You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

“MANIKA – JAMILA” – isang Nobela tungkol sa Isang Manika

MANIKA – JAMILA
isang Nobela tungkol sa Isang Manika
orihinal na sinulat ni FranCis MoRilao dito sa Qatar
© 2009

► Chapter 1 – ISTANTE

“You’re Unfair, I hate You”Ito ang mga letrang naka print sa damit ng bawat stuffed toy na nakahilera sa harap ko habang ako naman ay nakaupo sa istante kasama ng mga manika sa Doll’s Section.

Ilang buwan na din mula nang ako ay inilagay dito ngunit wala pa ring bumibili sa akin, samantalang ang stuffed toy na nasa harapan ko ay talagang mabenta, siguro nga mas maganda ang stuffed toy kaysa sa manika.

Pansin ko lang, mabili ‘yong You’re Unfair kasi madaming stock, palit ng palit kada araw.

Umaga na naman at may bumili na naman sa kanya. Kinindatan niya ako habang bitbit siya papuntang counter, ngiti niya’y may pangungutya na parang nagsasabing bhelat nanjan ka pa rin, wala nang bibili sa’yo. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya mabenta. Siguro nga dahil manika lang ako at walang alam sa mundo.

Bilang manika, maganda ako syempre, mahaba ang pilik mata ko, bilugan ang mata, kulay buhok ng mais ang buhok ko at nagsasalita kapag pinipindot ang button na nasa dibdib ko, nag-iisa lang ako sa hilera ng manika na nagsasalita, iyong katabi ko ay iba naman ang features n’ya, meron siyang 30 changeable position na halos lahat ng joints nya ay pwedeng paikutin at galawin.

Hayz lumipas na naman ang araw at nagsara na naman ang Toy Store.
Kadiliman

Bukas Linggo, siguradong madaming mamamasyal at sana may bumili na sa akin.

► Chapter 2 – 6TH BIRTHDAY

Birthday mo nuon, sinama ka ng tatay mong mamasyal dahil nagpadala ang mama mong nasa Qatar ng remittance para makabili ka ng regalong gusto mo sa birthday mo.

Napadpad kayo sa Doll’s Section at nakita mo ako. Binuhat mo ako at pinindot mo ang button sa dibdib ko at natuwa ka sa maganda kong boses.

Tay gusto ko ito! sabi mo.

Natuwa ako, sa wakas makaka-alis na rin ako sa istante at swerte ko kasi ang ganda mong bata at sigurado akong aalagaan mo ako. Habang papunta tayo sa counter, hindi mo na ako binitawan, akap mo pa rin ako hanggang sa magpunta tayo sa McDonalds para kumain ng tatay mo. Duon pa lang panatag na agad ako dahil alam kong mapapaligaya kita bilang manika mo.

Umuwi na tayo, matapos mong humalik sa tatay mo ay nagpunta ka sa yaya mo at ipinagmalaki mo ako sa kanya. Si yaya mo ay inayos ang baterya sa likod ko para mapakinggan niya ang boses ko. Pati siya ay natuwa sa boses kong nagsasabing Good Morning, Take Care, Good Night, Sweet Dreams.

Pagkatapos mong magbihis pantulog, kinuha mo ulit ako at itinabi sa higaan mo, sarap ng pakiramdam na kaakap mo ako.

Pinindot mo ang dibdib ko at sabi ko Good Night, Sweet Dreams.

Madilim na naman, mahimbing na ang tulog mo, ako hindi naman natutulog dahil manika ako. Ramdam ko ang bawat ikot mo sa bed. Masaya ako kasi unang gabi kong kapiling ka at hindi na duon sa istante kung saan mo ako binili.

► Chapter 3 - KASAMA NG MGA LARUAN AT KALARO

Ilang araw na lang at magpapasukan na sa school, kaya pinayagan kang makipaglaro sa mga pinsan mo, syempre bidang bida ako dahil ako ang bago mong manika.

Ipinakilala mo ako sa mga kalaro mo at sa mga laruan nilang manika din. Talagang stand-out ako sa kanila dahil ako lang ang manika na nagsasalita. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nilang pinindot ang dibdib ko para magsalita, hanggang sa napaos ako at tuluyan nang mawalan ng boses. Siguro naubos na ang baterya ko sa likod.

Pagka-uwing pagka-uwi mo, nagpabili ka agad sa yaya mo ng 2 AA Battery para sa likod ko.

Ganun ulit bago ka matulog, pipindutin mo ako at sasabihin kong Good Night, Sweet Dreams, sa umaga naman Good Morning.

Ilang araw, buwan ang lumipas, ang sarap ng mga ala-alang magkasama tayo.

Minsan isinama mo ako sa Montessori kung saan ka nag-aaral at ipinagmalaki mo ako sa mga classmates mo.

Ramdam na ramdam ko ang pag-aaruga mo sa akin, si yaya panay ang linis sa balat kong plastic kapag nasa school ka, binilhan nya ako ng suklay para palaging maayos ang buhok ko, Nilalabhan niya ang mga damit ko para palaging mabango pag kaakap mo ako.

► Chapter 4 – MAGANDANG BALITA

Tuwang tuwa ka sa ibinalita sa ito ng tatay mo dahil sa susunod na buwan ay uuwi ang mama mo mula sa Qatar para magbakasyon at para na rin makasama ka sa 7th birthday mo.

Tuwing sabado at linggo ng umaga, isinasama mo ako sa labas at titingala ka sa langit na parang sabik na sabik ka sa pagdating ng mama mo.

Kay sarap ng pakiramdam na kapiling mo ako sa panahong masaya ka at nananabik sa pagbabalik ng mama mo.

Dumating na ang mama mo at natuwa din siya sa akin, bumili na siya ng isang box ng battery para hindi na maubos ang boses ko.

► Chapter 5 – 7th BIRTHDAY

Birthday mo na naman, kagabi pa lang ay busying busy ang mama’t yaya mo sa mga lutong hinanda nila para sa birthday mo. Hindi ko naman naaamoy pero mukhang masarap ang niluto ng mama mo dahil masaya ang itsura niya.

Pagkasundo sa iyo ng tatay mo sa school ay kinuha mo agad ako at kinarga, kahit na hindi ka pa nagpapalit ng uniform ay ako agad ang nilapitan mo, ramdam ko kung gaano ako kahalaga sa’yo.

Hapon na at padami nang padami ang bisita mo, excited ka sa mga games at gifts na bigay s’yo, feeling ko birthday ko na rin kasi hindi mo man lang ako binitawan, kasama mo ako buong handaan mo.

Gabi na at nagsiuwian na ang mga bisita mo, tulog na rin ang mama’t tatay mo. Tayong tatlo na lang ng yaya mo ang gising habang isa-isa mong binubuksan ang mga regalo sa ‘yo…
alkansya, libro, stationary, at marami pang iba….

► Chapter 6 – BIRTHDAY PRESENT

Tuwang tuwa ka sa regalo sa ‘yo ng mama mo, si Barbie at Ken

And ganda ni barbie at pogi si ken, nadagdagan na ang manika mo. Inabot ka na ng madaling araw kakalaro sa aming tatlo nila ken.

Dahil hindi sila nagsasalita. Ang boses ko ang ginagamit mo para sila ang mag-usap.
Ang galing galing mong gumawa ng mga love story nila barbie at ken.

Sa tuwing patutulugin ni ken si barbie, pipindutin mo ang button sa dibdib ko at boses ko ang magsasabing

“Goodnight”

Sasagot naman si barbie ng

“Sweet Dreams”

gamit pa rin ang boses ko.

► Chapter 7 – SALBAHE SIYA

Isang araw papadabog kang pumasok sa kwarto at nangingilid ang luha mo sa magkabilang mata, kinuha mo ako at sinambit mong

“Salbahe sya!, Salbahe si Tatay!”

Maya maya pa’t humagulgol ka na ng iyak, sa ‘di sinasadyang sandali naihagis mo ako sa dulo ng iyong kwarto.

Tumilapon ako at tumama ang likod ko na naging dahilan ng pagkalas ng mga baterya sa lalagyan at masira ito.

Ramdam na ramdam ko ang sakit na nadarama mo sa bawat hikbi mo. Gusto kitang tignan at lapitan ngunit hindi ko magawa dahil nakataob ako sa pagkakadapa.

Hindi ko naman maigalaw ang katawan ko dahil manika lang ako.

Marahil siguro ay may mabigat kang kasalanan sa tatay mo kaya ka napagalitan at napalo. Gusto ko mang itanong sa’yo ang dahilan, hindi mo rin naman ako maririnig.
Saka kung sakali mang kaharap mo ako, walang sense ang facial expression ko dahil nakangiti akong manika.

Nakaramdam ako ng lungkot ng mga sandaling ‘yon dahil hindi ko nagampanan ang pagiging manika ko, ang magpaligaya ng bata.

► Chapter 8 – YOU’RE UNFAIR

Nakatulog ka na lang sa ganong position kakaiyak, samantalang ako ay inayos ng yaya mo para itabi sa ‘yo.

Malalim na ang gabi at himbing na rin ang tulog mo pero paminsan minsan nagsasabi ka ng I hate you, You’re unfair!

Kahit na tulog ka na ay malinaw pa rin ang accent mo dahil siguro nga sa montessori ka nag-aaral.

Kinabukasan tanghali ka na nagising, ok lang naman kasi walang pasok, sabado.

Nagulat ka sa binigay sa ‘yong stuffed toy ng tatay mo.

Aba teka kilala ko itong stuffed toy na ito ah! Ito ‘yung nasa harapan ko sa istante sa Dolls Section, stuffed toy na may letrang You’re Unfair!

Nang mabasa mo, humagikhik ka sa kakatawa. Tapos napa akap ka sa tatay mo sabay sabing Sorry Po, I Love you Tatay.

Ah! kaya pala ganon ka benta ang stuffed toy na ‘yon, na may letrang You’re Unfair! kasi nakakapagpatawa sa binibigyan

(…na intriga ako dun ah! kayo naintriga din kayo noh? tara tignan natin nang malapitan ang nakasulat!)

Nuong inakap mo ang stuffed toy at itinabi sa akin, talagang kinilatis ko ang nakasulat dahil may kung anong karisma meron ito na nakakapag paligaya sa binibigyan.
Sa malapitan, ito ang nakasulat

You’re Unfair! COMPLEXION

(Kaya pala siya tumawa. Kasi naman may kaputian ang kutis nya.

…Corny noh! pero sa bata hindi! saka nobela ko ‘to noh!)

► Chapter 9 - I HATE YOU

Natanggap na ng tatay mo ang keys of acceptance ng hinuhulugang house ng mama mo sa Southville Village, meaning pwede na kayong lumipat.

Nag announce ang mama mo ng Garage Sale, ibig sabihin ibibenta ang mga hindi importante.

Ito ang araw na kinatatakutan ko, dahil alam kong wala na akong silbi, sira na ang lagayan ko ng baterya at hindi na muling maririnig ang boses ko.

Masaya ka pa ring pinaglalaruan si barbie at ken kahit nagmo-monologue ka na lang.

Wiling wili ako habang pinapanood kitang nag kukwento with accent kay barbie at husky voice naman kay ken.

Tinanong ng yaya mo ang mama mo kung isasama ba ako sa ibibenta, tumanggi ka kasi mahal mo ako.
Sumabat ang tatay mo na may dala-dalang bagong stuffed toy!

“Benta mo na sila kasi malaki ka na! Magdadalaga ka na. Ito oh may bagong stuffed toy sa ‘yo si tatay!”

Nang nabasa mo ang nakasulat sa damit, tumawa ka ng pagkalakas lakas.

I HATE YOU

(Tsk tsk tsk, ‘dun na naman bumili ang tatay nya ng stuffed toy, matignan nga ulit ng malapitan kung bakit siya tumawa.)

Ayun
I HATE YOUth

(ang nakasulat sa malapitan, may small th sa dulo, tama nga magdadalaga na siya kaya wala na kaming silbi nila barbie at ken huhuhu.

► Chapter 10 – PURPOSE DRIVEN LIFE

Nakalipat na kayo sa Southville at syempre kasama ako kasi pinagpilitan mong huwag akong ibenta.

Hindi ko na nakita si barbie at ken at iba pang laruan mo, pati ang stuffed toy kasi nasira agad kaka laba ng yaya mo.

Natutuwa ako kung gaano mo ako treasure dahil simple lang ang dahilan mo, ikaw ang bumili sa akin, si barbie at ken bigay lang sila ng mama mo si You’re unfair at I hate you, bigay ng tatay mo.

Ako naman napili at nagustuhan mo.

Dalaga ka na nga, kasi regalo sa ‘yo ng ninang mo ay

The Purpose Driven Life
by Rick Warren na book, nawili ka na sa kababasa ng libro. Wala na sa isip mo ang paglalaro ng manika. Masaya pa rin naman ako dahil kapag nanonood ka ng TV habang kumakain ng clover chips ay akap mo pa rin ako.

Minsan isang gabi habang nagbabasa ka….

Kinuha mo ako….

Tinitigan mo….

Sinuklay ang buhok ko….

Hindi ko mawari kung bakit ka nagkaka ganyan.

Tapos sabi mo sa akin,

“hindi lang pala tao ang may purpose for existence”

kinausap mo ako tapos sabi mo

“thank you kasi bilang manika, you also have a purpose, I am happy kasi you have done your purpose during my childhood days”

“I will treasure you, para kapag nag asawa na ako, at nag ka-anak din ako ng baby girl, ikaw pa rin ang manika niya. Ikukwento ko ang pinagsamahan natin sa kanya.”

“Magpapabili ako kay tatay ng bagong lalagyan ng baterya para sa likod mo para marinig ko ulit boses mo.”

“Salamat sa ‘yo Manika-Jamila”

Francis Morilao - Qatar

…ang mga tauhan at pangyayari ay pawang mga kathang isip ni kiko at nagkataon lamang, kung ito man ay nangyari, nangyayari o mangyayari pa lang sa nakakabasa maaaring lawakan ang imahenasyon at hanapin ang nakatagong istorya sa likod ng mga pangyayari salamat po sa matiyagang pagsubaybay sa maikling nobelang ito.

– kiko
www.kwentonikiko 


Readers Comments

Cora Balde-Lopez Dmd nice Kiko!

Monica Martin Galing mu talaga. Hmwah ♥

Remedios Echivare Ganda naman telenobela mn

Jelai Andres galing naman… :) apaka ning ning ng kathang isip at panulat mo Sir Kiko. :) more power

Emma Lara super like .. Pero in fairness d xa maikli ang haba pero aus lng nasiyahan ako sa pagbasa. Thankyou

Livy Darling Diestro Ang ganda! Touch aq s last part! Thank you FRANCIS! KEEP IT UP!

Erwin Estrella thankzzz po sa tag ang cute hehehe

Corazon Meneses Hayy may natutunan n nman aq…tnx kiko!sobrang like q.,yan ang tinatawag n “sentimental value”isng bgay n hndi mawa2la s buhay dhil nagbigay ng magandang ala-ala at mananatili p rin xa n kakabit ng nkaraan at s futere mo, khit marami p magbago s takbo ng buhay mo.tnx!naenjoy kong basahin khit ang haba hehe,satisfied nman

Receptionyx Basco tnx sa tag.. I read it many times at hnd nakakasawa.. Ur the best

FranCis MoRilao 

kaw talaga kiko, kelangan pa talagang ilagay ang pangalan ko eh… salamat na rin… salamat po sa mga nagcomment :)
Cora Balde-Lopez Dmd · Monica Martin ·Remedios Echivare · Jelai Andres · Emma Lara ·Livy Darling Diestro · Erwin Estrella · Corazon Meneses · Receptionyx Bascomas

maganda po ang Part 3 ng Love Bus na sinusulat ko at hopefully ma-ipublish na po ang Love Bus Book1 at Book2 sa bookstore… share ko na rin po ang video courtesy of Balitang Qhttp://www.youtube.com/watch?v=WmNeYgCuXCY

Second Episode 2 of 2 | BalitangQ
www.youtube.com

Second Episode 2 of 2 | BalitangQ visit us :http://balitangq.org/

Livy Darling Diestro Ang gnda nga ng love bus… Sana share mo ulit samin ang episode 3…

Corazon Prudente hmn,  pakner magbabasa pa po ako…but love ko na agad yan muah

Cj Montero love it! beautiful story..pa tag naman..tnx ;)

Delfin S. Quesada May God bless you and continue your pursuit of your dreams…  Congratulations!!!!

FranCis MoRilao  salamat po sa mga nagcomment :) Livy Darling Diestro · Corazon Prudente · Cj Montero · Delfin S. Quesada

Corazon Prudente 

Pakner ngayon ko Lang nabasa ang kwento. Malaman at makulay.may mga bagay na walang buhay ..subunit..nagbibigay buhay at umaalalay upang maging makulay ang bawat yugto .sa ating buhay. Mainking walang malay..ako…sa sitwasyon ko nakapalibot sa aking hagaan ang mga teddy bear na pagkaminsan natutuluan ng luha pag may kalungkutan.sa bawat pagtulog sya ang kayakap lagi kong kapiling hanggang magdamag….salaam Kay Francisco nakarelate ako magpahanggang ngayon sya pa rin ang kayakap ko….ang Manish.

Mga Kathang Isip Ni Kiko 

pakner 2009 ‘yan ‘yung time na sobrang hatak ng homesickness ko, na halos kausapin ko na ang unan ko, pati mga papel at ballpen sa kwarto ko…
-