Ang Response ng Embassy sa ating Puna sa Email ay isang Press Release

Share this:

From: Joseph Henry Espiritu 
Sent: Friday, August 3, 2018 3:54 AM
Subject: Taga-embahada ng Riyadh nagbigay ng maling impormasyon sa isang interview

Dear Ambassador Alonto, 

Salam, punain mo nga ang iyong dalawang tauhan na nagbigay ng maling impormasyon sa kanilang interview sa video na ito.

https://www.facebook.com/iradioksa/videos/2614497155441271/

1. Unang mali na sinabi ng tauhan mo ay “WALANG END OF SERVICE BENEFITS para sa DOMESTIC WORKERS.” (at +45:55 (-13:20) of the video)

– Di nyo siguro alam ang Ministerial Decision 310 of 1434 for Domestic Workers – ito ay batas para sa kasambahay na nilunsad noong 2013. Nakasaad dito ang mga sumusunod

– End of Service Benefits  – 1 month salary for every four years sa parehong employer.

– One month paid vacation every two year contract

–  Paid sick leave for 30 days maximum

– and more.

Ministerial Decision ito at ipinatupad na . Sa katunayan marami ng HSW ang natulongan ng patnubay at nakakuha this year dahil nakaapat na taon na sa kanilang employer. 

ito yong link ng batas in arabic 

https://drive.google.com/file/d/1qEwiatWZICskIJxxyxJbGD4VfI7meJlE/view?usp=sharing

ito ay isa sa mga news noon 5 years ago tungkol sa batas na ito.

http://www.arabnews.com/news/458281

May brochures (in arabic, english, tagalog and other languages) sa Musaned website na pwedeng madownload at sa katunayan nakapost ang English at Tagalog brochures na main page ng website ng Philippine Embassy ng Riyadh

If di nyo alam, nakapost yan sa front page ng embahada nasa left side column sa baba. Sinadya yan na pinalagay noon ni Ambassador Tago para malaman ng mga kasambahay kung ano  karapatan at tungkulin nila at ng kanilang employer. 

Di ba nakakahiya na sabihin ng mga tauhan ninyo walang ESB para sa domestic workers, eh nasa website ng embahada mismo nakapost ang batas dyan?

2. Pangalawang mali, at 53:54 (-5:26) ng video, ang tanong ng interviewer ay kung naka-10 years na ang worker sa company maresign full award na ba ang matanggap.. Ang sagot ng vice consul ay DEPENDE po kung resign or hindi.. 

– may binasa ka na nga na batas, namention mo ang article 84 at 88.. di mo binasa ang article 85?  Heto o

Article (85):

If the work relation ends due to the worker’s resignation, he shall, in this case, be entitled to one third of the award after a service of not less than two consecutive years and not more than five years, to two thirds if his service is in excess of five successive years but less than ten years and to the full award if his service amounts to ten or more years.

Opinion: Anong maaasahan ng mga OFW sa inyo na wala kayong alam sa batas. Nakakahiya dahil karamihan sa mga OFWs ay alam ang batas tungkol sa ESB sa Saudi labor law man or sa domestic labor man. Nakakahiya dahil nasa front page ng sariling website nyo nakapost ..

Ano ba yan, walang kaibahan yan kay consul aro noon, na nagpayo sa pamilya ng isang nurse na mag-apela lang daw pagkatapos ng 30 days samantalang common naman sa mga court decision at nakasulat sa Law of Criminal Procedure na WITHIN 30 days ay dapat makapag-apela ang hindi sang-ayon sa desisyon.. 

Nasa website din mismo ng embassy ang Law of Criminal Procedure ng KSA. 🙂

Kaya kami na sa patnubay ang nagdraft ng apela ng nurse, at naipanalo ito at nakauwi na. 

heto ang kwento ng kaso na yon 

Successful Case Closure: The Empowered Nurse AISHA-RN of Hail

ito po ay factual constructive criticism at malaking tulong sa mga hindi delicate ang ego. 🙂

I suggest na buksan ang link na ito sa baba at pag-aralan ang mga pagpaliwanag namin sa tungkol sa mga batas ng saudi arabia. Sinulat ko ang mga 50 articles na ito para matuto ang mga OFW at kayong mga nasa embahada or polo na rin. 

Mga mahahalagang impormasyon na dapat matutunan ng mga OFWs sa Saudi Arabia

Maraming salamat
joseph

Share this: