From: Patnubay Online Advocacy
Date: Fri, Apr 10, 2020 at 4:06 AM
Subject: For DOLE Secretary Bello: Our reaction to your statement “‘No work, no pay’ and forced leaved OFWs not qualified for Php10,000 cash assistance
To: DOLE Secretary Silvestre Bello
NOTE: THIS IS AN OPEN LETTER
Dear Secretary Silvestre Bello,
Salam to you, sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at mababasa mo ng buo itong aming reaction at pakiusap:
Ito po ay patungkol sa mga lumabas na balita kahapon, na sinabi mo na ang mga NO WORK NO PAY OFW at ang mga ON FORCED LEAVE OFW ay hindi kasama sa Php10,000 cash assistance ng DOLE kundi ang mga terminated OFW lamang sa panahon ng crisis.
Marahil ang iyong pagkaintindi sa NO WORK NO PAY OFW ay mga part time workers. Marahil ang iyong pagkaintindi sa ON FORCED LEAVE ay nakabasyon lamang. at sa tingin mo, ang mga ito ay hindi epekto ng crisis.
Narito po ang aming paliwanag in behalf sa mga OFW sa abroad.
NO WORK NO PAY – more than a month ago, nagumpisa nang may mga establishments o companies na pinahinto pansamantala ang operation. Ito ay para mapigil ang pagkalat ng coronavirus. Ang mga recreation area, mga malls maliban sa groceries, beauty parlors, massage spa, mass transport at marami pang iba na crowded o di maiwasan ang social distancing ang tumigil sa operation.
Since wala ng operation, walang trabaho ang workers, walang income ang companies o establishments, at nagsimula ang NO WORK NO PAY policy. Ang sahod ng worker ay binabase na sa oras o araw kailan sya magtatrabaho.
FORCE VACATION – may mga establishments or companies, na umaasa na panandalian lang crisis. Kaya, pinagamit sa worker ang kanilang bakasyon na 21 days (or one month) with pay. Yearly vacation ito na dapat sa Pilipinas makakasama ng OFW ang kanyang pamilya.
Pero pinagamit ng ilang establishments o companies sa worker sa panahon ng crisis habang naka-stay at home. Lumagpas na po ang 21 days sa iilang OFW na nakastay at home kaya ang mga sobrang araw na bakasyon, ay NO WORK NO PAY na rin.
Pinahiwatig mo po sa mga balita na ang NO WORK NO PAY at FORCE VACATION ay hindi epekto ng crisis. We hope, na ngayon ay maliwanag na sa iyo, na ito ay epekto ng coronavrius crisis at dapat entitled ang mga OFW na dumanas nito, sa Financial Assistance ng DOLE.
SALARY DEDUCTION – maaring makakarating sa inyo na may mga OFW na binawasan ang kanilang sahod o di kaya ay kalahating buwan lang ang sahod.
Hindi po ito salary deduction kundi epekto pa rin ng crisis. Ang pagstop ng operaton ng iilang establishments or companies ay by stages, inuna yong mga recreation areas, then ang malls, then ang mga beauty parlors, massage spas, barbershops, then mass transport then sunod sunod na ang lahat nang naimpose ang stay at home at curfew para sa lahat two weeks ago.
Ang SALARY DEDUCTION na sinasabi ay dahil sa nakaraang buwan ay mayroon pang mga araw na nagwork at yon ang sinahuran ng kanilang establishments o companies, at yong wala nang work at nagstay na sa bahay ay NO WORK NO PAY na. Dahil by stages po, hindi sabay-sabay ang pagpastop ng operation sa mga establishments at companies. Kaya may mga iilan na nakatanggap pa ng sahod.
Maarin din na naubos na ang annual vacation balance ng mga pinapaFORCE LEAVE at ang mga sobrang araw ay wala nang sahod.
TERMINATION – ayon sa mga balita, sinabi mo na ang qualified lamang sa financial assistance ng DOLE ay yong mga terminated lamang. Kung ganyan ang qualification po ninyo, ay wala palang OFW na affected sa crisis ang makakatanggap ng financial assistance ng DOLE.
Kung meron man ay iilan lamang ito. Sila yong finished contract nakuha ang mga benefits pero affected pa rin sa crisis dahil nastranded sila dahil sa travel ban.
Dahil wala namang naterminate dahil sa crisis. Halimbawa na lamang sa KSA bawal po magterminate ang employer o else madeprive sila sa subsidy ng government. KSA Government ang sasagot sa 60 percent na sahod ng mga SAUDI WORKERS (hindi kasama ang expats).
SINO NA LANG PALA ANG MAPAGBIGYAN KUNG MANANATILI PO KAYO SA INYONG CRITERIA?
Sa mga balita, noong nakaraang buwan, sinabi mo na ang lahat na OFW na affected sa coronavirus crisis ay makakatanggap.
Pero sa takbo po ng sinabi mo sa mga balita kahapon, ang mapagbigyan ay hindi yong mga apektado sa crisis kundi yong mga dati pa rin na undocumented or distressed na may problema na bago pa ang crisis. na maraming beses na nabigyan ng financial assistance.
Wala kaming problema kung pagbibigyan nyo rin sila, dahil need din nila ng tulong. Pero take note po na ang financial assistance ay intended po for displaced OFW dahil sa coronavirus crisis.
SAAN LULUGAR ANG MGA OFW NA APEKTADO SA CRISIS? – sa sinabi nyo sa balita kahapon na hindi kasama ang NO WORK NO PAY and FORCED LEAVE OFW. Yong pag-asa nila nang magpabalita ka noong isang buwan, ay napalitan ng pagkakadismaya.
SINO BA ANG HINDI? eh ang mga pamilya namin sa Pilipinas ay deprived din sa Financial assistance dahil may kapamilya sila na OFW.
Wala kaming matatanggap dito sa abroad, at wala rin matatanggap ang pamilya namin sa Pilipinas.
SANA ALL! – Alam nyo po sir, kung tutuusin dapat lahat ng OFW ay makakatangap ng financial assitance ng DOLE. Dahil hindi natin alam kung kailan matatapos ang crisis. Hindi natin alam ang mga mangyayari sa susunod na araw o linggo o buwan. Pero siguradong from time to time ay madagdagan ang mga affected OFWs dahil sa crisis.
Tuwang-tuwa po ang mga OFW sir, nang nagsalita ka sa TV last month, na may financial assistance kami na matatanggap. Isang buwan po kaming naghihintay po at umasa, pero kahapon, nadismaya po kami dahil wala palang OFW na affected sa crisis ang mapagbigyan.
Uulitin namin, maaring nagkakamali lang kayo sa pag-intindi sa NO WORK NO PAY, at FORCE LEAVE. and we are hoping na bigyan mong konsiderasyon ang aming paliwanag na ito.
May mga links kami sa baba na maaring magbibigay sayo ng karangdagang insights po.
1. Patnubay Reacts to No work, no pay’ and force leave OFWs not qualified for Php10,000 cash assistance—DOLE
Link: https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/3108130602570526
2. Ang NO WORK, NO PAY ba ay tolerable sa panahon ng COVID-19 crisis?
Link: http://patnubay.org/?p=16381
3. Patnubay’s Suggestions for DOLE’s Financial Assistance Distribution
Link: https://docs.google.com/document/d/1y6eO-Ni3VypEHWLuhLrDektL0DU9nVv8aWJY6hFE1Lc/edit?usp=sharing
Ito lang po muna and May Allah bless you always
For Patnubay Advocacy Group
Joseph Abu Bakr Espiritu
patnubay.org
