You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

HAGIT: Ang “Bayani” at “Lingkod-Kapwa” ay mga Banal na Salita

HAGIT: Ang “Bayani” at “Lingkod-Kapwa” ay mga Banal na Salita

Maimulat natin ang ating mga kababayan na ang salitang bayani at lingkod-kapwa ay sagrado.. hindi ito nakukuha sa paligsahan, nomination, internet voting or text voting. Ang pagiging bayani ay hindi nakakamit sa paramihan, sa kasikatan.

Magtulongan tayo na maparangalan ang mga tunay na bayani at lingkod-kapwa.. Pero paano?

Sa pamamagitan ng pagbabago ng mga bulok na kaisipan ng lipunan na ang mga katangiang ito ay natatangi sa iilan lamang. Ipapamulat natin sa lipunan na ang ikakisiya ng tunay na bayani at lingkod-bayan ay kung may gagaya at susunod sa kanilang mga ginagawa. Tutularan kung papano sila naglilingkod sa kapuwa at gawing panuntunan kung papano sila nakipaglaban para sa prinsipyo para sa katarungan, karapatan at kagalingan.

Marami tayong mga tunay bayani sa kasaysayan at karamihan ay hindi kilala at wala sa mga aklat ng mga paralan. Pero hindi importante kung sino sila kundi ang mahalaga ay malalaman natin ang kanilang pinaglalaban para sa kapwa at para sa bayan.

Tila nalalapastangan na ang salitang bayani at lingkod-kapwa. Naiba na ang tingin sa kabayanihan at pagtulong sa kapuwa dahil may kaakibat ng premyo at pera.

Ang mas masakit ay napaparangalan ang mga hindi karapat-dapat. May iba pa nga na sadyang gumawa ng mga proyekto para maisali sa mga patimpalak ng kabayanihan at kawanggawa.

Ang paggawa ng kabutihan at kabayanihan ay nagmumula sa busilak na puso, malinis na hangarin at may katwirang tapang. Hindi ito ‘scripted’ tulad ng mga tao na gustong ibida sa mga balita ang ginawa nilang ‘pagtulong. May mga nagmalaki din na bayaning tumutulong pero nangungutong naman..

May mga ordinaryong mamamayan na mga criminal at mga tulisan na ginagawang mga bayani sa mga palabas at pelikula. May mga nasa deathrow tulad ng mga nakapatay ng tao at nagtulak ng droga, at pera pa ng bayan ang ginastos para sila ay mailigtas at makalaya. Sila rin ay nagsabing bayani sila.

‘Feeling-bayani’ na rin ang mga gumawa lang ng Facebook account, nagsi-share at nagko-comment sa dalamhati ng iba.. Nag-aagawan sila kung sino ang unang nilapitan, sino ang maraming shares at nagwawala kung hindi mapapangalanan sa balita.

Malinaw na sa ating panahon ngayon, unti-unti nang naglalaho ang tunay na kahalagahan ng mga salitang bayani at lingkod-kapwa.

Mga tunay na bayani at lingkod-kapwa na handang mamatay para sa inang bayan at walang hininging kahit anumang kapalit.

Hindi mahalaga sa mga tunay na bayani at lingkod-kapwa ang kayamanan, karangalan at kapangyarihan o maging anumang tropeo, sertipiko, plake, premyo at lahat ng bagay na walang halaga. Ang mahalaga sa kanila ay ang nakaukit sa mga puso ng mga taong natulungan at naturuan kung ano ang tunay na kabayanihan at lingkod-kapwa.

Ipaglalaban natin ang mga banal na salitang ito; ang “bayani” at ang “lingkod-kapwa”. Wag nating hayaan na tuloyan itong masisira ng maraming mapagKUNWARI sa mundo na puno ng mga mapagka-AKO.

Hangarin natin sa patnubay na mabigyang buhay ang lahat ng mga totoong bayani at lingkod kapwa, patay man o buhay.

Atin silang papangaralan sa pamagitan ng HAGIT Heroes at Anginyonglingkod pages natin.  Wala man tayong maibigay na anumang bagay o pisikal na gantimpala, ang ating kredibilidad at tiyaga sa pagsaliksik para sa mga tunay bayani at lingkod-kapwa ay hindi kayang pantayan ng kahit anumang award-giving body.

Drafted by Tasio Espiritu (2 years ago)
For Patnubay Online
On April 9, 2012 at 7:27pm

Related Link:  Awards Nomination Rejected