamilya at sa mga luho nyo. Mahiya naman kayo.

Kaming mga OFWs salat man sa kayamanan pero hindi naman kami magnanakaw. Kayo na rin ang palaging nagsabi na kaming mga OFWs ang taga-salba ng ekonomiya ng bansa. Ekonomiya na hindi uunlad dahil sa pagkagahaman nyong mga kawatan kayo.

Kahit ngayon lang, magshare naman kayo ng inyong mga nanakaw para mabayaran itong mga private rights ng maraming OFWs na tapos na ang sentensya at yan na lang ang kulang at makakalaya na sila.

Share this: