Arabic netizens nagreact sa viral video, na ang isang Arabo ay nagregalo ng underwear sa isang Pinay nurse

Share this:

Kalat ngayon sa Twitter ang hashtag na ممرضيهديفلبينية_كلوت# (nurse gave Filipina a cloth) at maging sa Facebook din.

Sari-sari ang reaksyon ng mga Arabic speaking netizens tungkol sa isang Tiktok video, kung saan makikita ang isang Arab nurse na nagregalo ng isang box ng underwear sa isang Pinay nurse.

Patnubay Reaction: Hopefully, lilipas lang ito at walang problema sa ating mga kababayan na nasa video.

Ang aming payo ay, bago sana magpost sa social media, pag-isipan munang mabuti kung wala bang maging problema sa batas, kultura at tradisyon ng bansa na kinaroronan.

Kung sa Pilipinas ito nangyari, wala naman itong problema. Kung lahat ng nasa video ay Pilipino, wala rin itong problema.

Tandaan, kung ano man ang ginawa natin in private, kung maipost na ito sa social media ay naging public na ito at applicable ang Public Decency Law at ang Anti-Cybercrime Law. Applicable din ang Saudi Labor Law kung ito ay nangyari sa work place.

Ipagdasal natin na ang nasabing viral video, ay walang problemang maidudulot sa ating mga kababayan na nasa video na ito.

Share this: