HSW smuggled via Kalibo to Singapore to Abu Dhabi – Case Closed (2015)

Share this:
from benny.jpg
FB Post of Ka Benny Queman

HSW smuggled via Kalibo to Singapore to Abu Dhabi – Case Closed

Backgrounder: Isang HSW na nasa Abu dhabi ngayon, dala ay working visa for housemaid pero di sya dumaan sa legit na agency,

walang contract, walang training, walang PDOS, walang OEC at walang OWWA. pero ang visa na sa Abu Dhabi ay working visa as housemaid.

Umalis sila ng pinas via Kalibo to Singapore, then Singapore to Abu Dhabi.

Pagdating ng Abu Dhabi ay overworked at isang beses lang kakain. Nagreklamo ang pamilya sa Pilipinas sa POEA at doon nila naintindihan na illegal ang pagkahire sa kanya.

Nasa baba ang buong kwento. Medyo naiiba ito sa kadalasan ng human trafficking victims sa UAE na visit visa ang gamit. Ito ay working visa pero walang contract, oec at owwa at pdos. At nakalabas ng smooth sa Pilipinas dahil na via Kalibo to Singapore muna bago nag-UAE.

From: Joseph Henry Espiritu 
Date: 2015-08-16 14:54 GMT+03:00
Subject: Re: SOS from Abu Dhabi: Human Trafficking Victim HSW S. B. (+97150861xxx) – smuggled thru kalibo – singapore – abu dhabi route
To: Congen Cortes 

Dear Congen paul,

sir, di na makontact yong number dahil ..nasa custody na po ng embahaha si hsw B. S since may pa.. 

yong email naiforward ko lately ay yong pinakaunang email (with attachments) dahil nagtanong ka po ng backgrounder.   

Pero yong latest updates po about this case ay yong naiforward ni amba grace sa yo. 

Thank you so much po and God bless

Joseph

2015-08-16 14:42 GMT+03:00 Congen Cortes :

Hi Mr. Espiritu 

I tried calling the number but it would not connect. Is there any other number I could call? 

PRC
PAUL RAYMUND P. CORTES
​Consul General, Philippine Consulate General Dubai
No. 234-851 Villa At Al Qusais Area 3, P.O. Box 94778
Dubai, United Arab Emirates

2015-08-16 15:38 GMT+04:00 Joseph Henry Espiritu :

Dear Congen Cortes

Salam po. ito po yong pinakaunang email (with attachments) para sa case na ito. bale before nasa custody ng embahada si ofw B.S.

From: Grace Princesa 
Date: 2015-06-01 1:14 GMT+03:00
Subject: Re: SOS from Abu Dhabi: Human Trafficking Victim HSW S. B. (+97150861xxx) – smuggled thru kalibo – singapore – abu dhabi route
To: Joseph Henry Espiritu , ATN Phone,  Patnubay Team

Dear ATN Team, Updates please as requested .

Thanks. 
Amba. 

Amb. Grace Relucio Princesa
Abu Dhabi, U.A.E.

On May 31, 2015, at 12:30, Joseph Henry Espiritu  wrote:

Dear Amba Grace

Greetings from the land of promise.. my mindanao.

we would like to ask for updates about B.S Case

Thank you so much and God bless you always

joseph

2015-05-14 3:02 GMT-07:00 Benny Queman :

Yan na mga tao ang lumabas sa interview sa mga kapitid nya dito tol Joseph. Ang mga nabanggit nya sa conversation ninyo po.

2015-05-13 14:16 GMT-07:00 Joseph Henry Espiritu :

Dear Bro Benny,

Pakitanong nga kay S. bro if ito rin ba nag nanloko sa kanya?

<already deleted by poster>

Thanks brother,
joseph

2015-05-04 10:04 GMT+03:00 Joseph Henry Espiritu :

Dear amba Grace;

Salam po maam. Nagmessage po sa akin si B.S na nasa embassy na cya.

Maraming salalamat po amba at sa lahat ng staff ng post sa abu dhabi sa palaging agarang pagtugon at pagsagip sa bawat kababayan na nangangailangan ng tulong.

Ang personal ko pong dua sa Allah Subhannahu wa Ta ala na kayo po at ang lahat ng inyong pamilya ay puno ng kapayapaan, awa at kapayapaan mula sa ating Tagapaglikha.

Mabuhay po kayo at sana lahat ng philippine embassies at cinsulatez ay katulad ng nasa inyo.

Joseph
Patnubay Riyadh

On 4 May 2015 02:30, “Grace Princesa” wrote:

Dear Joseph,

May mga Paraan na kami para makatulong na di against sa process ng UAE.

The labor trafficking is happening due to UAE rules.

We are aware of it and has reported to Manila.

Thanks .
Amba. Grace 

On May 4, 2015, at 2:54, Joseph Henry Espiritu wrote:

Dear amba Grace,

Salam po maam, tumawag na po ang post kay B.S and she was advised na pumunta ng embassy natin sa abu dhabi.  Bale ang concern po nya ngayon ay di nya alam kung papano sya makapunta sa embassy natin sa abu dhabi at natatakot syang sumakay ng taxi na di nya kakilala. 

We would like to request our post na ma-guide na lang sya or makapagprovide ng trusted taxi driver na masakyan nya papunta ng embassy. 

Also, po Amba Grace may mga bagong recruits daw from Philippines ulit sa parehong process na pinagdaanan ni B.S.

1. walang contract, oec, owwa, pdos kundi working visa sa uae lamang
2. umalis mula kalibo airport papuntang singapore as tourist.
3. from singapore umalis papuntang abu dhabi gamit working visa for uae. 

Sana maparusahan itong pilipino na recruiterat kung nasa abu dhabi sya ngayon ay dapat mapablacklist na sya sa dfa. 

Ito lang po muna Amba Grace and May Allah bless you and your family always

joseph

2015-05-03 13:02 GMT+03:00 Joseph Henry Espiritu :

Dear Amba Grace,  Thank you so much po for the usual prompt response

God bless and more power

joseph

2015-05-03 11:05 GMT+03:00 Grace Princesa :

Dear Joseph,

We will try to contact her .

ATN Abu Dhabi Team,

Please try to text her and see how she can be assisted

By our POLO Team.

Thanks .

Amba. Grace 

Amb. Grace Relucio Princesa
Abu Dhabi, U.A.E.
Sent via iPhone

From: Joseph Henry Espiritu 
Date: 2015-05-02 13:33 GMT+03:00
Subject: Re: SOS from Abu Dhabi: Human Trafficking Victim HSW S. B. (+97150861xxx) – smuggled thru kalibo – singapore – abu dhabi route

Dear Amba Grace and Admin Hans,

May isa pong HSW na nasa Abu dhabi ngayon, dala ay working visa for housemaid pero di sya dumaan sa legit na agency,  walang contract, walang training, walang pdos, walang oec at walang owwa. pero ang visa na sa Abu Dhabi ay working visa as housemaid.

Umalis sila ng pinas via kalibo to singapore, then Singapore to Abu Dhabi. 

Pagdating ng Abu Dhabi ay overworked at isang beses lang kakain. Nagreklamo ang pamilya sa Pilipinas sa POEA at doon nila nalaman na illegal ang pagkahire sa kanya.

Nasa baba ang pananawagan ng worker, at nakaattached dito ang kopya ng visa, tickets, passports at resibo sa hotel sa singapore po.

Medyo naiiba ito sa kadalasan ng human trafficking victim na visit visa ang gamit. Ito ay working visa pero walang contract, oec at owwa at pdos. At nakalabas ng smooth sa Pilipinas dahil na via Kalibo to Singapore muna bago nagUAE.

Ang name ng worker ay S. B. ang kanyang contact number ay +9715086xxxx.

Ngayon gusto nya nang umuwi nang malaman nya na hindi tama yong pagkahire sa kanya. sinisingil naman sya ngayon ng pilipinang nagdala sa kanya sa abu dhabi ng 14thousand dirhams

Ngayon ay takot na takot po sya at need nya ng agarang tulong

God bless and more power, 
joseph

Lala Rodriguez Baylosis

B. S.

May 1st, 9:23am

Hello po….magandang araw..pwede po ba magpatulong.

Patnubay Online

isulAt nyo na ang problema nyo kaagad

Lala Rodriguez Baylosis

B. S.

Ako po ung nilapit ng mga kapatid ko sa midsayap north cot…di2 ako ngaun al shamkha abu dhabi…nalaman ko po sa tulong ng mga kapatid ko na Peke pala pagpunta ko d2…kaya gusto ko nlng po umuwi sa bansa natin…kaysa nanginginig ako sa gutom d2 sa amo ko..actually nakapag paalam na ako sa amo ko na aalis ako,kaya hinintay ko lang po kapalit ko..hindi ko na po kaya d2,one day one eat lang ako..

Patnubay Online

sinong kapatid. pakicomplete na lamang ng details iha. name mo. contact number. kailan dumating sa ksa. name ng amo contact numer name ng agency

Lala Rodriguez Baylosis

B. S.

Pina check ng kapatid ko pangalan sa owwa wala daw po..kaya ang mama ko ng malaman na undocumented pag punta ko d2..di na mapakali..wala po ata ako agency, agent lang po,at ayaw naman po nila sabihin sa akin agency nila,, VIVIAN B. ORENDAIN, AT GINA B. SALES, dun po yan sila sa midsayap north cotabato.  S. RODRIGUEZ B. 050861xxx

Patnubay Online

kailan ka dumating dito S. sa abu dhabi?

Lala Rodriguez Baylosis

B. S.

Feb 6 po.. 2015 po

Patnubay Online

may kopya ka ng visa mo, passport mo . or oec mo?

Lala Rodriguez Baylosis

B.S.

Wala po ako OEC..

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Yan lang po lhat ang may hawak ako  (visa and tickets)

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Di ko pa alam.kung anoh gagawin ko pag dating kapalit ko..kasi tinawagan ko po tiyahin ko na kumuha sa akin pero ayaw po sumagot naman..

kaya po ako lumapit sa inyo,at inform ko din mga kapatid ko..

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Kaya ko po binigay lahat ng yan dahil po un ang may hawak ako…..

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

At hindi ko po alam..

Patnubay Online

papano ka ba nakarating dyan ?

passport mo nasaan?

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Yan pa po passport ko.. (please see attached )

Patnubay Online

nasaaan ang visa mo.  oec .. pdos.. contract mo?

Lala Rodriguez Baylosis

B. S.

May 1st, 11:12am

Wala po ako oec or pdos…dipo ako dumaan sa ganon…

Ito ang visa ko 

Lala Rodriguez Baylosis

B. S.

Basta po yan lng lahat hawak ko..

Lala Rodriguez Baylosis

B. S.

Direct hire daw po ako.. Ito po yong ticket ko from kalibo to singapore. Then singapore to uae.

sally ticket visa kalibo to singapore.jpg

Patnubay Online

sino ang naghire sa yo? anong mga pangalan anong contact number

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Baka po magalit???

Patnubay Online

hindi mo alam na illegal recruitment victim ka? maituturing ka pa rin na human trafficking victim.

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Un na nga po..nalaman ko po huli na po ni2 ng pinacheck ko sa kapatid ko.. kung anong gamit kung visa…

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Bigay ko po no.nya at name nya pero po wag nio sabihin na ako po ung nagpapatulong sa inyo..

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Natatakot po kasi ako…

Patnubay Online

ipaliwanag mo nga sa amin mula umpisa papano mo nakilala ang nagrecruit sayo, papano ka napasok sa airport, papano ka nakarating dyan at ano ang mga sumusunod na nagnyari.

Patnubay Online

wag kang matatakot . sya pang ipapakulong namin

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Ganito po.bali po kakilala at kaibigan sya ng tiyahin ko d2 sa abu dhabi,,s manila to aklan(kalibo) po kami..bali sa aklan  po kami nanggagaling going to singapore,bali po tourist visa gamit namin papunta singapore..dala po ung doc.na pinasa ko sau n singapore to new delhi,delhi to bharain,abudhabi..

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Flora Flores Eborde po name nia..

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Gusto ko nlng po makauwi…sinabi ko kanila un,pero ang sagot sa akin may 14kdirham daw ba ako at pambili ng tiket pauwi ng pinas…nanginginig na po ako sa takot ng nalaman  ko na undocumented pala ako sabi ng kapatid ko..pina check po nila ako sa owwa wala daw po name ko..

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Sana po matulungan nio po ako…

sana po saka na po nin u sila tawagan kung nasa kamay na po nin u ako…natatakot po talaga ako…

sobra na po panginginig ng katawan ko..takot at gutom po nararamdaman ko..

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Ang hininge ko nlng po sa kanila euwi ako sa pinas nung nalaman ko na undoc.ako pero hinanapan naman ako ng 14kdirham para daw bayad ko sa employer ko at pambili tiket..

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

E2 po no.ko 05086xxxxx

Sir/madam wag nio po muna tawagan si  flordeliza baka po kasi tawagan nia amo ko tanggalan ako ng kontak mas lalo po ako maiipit…di na po nin u ako malocate kung saka sakali …

Saka napo nin u sila tawagan.pagka po nakuha  at nasa kamay na po nin u ako….saka po pinatawagan ko na din po sa kapatid ko ung tiyahin ko d2 na sila nlng makiusap na pauwiin nila ako..kaysa pati sila madamay..un lang po talaga hiling ko ang makauwi sa bansa natin…

Patnubay Online

pero alam mo ang pinasok mo B.S… na hindi talaga legal ang process na tinahak mo. imposible naman na di mo alam ang mga illegal recruitment

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Un na nga po nGtaka ako bakit ganon kadali,at umaasa din nmn ako na mGnDa ung mpupuntHAn ko,magaling po sila mag paasa..

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Tiwala po pinanghahawakan ko di2 sir/ madam kasi po  kamag anak ng asawa ng tiyuhin ko ung kumuha saka po first timer ko po..kaya diko alam na ellegal ung transaction nila saka po first timer po ako…

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Sa kagustuhan na matulungan ko sana pamilya ko pero po problema ang naibigay ko sa kanila lalo na sa nanay ko…

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Naawa na ako…at dina makatulog sa kakaisip sa akin lalo na nalaman nya na peke ako..

May pag asa po ba pauuwiin ako madam / sir??

Yan  po no.ko madam / sir

Salamat po…

Kaya po wag nio po muna tawagan agent ko si flordeliza .baka po tanggalan nila ako kontak…at diko alam gawin nila sa akin..

Patnubay Online

sa sunday iremind mo kami

Lala Rodriguez Baylosis

Ok po..maraming salamat po..

Makakauwi nlng po ako sa bansa natin…huli na po talaga para magCC ako…d2 na po eh?? Kaya ang tanging dasal at gusto ko po ngaun na mangyari ay makauwi ako sa nanay ko…maraming salamat po…

Patnubay Online

sunday iha. ha… kasi sunday pa magbukas ang embassy

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

O po sir/ madam..maraming salamat po…

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

May 2nd, 12:06pm

Sir kunin ko po san no.nio..baka sakali lang po baka d po ako makakonek na sa net nila..

Atleast po my no.po ako sa inyo..panakaw lang 2ng chat ko..

Patnubay Online

+971500xxxxx – ayaw ipanghatag maski kinsa

Lala Rodriguez Baylosis

B.S
Salamat kaau sir..

Daghan kaau slamat…

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Akoa 2ng no.ngmiskol sir..

Nagurog na jud ko sa kahadlok sir oi..

Patnubay Online

ayaw kahadlok day ,,, walay problema nga dili masulbad

Patnubay Online

May 2nd, 1:11pm

mao ni imong number ha.. +97150861xxx

Patnubay Online

May 2nd, 1:13pm

pero yong visa mo ay talagang housemaid

Lala Rodriguez Baylosis

B.S

Uu sir..

Housemaid na yaya pa…

Wa man nila giingin nga naay bata..

Share this: