You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

OFW nasaksak ng ibang lahi sa ulo gamit ang susi ng kotse

Isang nagmamagandang loob na pinay nurse (Tess) ang tumawag sa ating kasamahan na si Ka Pat Mabanta, tungkol sa isang kababayan na naconfine sa kanilang hospital sa Riyadh.

Napag-alaman na noong 24 ng Abril 2013, si kabayan, 31 anyos na lalaki ay tinamaan ang ulo dahil sinaksak ng kanyang kasamahan sa trabaho na ibang lahi gamit ang susi ng kotse nito. Inoperahan si kabayan dahil nagkaroong pamumuong dugo sa kanyang ulo. Ngayon ay nasa ligtas na kalagayan na si kabayan subalit apektado ang kanyang pananalita.

Kaya tumawag si Tess kay Ka Pat para mairelay sa embassy ang pangyayari dahil hindi daw nakareport sa police ang insidente. Tinanong ni Tess ang mga taga-hospital kung bakit hindi ito inireport ng hospital sa police. Ang sagot ng taga-hospital ay sila ang manghingi ng police report sa biktima at hindi nila obligasyon na maireport ito sa police.

Naireport naman natin kaagad sa ating embahada para titingnan ang kalagayan ng pasyente at kung papano ipaglalaban ang karapatan ng kawawang kababayan. Pero naka-schedule na for discharge si kabayan. Nangako ang ating embahada na kausapin ang Company ni kabayan.

Isa pang problema ay hindi sakop ng medical insurance ang pagpagamot kay kabayan dahil ito ay “caused by fighting” na hindi covered sa policy ng medical insurance. Pero ayon kay Tess nang makausap nila ang Company ng biktima ay sasagutin daw nito ang lahat ng gastusin sa hospital.

Patnubay Reactions:

Obligasyon ng company (o ng kahit sinong nakakita ng insidente) na ireport sa police ang pangyayari sa loob ng 24 oras. SOP din dapat ng mga hospitals na itawag sa police ang mga ganitong insidente katulad ng pagreport nila sa mga kasong RTA (Road Traffic Accident).

Kailangang makapagfile ng reklamo si kabayan laban sa nananakit sa kanya dahil hindi yon simpleng awayan lamang. Ang paggamit ng isang matulis na bagay na sadyang ihampas doon naman sa delikadogn parte ng katawan ng tao ay isang attempted murder. Pangalawa, maaring ang kayang sagutin lamang ng company ay yong kasalukuyang gamutan at hindi na yong mga susunod pang mga gamutan. Pangatlo may karapatan si kabayan para maghain ng kaso para mabayaran ng compensation sa pananakit sa kanya at sa maaring mawawala sa kanya dahil sa tinamong saksak.

Dahil dumating si Kabayan sa Saudi noong October 2012 para magtrabaho sa kanyang bagong company. May karapatan din sya sa RA10022’s mandatory risk insurance for newly hired OFWs. May karapatan din sya para maka-avail ng disability benefit sa OWWA at refund sa hospital bills from Philhealth at tulong para sa patuloy na pagpapagamot.

Updates from ka Jerome Friaz of the Philippine Embassy

From: Jerome Friaz
Date: 2013/4/27
Subject: Re: Fwd: kabayan sinaksak ng susi sa ulo…
To: “Joseph Henry B. Espiritu”
Cc: ezzedin tago , “rafseguis@yahoo.com”

Ka Joseph,

Just talked to Mr. Puro , supervisor of Orlan. The company’s manager is now at the hospital to discharge the victim. According to Mr. Puro, last 24 April, the Police authorities went to the company and conducted an investigation on the case. The Police spoke with the manager of the company.

The incident happened at the workshop of their company. After the court hearing on the case of Mr. Esteva tomorrow, I will check with the Rawdah Police if a case was filed against the accused.

Jerome