Kuwaiti Deputy Minister of Foreign Affairs nakipagpulong kay Presidential Adviser Secretary Abdullah “Dabs” Mamao

Share this:
Deputy Foreign Minister Khaled Suleiman Al-Jarallah kasama si Secretary Dabs Mamao at kanyang delegasyon
Image Source: https://www.kuna.net.kw

Kuwaiti Deputy Minister of Foreign Affairs nakipagpulong kay Presidential Adviser Secretary Abdullah “Dabs” Mamao

KUWAIT, Enero 19, 2020) – Nagkaroon ng pulong kay Kuwaiti Deputy Foreign Minister Khalid Sulaiman Al-Jarallah sina Presidential Adviser for Overseas Filipino Workers and Muslim Concerns Secretary Abdullah “Dabs” Mamao, noong Linggo (Enero 19, 2020) kasama sina Philippine Ambassador to Kuwait Mohammad Noordin “Dino” Lomondot, OPA OFW Under Secretary Edwin Bael.

Sa kanilang pulong, iilang mga aspeto ng “bilateral relations” sa pagitan ng dalawang bansa ay tinalakay, lalo na ang pagkaroon ng total deployment ban na ipinataw ng pamahalaang Pilipinas sa mga manggagawa papunta sa Kuwait sanhi sa pagkapatay kay Jeanelyn Villavende.

Pinuri ni Secretary Mamao ang ligal na hakbang na ginawa ng pamahalaan ng Kuwait para magkakaroon ng pagpupulong sa ikalawang linggo ng Pebrero para pag-uusapan muli ang labor agreement na pinirmahan ng dalawang bansa noong 2018.

Ang pulong ay dinaluhan din nina Kuwaiti Assistant Foreign Minister for Asian Affairs, Ambassador Ali Suleiman Al-Saeed, at Assistant Minister of Foreign Affairs for the Office of the Deputy Minister, Ambassador Ayham Abdullatif Al-Omar.

Source: https://www.kuna.net.kw/ArticleDetails.aspx?id=2856842&language=ar

Related Story

Share this: