Pinay HSW para sana sa Jordan pero dinala sa Palestine, narescue at nakauwi na

Share this:
Pinay HSW para sana sa Jordan pero dinala sa Palestine, narescue at nakauwi na!

Nakauwi na sa Pilipinas noong Oktobre 8, si OFW Rhona, ang kasambahay sa Jordan na dinala ng kanyang employer sa bansang Palistine.

Sa Palestine dumanas ng sobrang hirap si OFW Rhona. Sa loob ng limang (5) buwan, hindi siya sinahoran at hindi pinapakain nang maayos. Kaya, lumapit siya sa Patnubay upang maiparating sa kaalaman ng POLO OWWA Jordan ang kanyang sinapit.

Inaksyonan kaagad ng POLO OWWA Jordan at inatasan ni Labor Attaché Jun Rasul sina Welfare Officer Harry Borres at Atty Bilal sa pagrescue kay kabayan.

Noong Oktobre 4 sa border ng Palistine, inihatid ng employer si OFW Rhona sa border at itinurn-over kay Atty Bilal.. Nakuha din ang lahat ng kanyang sahod na inabot ng employer doon din sa border.

Lubos ang pasasalamat ni OFW Rhona sa ating Tagapaglikha, sa kanyang kaibigan at sa POLO OWWA Jordan.

Share this: