Usapang UHC at Philhealth sa Twitter with Ka Jude Abarquez

Share this:

Date of Conversation: May 29 – 30, 2020

Patnubay-Online

sa zoom meeting kaninang umaga with OFWs, sinabi ni @attyharryroque na wala sa UHC law ang problema kundi sa IRR ng Philhealth. He should review the UHC law kahit sa section 4 and section 10, para malaman niya..  
7:42 PM · May 29, 2020

may naglagay ng salitang “migrant worker” sa section 4 ng UHC law kaya napabilang ang mga OFW sa direct contributor. Sa section 10 nakasulat na ang direct contributor ay magbayad ng salary based contribution na tataas taon-taon @attyharryroque.
7:44 PM · May 29, 2020

kaya, ang sigaw ng mga OFW, @attyharryroque sir ay hindi lang ang IRR ng philhealth ang rerepasuhin, kundi ang UHC law mismo. Alisin ang salitang migrant worker sa section 4, at gumawa ng isang section na 2400 pesos yearly para sa mga OFW. 
7:47 PM · May 29, 2020

mahalaga din na malaman namin @attyharryroque kung sinong mambabatas ang naglagay ng salitang “migrant worker” sa section 4 kaya napasama ang mga ofw as direct contributor, na magbabayad ng malaki na nakasaad sa section 10 at bakit wlang konsultasyon sa mga ofw sa pggawa ang UHC
3:17 PM · May 30, 2020

Jude Abarquez

Replying to @PatnubayOnline and @attyharryroque

Masyadong malaki naman po kasi talaga ‘yung 21,000 pesos a year na premium.
9:56 PM · May 29, 2020

Patnubay-Online

sana ka @JudeAbarquez mabasa ni spox @attyharryroque itong ating mga tweets. hindi po kami katulad sa iba na isisi sa ating pangulo bakit sya pumirma sa uhc. dhil katulad ni atty roque na nagsulong ng uhc ay di aware of the sec 4 and section 10 nakaapekto sa ofw. 
3:14 PM · May 30, 2020

Patnubay-Online

 ka @JudeAbarquez @attyharryroque habang nasa batas kasi yan patuloy ang pangamba ng mga ofw. sabihin na natin ginawa na ng mahal na pangulo na voluntary sa ngayon. pagkatapos ng crisis o di kaya pagktaapos ng term ni prrd, balik na naman yan. dahil sec 4 and 10 ng uhc law yan. 
3:14 PM · May 30, 2020

Jude Abarquez

Replying to @PatnubayOnline and @attyharryroque

Wala po bang naging konsultasyon ‘yan sa representative ng OFW sa kongreso? Kung hanggang ngayon ay walang transparency sa mga datos sa PhilHealth, paano magiging ligtas sa korapsyon ‘yan? Wala pa akong nakitang annual report o financial statement ng PhilHealth. Meron po ba? 
3:49 PM · May 30, 2020

Patnubay-Online

Replying to @JudeAbarquez and @attyharryroque

kung may konsultasyon sa hanay natin ka jude, eh di noon pa tayo nagsisigaw. 
6:42 AM · May 31, 2020

Jude Abarquez

Ganun na nga po eh. Kasama pala sa paggawa ng batas kung saan kukunin ang pondo, eh sa dami ng buwis, hindi pa ba sapat ‘yun? O hindi nagiging sapat dahil karamihan ay napupunta sa korapsyon? Kung may napupunta sa korapsyon, bakit hindi ‘yun ang pinagtutuunan ng pansin? 
8:18 AM · May 31, 2020

Patnubay-Online

sana basahin at sagutin ito ni spox @attyharryroque ang mga tweets natin ka @JudeAbarquez , bago siya magkaroon ng interview ulit (tungkol) sa philhealth at pareho pa rin ang kanyang sasabihin.
10:00 PM · May 30, 2020

Jude Abarquez

Replying to @PatnubayOnline and @attyharryroque

Sana nga po mabasa ni Atty Spox para naman kahit paano ay malaman niya ang mg sentimyento ng mga OFW tungkol sa PhilHealth. Mas maganda ang medical coverage (optical and dental included) ng mga OFW sa kanilang host country at sagot pa ng kanilang mga employer ang premium nito.
11:04 PM · May 30, 2020

Patnubay-Online

baka ni review pa ni @attyharryroque ang sinabi natin na section 4 at section 10 ng UHC na dahilan kaya masingil ang mga ofw ng sobrang laki. at titigil na si Spox Harry sa pagsasabi na ang IRR ng philhealth ang may problema na dapat repasuhin., ang UHC law po mismo Spox Harry.
6:24 AM · May 31, 2020

Jude Abarquez

Replying to @PatnubayOnline and @attyharryroque

Pinapasa sa IRR sa PhilHealth ang problema na kung tutuusin ay mismo palang batas ng UHC ang may problema. Hindi naman gatasan ang OFW para singilin ng isang bagay na hindi naman niya karaniwang nagagamit. Doing good in the expense of others na lang ba palagi?
8:21 AM · May 31, 2020

Share this: