Mashael Al Shehhi, kilalang TV presenter at actress sa UAE, half Pinay

Share this:

Si Mashael Hassan Al Shehhi ay isang kilalang TV presenter at actress sa United Arab Emirates. Siya ay ay ipinanganak sa Fujairah, UAE noong Pebrero 18, 1997.

Sa edad na sampung (10) taon, siya ay nakilala bilang isang jewelry designer at sumasali sa mga kompetisyon sa larangan ng pagdedisentyo ng alahas.

Sa edad na sampung (10) taon din, nagsimulang sumali si Mashael sa mga school plays hanggang sa nakilala niya ang sikat na Bahraini actress na si Haifa Hussein.

Nag-sumite si Mashael ng kanyang test performance videos at hindi niya inasahan na siya ang napili na maging kapartner sa TV series na pagbidahan nila ni Haifa, ang “Law ‘Aniy ‘Aerif Khatimati” (If I know my destiny) noong 2015 sa Abu Dhabi TV.

Ang kasunod nya na pinagbidahan ay ang teleserye na “Aya wa Abra” (Aya and Abra) noong 2015 at “Sawf Taht Harir” (Wool Under Silk) noong 2017 at nakagawa ng children tv show na “Ana Zarah Junior” (I am Zarah Junior) sa Majid Kids TV.

Noong July 2018, sa kasagsagan ng dipolomatic crisis ng bansang Kuwait at Pilipinas, may mga Kuwaiti celebrities na nangungutya sa Pilipinas at sa ating lahi; si Mashael ay hindi nagdalawang-isip at buong tapang na ibinunyag na ang kanyang ina ay isang Pilipina at siya ay proud na may dugong Pilipino.

Nakilala ni Mashael ang kanyang asawa na si Ahmed Khamis noong nag-aaral pa lang siya sa Higher Colleges of Technology ng “film directing”. Naging sensational sa media at nagviral sa social media ang marriage proposal ni Ahmed sa stage na kinagulat ni Mashael. Si Ahmed ay kilala din na aktor at journalist sa UAE.

Sa kasalukuyan ang mag-asawang Mashael at Ahmed ay nagbakasyon ngayon sa Pilipinas. Habang nasa Pilipinas, kontrobersyal at puna ang laman ng iilang balitang Arabic tungkol sa mag-asawa, dahil umano sa pananamit na labag sa tradisyon at kulturang Emirati. Pero katulad ng mga naunang isyu na ibinato sa kanila, makakayanan ito ng mag-asawa.

Hindi na bago sa kanila ang mga puna at masasakit na salita mula nang pagkabata. Si Mashael na half Filipina at si Ahmed na lumaki sa orphanage. Gayunpaman, walang naging hadlang sa kanila na makamit ang tugatog ng tagumpay at kabantugan habang nanatiling mapagkumbaba.

مشاعل الشحي وزوجها في الفليبين
image source: layalina.com
Share this: