KSA OFW: Ang NO WORK, NO PAY ba ay tolerable sa panahon ng COVID-19 crisis?

Share this:

Ngayong araw nag-issue ng desisyon ang Ministry of Human Resources and Social Development.

Pinahihintulutan ang mga private companies na bawasan ang buwanang sahod ng worker at ang pagbabasehan ng computation ng sahod ay kung ilang oras o araw ang pagtatrabahoan niya. O di kaya, ay gamitin ang unused vacation ng worker.

Nasa baba po ang English translation ng desisyon, pagkatapos ng kunti nating opinyon at paliwanag.

Opinyon ng Patnubay

Ang kawalang ng trabaho ng worker at pagsara pansamantala ng iilang establishments o company dahil sa COVID-19 crisis ay parehong hindi kasalanan ng worker at ng employer.

Maituturing na ang crisis na ito ay Force Majeure.

Ano ang Force Majeure?

Force majeure is unforeseeable circumstances that prevent someone from fulfilling a contract.

Walang may gusto na mangyayari ito, pero kailangan natin magsasakripisyo para matigil ang pagkalat ng coronavirus na COVID-19. Sarado ang iilang establishments o companies, at walang trabaho ang kanilang mga workers.

Ang epekto, walang revenues ang mga establishments or companies at wala rin sahod ang kanilang mga workers.

Nakasulat ba ang Force Majeure sa Saudi Labor Law?

Yes, nakasulat sa Article 74.5 na ganito

Article (74): A work contract shall terminate in the following cases:

Paragraph (5). Force majeure.

Ayon sa Saudi Labor Law, maaring materminate ng contract kung may force majeure.

Sinabi ng MHRSD sa kanilang desisyon sa baba na hindi legitimate para sa employer na magterminate ng worker, kung siya ay nakatanggap ng subsidy mula sa government.

Kung inyo pang matatandaan, noong nakaraang araw, inanunsyo sa utos ni King Salman na sasagutin ng pamahalaan ng Saudi Arabia ang 60 percent sa sahod ng Saudi Workers. Yon ang subsidy na sinasabi.

Sinabi din ng MHRSD sa kanilang desisyon sa baba, na ang worker ay maaring magterminate ng contract. Ang tanong ay saan naman siya pupunta kung gagawin ng worker yon?

Sa mga gustong mag-terminate ng contract dahil apektado ang establishment o company sa COVID19 crisis, kausapin ang inyong employer kung gusto nyong umuwi o gusto magpatransfer.

Or mananatili sa employer at papayag na ang pagbabasehan ng computation ng sahod ay kung ilang oras o araw ang pinagtratrabahoan. O di kaya, gamitin ang unused vacation at yong araw na sobra ay wala na rin sahod.

Heto naman ang batas tungkol sa sobrang araw na bakasyon:

Article (116):
A worker, subject to the employer’s approval, may obtain leave without pay for a duration to be agreed upon by the two parties. The work contract shall be deemed suspended for the duration of the leave in excess of twenty days, unless both parties agree otherwise.

Patnubay Notes: Ang food allowance, housing allowance or accommodation ay mananatiling obligasyon ng employer at hindi ito dapat ipagkakait sa worker, hindi ito dapat babawasan, mayroong force majeure man o wala.

Dapat tawagan kaagad ng embassy o POLO ang sinumang employers ang nagpapalayas ng workers, hindi nagpapakain ng worker or binawas ang food allowance sa sahod ng worker. O di kaya ay maireport nila kaagad ito sa kinaukulan ng KSA government.

Dapat 24 by 7 ang hotline numbers at FB Page Inbox ng ating embahada, konsulado at mga POLO para sa mabilisan at tama na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga OFW, hindi lamang sa pagkain o accomodation kundi para maipaglaban ang karapatan ng mga OFW base sa batas ng Kaharian. Ang gustong magpalipat, ang gustong uuwi, ang mga gustong mananatili o ano mang problema ay dapat maalalayan nila kaagad.

Nakakalungkot ang mga pangyayari, at ating dasal ay matatapos na kaagad ng crisis na ito at babalik na sa normal na pamumuhay ang mundo, In Sha Allah!

Nasa baba po ang desisyon ng MHRSD at ang English translation ng Saudi Press Agency. Please keep praying na mtatapos na ang crisis na ito.

Ministry of Human Resources & Social Development Issues a Decision to Regulate Contractual Relationship between Employees and Employers to Confront Coronavirus

Riyadh, April 06, 2020, SPA — As part of its role to provide support for the efforts of the Kingdom of Saudi Arabia’s government to control the implications of the new Coronavirus, the Ministry of Human Resources and Social Development has issued a decision to regulate the contractual relationship between employees and employers in these special circumstances.

According to the decision, once the government has taken measures to tackle a certain case or circumstance necessitating reducing the working hours, or taking precautionary measures to limit the aggravation of that case or situation, described as “force majeure”, in paragraph 5 of Article 74 of the labor law, the Ministry allows the employer to, first of all, agree with the employee, within the six months following the start of the enforcement of these procedures, on either reducing the employee’s wage to adjust with the actual work hours, or granting the employee a local leave to be deducted from his/her deserved annual vacation, or granting him/her an exceptional leave, according to Article 116 of the labor law.

However, following this, the termination of his/her work contract is not legitimate once it became evident that the employer has benefited from any government subsidy to deal with this situation. In addition to that, the employee will have the right to terminate his/her work contract.

The Ministry also allows a temporary benefit from the services of off-labor-market expatriates through the “Ajeer” portal as an alternative to recruiting from abroad, as the Ministry aims through this decision to protect workers during such circumstances from being terminated or losing their contractual benefits. The portal will soon offer the businesses to publish names of their excess workers.

–SPA 19:53 LOCAL TIME 16:53 GMT 0026

RELATED NEWS

Ministry of Human Resources & Social Development Issues a Decision to Regulate Contractual Relationship between Employees and Employers to Confront Coronavirus

Sources:

Share this: