You could put your verification ID in a comment Or, in its own meta tag Or, as one of your keywords

Ang Politiko: Congresman Walden Bello

Mousepainted by Tasio Espiritu

Reaction to3 labor officials named in ‘sex-for-repatriation’ scandal in Middle East

True or not.. Congressman Bello must give the benefit of the doubt to these government officials. If he is the one to conduct the investigation or as the head of the COWA (Committee on Overseas Workers’ Affairs ) then he must exercise impartial judgment.

Okay lang if true ang accusations, pero papano kung hindi ? Again maaring totoo, sa isa o dalawa pero kawawa naman yong inosente. hindi lang sila kundi pati kanilang mga pamilya ay apektado. Dapat ang gawin na munang trabaho ng COWA, ay ang magimbestiga.

Hindi na alam ni bello kung saan sya lulugar, sa code of ethics or sa code of politics ba. Kailangan nyang sakyan ang issue at iexpose ang mga pangalan para patunayan sa kapwa makaliwa na hindi totoo ang akusasyon nila laban sa akbayan na sila ay pseudo OFW group lamang. Politiko na talaga si walden. Lalong nakakawalang respeto na.

Sa kanyang pagiging politiko, hindi nya na naisip na maaring isa o dalawa o ang lahat ng kanyang napangalanan ay ginagawan lamang ng kwento at wala nang chance na makakabangon pa dahil sa ginawang nyang trial by publicity. Pwede naman syang makapagimbestiga muna, o magsampa ng reklamo muna sa DFA o sa DOLE, pero pinili nya ang magpasikat sa media na gusto ng ganitong mga kwento.

In our part, we have the right to name names if gusto natin. Pero sinisigurado pa rin natin ang katotohanan at pinagbigyan natin ang patas na laban. Kung maalala nyo,  lahat ng reklamo natin, we asked for answers from any official na inireklamo natin. Hindi tayo paura-uradang babanat kung hindi tayo sigurado. Dahil ayaw nating makapanirang puri ng taong inosente. Pero kung sakaling wala tayong makukuhang kasagutan ay ilalagay natin ang ating mga katanugnan o imbestigasyon sa ating website (as patnubay leaks), ng walang dagdag at walang kulang at makikita nyo kung gaano tayo ka impartial at nagbigay ng chances kahit sa napaka-irresponsableng official. At ang mga magbabasa na ang bahalang hahatol.

Years ago, may isang welfare officer sa jeddah na kumuha ng ward (babae) sa shelter doon, dinala sa bahay at ginawang asawa-asawa. pumayag naman ang babae,  pero nagreklamo tayo dahil ito ay isang malinaw na paglabag sa pinanumpaang tungkolin ng isang welfare officer, na pangangalagaan ang kapakanan ng ofws at hindi magtake advantage sa kanyang kahinaan, tungkolin na sundin ang batas ng bansang kinaroroonan at hindi suwayin. Ang palusot ng naturang welfare officer ay girlfriend nya naman ang babae. at yong babae naman ay nagalit pa sa amin dahil bakit kami nakikialam sa pag-iibigan nila ni Romeo.

Naparecall si romeo pablo, pagkatapos ng dalawang taon at nagiba ang presidente ay ibinalik sa Saudi Arabia at nasa POLO riyadh. Ngayon nyo lang ito nalaman sa amin no?

Bakit namin ito inilabas? Dahil nakita natin sa TV Patrol kanina na may dalawang babae na nagreklamo tungkol sa isang welfare Officer sa Riyadh. Kami ay naniniwala na authentic ang reklamo ng dalawang babae na yon at malaki ang chance na ang kanilang inireklamo ay ang Welfare Officer na tinutukoy natin sa previous paragraph.

Ang hiling lang sana namin, na ang reklamo ng dalawang babae na lumabas sa TV Patrol kanina ay hindi isasama sa reklamo nina Walden dahil kung sakaling kasinungalingan yong kena walden ay maapektuhan yong reklamo ng dalawang babae na galing sa Riyadh. Sanay ang mga makaliwa sa ganyang strategy, na gagamit ng katotohanan para tatabunan ang kanilang mga kasinungalingan.

For for the Principles of  Truth, Fairness and Justice, ito palagi ang prinsipyo na pinaglalaban ng Patnubay.

Pero si Walden, noong 2011, bumagsak na sya  Principle of Truth dahil sa gawa-gawa nyang COWA Report para sa Saudi Arabia.  Tapos na ang kanyang COWA Report sa Pilipinas pa lang at nang dumating sya ay nagfill-in the blanks na lamang.

Ngayon naman bumagsak na naman sya sa Principle of Fairness. Papano pa sya maging fair nyan kung hinatulan nya na ang tao na hindi pa naimbestigahan?

Bagsak na rin sya sa Principle of Justice. Kawawa ang inosente na inakusahan at ang kanyang pamilya na nadamay sa kagagawan ng Politikong Walden na ito.

Patnubay Joke but True: Dahil walang maipresinta na biktima sa kanyang akusasyon laban sa tatlong officers ng POLO sa Kuwait at Jordan, nanawagan si Congressman Bello sa mga biktima na lumantad na. Ang papasa sa audition ay may nakalaang gantimpala from AKBAYAN pork barrel.

Patnubay Suggestion to Walden Bello:  Dahil nagbitaw ka ng mga pangalan ng mga sinabi mong tatlong akusado, magpresinta ka na ngayon ng mga biktima nila.

Walden Bello is a Joke! Tsk tsk ang hirap kasi kung makatim na ng pork barrel. Kakalimutan na ang prinsipyo at  hindi na alam kung papano gumawa ng tama.

Ang Politiko, Congressman  Walden Bello is our  HAGIT  Enemy Number 1.

Related Links

    -