Ang Huling Tagubilin ni Joselito Abdulatif Zapanta

Share this:

Ang Huling Tagubilin ni Joselito Abdulatif Zapanta
Also posted in facebook.com/PatnubayOnline

Kapayapaan! Noong February 19 2016, nakuha ko sa police station ang Iqama, passport, death certificate at last will ni brother Joselito Abdulatif Zapanta. Napaluha ako nang malaman ko na ito ang kanyang mga huling kahlingan.

Sumainyo nawa ang kapayapaan

Ako si Joselito Lidasan Zapanta, Pilipino, pinapaubaya ko sa aking kaibigan na si Joseph Abu Bakr na ipagsagawa nya ako ng Hajj. Ipinapaubaya ko din sa aking kaibigan na si Nurmina Mindo na pangalagaan niya ang aking mga anak.

Reaction:

Napakalinaw, dalawa ang pinakamahalaga para kay Bro Abdulatif noong nabuhay pa sya. Una ang kanyang paniniwala at pangalawa ang kanyang mga anak.

Maramng pagkakataon na pwedeng mailigtas ng ating pamahalaan si Brother Abdulatif sa kamatayan. Kaya tayo, hanngang sa pinakahuling sandali, hindi nawalan ng pag-asa, ganun din si Bro Abulatif. Subalit, natuloy ang hatol noong December 27, 2015. Masakit na nawalan tayo ng kaibigan o kaanak lalo na ang katulad ni Bro Abdulatif na alam ko ang kung papano sya nagbagong buhay sa loob ng kulongan.

Alhamdulillah, bilang isang Muslim natanggap ko ang kanyang pagkawala, dahil sa paniniwala na bago pa tayo isinilang ay nakalaan na ang oras kung kailan at papano tayo mamamatay.

Ako po ay saksi sa pagbagong buhay ni Bro Abdulatif at sa kanyang mataimtim na paniniwala kay Allah. Kaya, hiling ko sana sa aming mga kapatid na Muslim na isama natin sa ating mga dasal na mapatawad ni Allah si Bro Abdulatif sa kanyang mga kasalanan at tanggapin sya sa Paraiso. Maraming Salamat. Jazak Allahu Khairan Katheeran.

Maraming salamat din sa lahat ng tumulong kay Bro Abdulatif at sa kanyang pamilya. sa lahat ng kasamahan at mga kaibigan ng Patnubay, kay ate Susan Toots Ople at sa Blas Ople Foundation, kay ate Ellene Sana at sa Center for Migrant Advocacy, kay ka Lito Soriano at sa LBS Recruitment at sa mga kasamahan natin sa ACTS OFW; sa inyong pagtulong at pagsumikap noon na mailigtas si Bro Abdulatif sa hatol na kamatayan; at sa ngayon ay ang pagkumbinse sa ating pamahalaan na mabahagian ng unused bloodmoney ang naulilang pamilya ni Bro Abdulatif.

Sa ating pamahalaan, aming hiling na gamitin nyo rin ang parte ng nalikom na bloodmoney para sa ibang kaso ng murder na bloodmoney na lang din ang kailangan. Ang Oblea vs Enriquez at Tolen vs Nuguid; dalawang magkahiwalay na kaso na Filipino ang nakapatay at Filipino din ang napatay.

Matagal na pong nabuo ni Oblea at ni Tolen ang kanilang mga sentensya.Bloodmoney na lang ang kailangan na kung mabayaran ay.. apat na pamilya ng OFW ang maging masaya; Ang pamilya Oblea, Enriquez, Tolen at Nuguid.

Sobrang-sobra ang nalikom na bloodmoney para kay abdulatif kumpara sa kailanganin na bloodmoney para mapalaya sina Oblea at Tolen, ‘wag nyo na pong hintayin pa na may mapugotan na naman dahil hindi nabayaran ang bloodmoney. Katulad sa nangyari kay brother Abdulatif, aka Joselito Zapanta.

Maraming Salamat.

Abu Bakr Espiritu
Patnubay – Riyadh

Share this: