Statement ng MOH Jeddah tungkol sa viral video na ang isang Arabo ay nagregalo ng underwear sa isang Pinay na kapwa nurse

Share this:

Ito po ang statement ng MOH Jeddah tungkol sa viral video na ang isang Arabo ay nagregalo ng underwear sa isang Pinay na kapwa nurse sa isang private hospital.

English Translation

Jeddah Health “A reference to the video circulating on social media about a health practitioner doing inappropriate behavior with a nurse, explaining health to complete the procedures for controlling the health practitioner in a private hospital in Jeddah for violating the ethics of the profession and public morals and referring him to the competent committee to issue the statutory punishment.”
Source: https://twitter.com/Jeddahhealth/status/1303411681167650822

Ito naman ang statement ng Emara (Governor’s Office) ng Makkah Region kung saan nasasakop ang Jeddah City

English Translation

Makkah Region: The MOH Refer a health practitioner in a private hospital in # Jeddah to the competent committee to issue the statutory punishment against him, for violating the ethics of the profession and public morals
Source: https://twitter.com/makkahregion/status/1303434487116820497

Patnubay Note: Ipaparating natin ito sa ating konsulado at POLO sa Jeddah para may representation at translator ang mga Pinay nurses kung sakaling may investigation at hearings.

Related Story:

Arabic netizens nagreact sa viral video, na ang isang Arabo ay nagregalo ng underwear sa isang Pinay nurse

September 8, 2020 – Kalat ngayon sa Twitter ang hashtag na ممرضيهديفلبينية_كلوت# (nurse gave Filipina a cloth) at maging sa Facebook din.

Sari-sari ang reaksyon ng mga Arabic speaking netizens tungkol sa isang Tiktok video, kung saan makikita ang isang Arab nurse na nagregalo ng isang box ng underwear sa isang Pinay nurse.

Patnubay Reaction: Hopefully, lilipas lang ito at walang problema sa ating mga kababayan na nasa video.

Ang aming payo ay, bago sana magpost sa social media, pag-isipan munang mabuti kung wala bang maging problema sa batas, kultura at tradisyon ng bansa na kinaroronan.

Kung sa Pilipinas ito nangyari, wala naman itong problema. Kung lahat ng nasa video ay Pilipino, wala rin itong problema.

Tandaan, kung ano man ang ginawa natin in private, kung maipost na ito sa social media ay naging public na ito at applicable ang Public Decency Law at ang Anti-Cybercrime Law. Applicable din ang Saudi Labor Law kung ito ay nangyari sa work place.

Ipagdasal natin na ang nasabing viral video, ay walang problemang maidudulot sa ating mga kababayan na nasa video na ito.

Share this: