Saan sa UHC Law, makikita na kung hindi magbabayad ang isang OFW sa Philhealth, ay hindi ito pagbibigyan ng OEC?

Share this:

Ito ay makikita sa  Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa  RA11223 Universal Health Care (UHC) Act.  Ang Department of Heath ang gumawa at lumagda ng IRR for UHC noong Oktobre 11, 2019

Sa Sec. 10. 2.c ng IRR para sa UHC ito ang nakasulat,

Overseas Filipino Workers – The premium contribution shall be salary-based as prescribed by the Act and shall require submission of acceptable proof of actual income. Non-submission of acceptable proof of actual income shall result in the charging of the rate based on the income ceiling. The Philippine Overseas Employment Administration (POEA) shall ensure that land-based overseas Filipino workers, whether new hires or returning (balik manggagawa), pay their PhilHealth premiums prior to issuance of the Overseas Employment Certificate (OEC). Specific guidelines shall be issued by the POEA and PhilHealth.

PAGPAPALIWANAG

Ayon sa IRR ng UHC, ang mga OFW na naisulat sa Section 4-f ng UHC Law bilang premium contributors ay kailangan magbayad sa Philhealth based sa kanyang salary.

Kailangan ng isang OFW na magbigay ng matibay na katibayan sa kanyang totoong sahod. Kung wala siyang matibay na katibayan na maipapakita, sisingilin siya based sa ceiling rate (pinakamalaking) computation.

Lahat ng bagong hire o balik manggagawa na nagbabakasyon, ay kailangan nilang magbayad bago mabigyan ng OEC

Ang isang batas katulad ng Universal Health Care Act (UHC) ay kailangan na may Implementing Rules and Regulations para ito ay legal na maipapatupad.

LILINAWIN NATIN

  • sa Universal Health Care (UHC) law, ay nakasulat na ang OFW ay Premium Contributors na dapat magbabayad ng salary based contribution sa Philhealth. Yan ang pinaka-ugat ng problema.
  • sa Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa UHC law, ay doon nakasulat ang NO PAYMENT, NO OEC. Yan ang dagdag na problema.

DASAL TAYO

Aming Tagapaglikha, padalhan Mo po kami ng mga anghel na tutulong sa aming mga OFW.

Allahuman Ameen!

Drafted by Abu Bakr Espiritu
for Patnubay (by the OFW, of the OFW, for the OFW)

Related Article

Babayaran ng OFW sa Philhealth sa taon 2020 maaring umabot nang 21,600 Pesos

BY: TASIO ESPIRITU JANUARY 11, 2020

Kahapon. nakatanggap tayo ng private message sa ating Facebook Page mula sa isang kapwa OFW. Pinaalam ng ating sender na ang babayaran niya sa Philhealth para sa taon 2020 ay umabot ng 19,425.60 Pesos.

Nagulat ang ating sender kung bakit tumaas nang mahigit 800 percent na bayarin kung ikukumpara natin sa dating 2,400 Pesos lamang.

Heto ang computation ng taga-Philhealth para sa ating sender na isang OFW mula sa Saudi Arabia at may sahod na 4000 Saudi Riyals.

Bakit umabot sa ganung halaga?

Ito ay alinsunod sa batas na RA11223 (Universal Health Care Act) na nilathala sa Official Gazette nuong Pebrero 21, 2019 at naging epektibo pagdaan ng 15 na araw. Ito ay tuloyan na naipapatupad nang magkaroon ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ang Department of Heatlh noong Oktobre 11, 2019.

Sa Section 4 ng Universal Health Care Act, nakasulat na tayong mga OFW (migrant workers) maging ang ating mga pamilya ay napabilang sa tinatawag na “Direct contributors“.

At dahil tayo ay napabilang sa Direct Contributors, ang Section 10 (Premium Contributions) ng Universal Health Care Act, ang masusunod.

Simple Calculations

Halimbawa ang sahod ng isang OFW sa taon 2020 ay equivalent to 10,000 Pesos ang calculation ay ganito:

10,000 Pesos X 0.03 Premium Rate X 12 months
= 3,600 Pesos ang babayaran nya sa Philhealth para sa taon 2020

Kung ang kanyang sahod ay equivalent sa 20,000 Pesos, ang babayaran niya sa Philhealth ay 7,200 Pesos.

Kung ang sahod ay equivalent sa 30,000 Pesos, ang babayaran sa Philhealth ay 10,800 Pesos.

Kung ang sahod ay equivalent sa 40,000 Pesos, ang babayaran sa Philhealth ay 14,400 Pesos.

Kung ang sahod ay equivalent sa 50,000 Pesos, ang babayaran sa Philhealth ay 18,000 Pesos

Kung ang sahod ay equivalent sa 60,000 Pesos, ang babayaran sa Philhealth ay 21,600 Pesos

Kung ang equivalent na sahod ay mahigit pa sa 60,000 Pesos, ang babayaran sa Philhealth ay 21,600 Pesos pa rin dahil ang Income Ceiling para sa taon 2020 ay hanggang 60,000 Pesos lang.

Actual Calculations

Halimbawa naman sa isang OFW na domestic worker na ang sahod ay 400 US Dollars, ganito ang calculation

Convert the salary to Philippine Peso

400USD X 50.53 (exchange rate US Dollars to Philippine Peso)

Salary in Philippine Peso = 20,212 Pesos

Calculate the Philhealth contribution

20,212 Pesos X 0.03 Premium Rate X 12 months

= 7,276.32 Pesos ang babayaran sa Philhealth para sa taon 2020 ng isang OFW Domestic worker na may minimum salary na 400USD

Kaya na lamang, ang babayaran ng OFW na nagmessage sa ating Facebook Page ay ganito ang calculation:

Future Calculations

Sa 2021, ang Premium Rate ay 3.5 percent na at ang Income Ceiling ay 70,000 Pesos. Ang babayaran ng isang OFW sa Philhealth ay magmula sa 4,200 Pesos at hindi lalagpas sa 29,400 Pesos.

sa 2022, ang Premium Rate ay 4 percent na at ang Income Ceiling ay 80,000 Pesos. Ang babayaran ng isang OFW sa Philhealth ay magmula sa 4,800 Pesos at hindi lalagpas sa 38,400 Pesos.

sa 2023, ang Premium Rate ay 4.5 percent na at ang Income Ceiling ay 90,000 Pesos. Ang babayaran ng isang OFW sa Philhealth ay magmula sa 5,400 Pesos at hindi lalagpas sa 48,600 Pesos.

sa 2024, sa 2025 at sa mga susunod pa na taon, ang Premium Rate ay 5 percent na at ang Income Ceiling ay 100,000 Pesos. Ang babayaran ng isang OFW sa Philhealth ay magmula sa 6,000 Pesos at hindi lalagpas sa 60,000 Pesos.

Penalties

Nakasulat sa Section 9 ng Universal Health Care Act na kung ma-late sa pagbabayad ay mayroong interest na idadagdag sa bayarin.

Patnubay Notes:

Batas na ito at obligado tayong sumunod.

Nagawa ang batas na ito na walang konsultasyon sa ating hanay. Hindi tayo kinonsulta dahil alam naman ng mambabatas na papalag tayo.

Pumalag kasi tayo noon sa 2,400 Pesos lang. Kaya, hindi natin masisisi ang mga mambabatas lalo na at ang balak nila ay pababayarin tayo ng malaking halaga.

Kung maalala ninyo nilalalabanan na natin mula noon pang 2011 ang pagsasabatas na gawing mandatory sa mga OFW ang Philhealth, SSS at PAGIBIG.

Wala na siguro tayong magagawa pa dahil mandatory na daw itong lahat para sa bawat OFW. Kaya maghahanda na lang tayo ng pambayad sa Philhealth, SSS at PAGIBIG taon-taon.

Ipagdarasal natin na hindi mangyayari ang kanilang pinipilit na No Payment No Permit to Travel.

Sa kasalukuyan, magpapasalamat tayo at hindi pinapayagan ng POEA na obligahin magbayad ang isang balik-manggagawa para maka-alis ng bansa.

Dahil kung mangyayari yan, siguradong ganito ang sitwasyon natin:

Anak, hindi muna magbabakasyon si Papa dahil wala pa akong pambayad sa Philhealth, Pagibig at SSS. Pasensya na anak ha.

Anak, pasensya ka na at hindi ko na maibigay ang kahilingan mo at hindi na kita mapapasyal pa dahil pambayad natin sa Philhealth, Pagibig at SSS. Sa bahay na lang tayo anak.

Anak, wala nang trabaho si papa, naexpire ang aking re-entry visa dahil wala akong pambayad sa Philhealth, Pagibig at SSS.

Paglabag yan sa kaparatang pantao ayon Article 13 (Freedom of Movement) ng UN – Universal Declaration of Human Rights. Sana naisip yan ng mga mambabatas at ng mga gustong magpapatupad ng batas bago sila naka-isip na iipitin ang mga OFW sa mga sasapilitan na babayarin.

Sabagay, anong aasahan mo sa kanila, tungkol sa mga OFW? Maaalala lang naman tayo kung eleksyon na. Hindi naman kapakanan natin ang nasa isip nila kundi ang mga boto natin at ng ating mga pamilya.

Pagkatapos ng eleksyon ay kakalimutan na tayo. O di kaya, gagawa sila ng batas na kunwari nakakabuti sa atin pero dagdag pasakit pala.

Kung nagkaroon lang konsultasyon, malalaman sana nila na ang sahod ng isang OFW na nakalagay sa kontrata ay hindi yan ang totoong kita.

Dahil gumagastos din ang mga OFW sa abroad at marami din silang binabayaran lalo na ang mga nandito sa Saudi Arabia na halos lahat ay may mga taxes na pero ang sahod ay hindi lumalaki. Marami din ang maaring maging distressed at walang kasiguradohan ang sahod.

Naintindihan po namin na kailangan ng Philhealth ang dagdag na pundo para pantapal doon sa nawala nilang ilang bilyon pesos. Ganun din sa SSS hindi rin ligtas ang pundo nila sa corruption. At maging ang PAGIBIG.

Kaya, kailangan nila na isingit kaming mga OFW sa batas, para sapilitan kaming pababayarin.

Akala siguro nila na mayaman ang mga OFW dahil ang pinagsasamang remittances namin ay ang tanging nagsasalba sa ekonomiya ng ating bansa na matagal na sanang lugmok dahil sa korapsiyon.

Korapsiyon, sa pangunguna ng mga mambabatas din.

Hindi nila alam na ang bawat padalang pera ng OFW ay may kaakibat na sakripisyo. Marami sa mga OFW ay baon pa sa utang sa kagustohan na mai-angat lamang ang pamumuhay ng kanilang mga pamilya. Marami ang nagtitipid sa pagkain at ano mang bagay para makapagpadala lamang ng sapat sa kanilang pamilya.

Noong 1995, tuwang-tuwa ang mga OFW nang nagkaroon ng batas na RA8042 (Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995) na nakasaad na exempted sila sa pagbabayad ng tax.

Mabuti pa ang mga mambabatas noon dahil kinikilala nila ang sakripisyo ng mga OFW. Kinilala nila ang malaking nai-ambag ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa. Sa kanila nag-umpisa ang salitang “Bagong Bayani” ang mga OFW.

Hindi na yan naiisip ng mga mambabatas ngayon. Malamang ang nasa isip nila ay, kasalanan ninyo pinili ninyong maging OFW.

Hindi po choice ng mga OFW ang lumisan ng bansa natin para magtratrabaho sa abroad. Kundi, dahil sa kulang ang trabaho sa Pilipinas para sa mga mamamayan. Yan dapat ang unang pagtutuonan ng pansin ng mambabatas.

Sabagay, ang una nilang iniisip ay kung paano makakabawi sa nagastos sa eleksyon at kung paano sila makakapag-ipon ng marami mula sa kaban ng bayan.

Marami ang nagpapayo sa mga OFW na mag-iipon para sa kinabukasan. Paano kami makakapag-ipon kung sa pag-alis pa lamang namin ay may malalaki nang babayaran?

Pantapos

Maganda para sa mga OFW at ng aming mga pamilya, ang may health care pero kung ma-stress o magkakasakit lang kami sa pag-iisip sa malaking bayarin taon-taon, mas mabuti pa ang wala na lang.

Magdasal tayo para sa katahimikan, kapayapaan, at kaunlaran ng lahat ng OFW at ng ating mga pamilya.

Ipagdasal din natin na magkakaron ng pagbabago sa Saligang Batas na wala nang eleksyon para sa mambabatas kundi sila ay pipiliin based sa kanilang credentials at based sa kanilang expertise (science, health, technology, military, good governance etc.). Hindi sa pamamagitan ng halalan na ang pinagbabasehan ay ang kayamanan, kasikatan at kapangyarihan.

Hasbunallahu wa Nimal Wakil!

Drafted by Abu Bakr Espiritu
for PATNUBAY – HAGIT

Related Links and Articles

Share this: