DOLE Sec Baldoz, Bobo na, Wala pang puso, Utak politiko pa

Baldoz The Godmother - Protektor ng mga Abusadong POLO Officials
Share this:

DOLE Sec Baldoz, Bobo na, Wala pang puso, Utak politiko pa (ang protektor ng mga abusadong POLO Officials)

Desperado na masyado si DOLE Secretary Baldoz na maitatago ang kanyang kapalpakan, pagkabobo at pagkawalang puso, at gumagawa na ng estilong politiko para matatabunan ang mga kapalpakan ng kanyang tanggapan at ng kanyang mga tauhan sa POLO. Kahapon, nagpa-press release si Sec Baldoz at Labor Attaché Padaen at inangkin ang credit ng pagkapanalo ng isang OFW na lumalaban sa kanyang karapatan.

Narito ang Press Release sa TV5 at ABS-CBN na magkapareho ang laman.

  1. http://www.interaksyon.com/article/88146/filipina-beautician-in-al-khobar-wins-in-64750-saudi-riyal-case-vs-employer
  2. http://www.abs-cbnnews.com/global-filipino/06/02/14/pinay-wins-case-against-saudi-employer

Akala siguro ni Baldoz na sa pamamagitan ng pagbabalita ay makakalimutan ng mga OFW ang pagkait nya ng katarungan sa mga kapwa OFW na nagreklamo laban kay Musa at Villafuerte na mga manyakis nyang mga tauhan.Akala siguro ni Baldoz na sa pamagitan ng pagpress release nila ay matatabunan ang katotohanan tungkol sa pagkaabusado ng kanyang mga tauhan dito katulad nina Padaen, Madrid at Garduce na ang alam lamang ay ang pangharass sa mga ofws na pumupunta sa kanilang opisina at ang pagpapakulong ng OFW dahil kinampihan ng POLO ang abusadong employer.

Mga Reklamo Natin na Dinedma lamang ng Gobyerno

  1. Video: OFW Mendoza, isang simpleng labor case, nakulong ng walong buwan dahil sa mga pabayang POLO Al khobar, lalo na itong si Rene Garduce. http://www.youtube.com/watch?v=wT9-wz-EFg0&index=2&list=PLh2JRaDuKMrFS4uyWPrfXlqS0HyDISGDK
  2. Sa hindi natin alam na dahilan, sa halip na parusahan ay inilipat si Rene Garduce, sa POLO Jeddah. Kabago-bago nya pa lang sa Jeddah ay gumawa na naman ng kaparehong kapalpakan. https://drive.google.com/file/d/0B__Nx54o3zwaSEdWbUJJV0VzWG8/edit?usp=sharing
  3. Video: “Harrasment sa loob ng POLO Al Khobar” – OFWs Speak – Jorge Terrenal and John de la Cruz Part 2 – http://www.youtube.com/watch?v=EFCaz6EHa3U
  4. Video: OFWs Speak Jorge Terrenal and John de la Cruz (Dammam) Part 1 – http://www.youtube.com/watch?v=_QIhrPu5ts8

Tama na purihin ang taga POLO na naging instrumento ng pagkapanalo ng kaso ng OFW. Ang dapat bibigyan ng credit sa kanilang press release ay si Benjie Bajunaid, ang local hire translator. Katulad ng lahat ng local hires ng POLO, sya rin ay naabuso ang karapatan bilang manggagawa.Kung inyo pang matatandaan ipinaglaban din natin ang karapatan ng mga local hire ng POLO dahil sila din ay mga pinagkaitan din ng karapatan bilang manggagawa sa Gitnang Silangan. Ang nakakalungkot ay gobyerno mismo ng Pilipinas ang nang-aabuso sa mga local hire nila.

Ang Pakipaglaban natin para sa mga Local Hire ng POLO

  1. The Local Hires of POLO Still Deprived of their Rights – http://patnubay.org/?p=4916
  2. PH labor agency neglects own workers overseas – http://patnubay.org/?p=5480
  3. Patnubay Leaks: Empleyado ng POLO Riyadh sa loob ng 19 taon, namatay, walang tulong mula sa gobyernong Pilipinas – http://patnubay.org/?p=8977

Bobo at politiko na mag-isip si Baldoz akala nya na kung may isang good news ay makakalimutan ng mga OFWs ang kapalapakan nya at ng mga tauhan nya. Nakakatawa at matandang babae pa ang protektor ng mga abusado.

Madam Secretary, ang sasama ng mga budhi nyo. Wala kayong mga konsensya, Pakapalan na ang inyong mga mukha. Wala kayong takot sa Diyos. Di kayo natatakot sa napakaraming OFW na magdadasal laban sa inyo.Dapat sana sa edad nyo na yan, magpakabuti na kayo dahil ang buhay dito sa mundong ibabaw ay panandalian lamang. Ang lahat ng mga ginagawa nyo at pagtatapak ng kapwa ay may kapalit yan sa kabilang buhay.  Kaya sana gumawa naman kayo ng kabutihan puro lang kademonyohan ang ginagawa nyo.

See also

Baldoz Protektor ng mga Abusadong POLO Officials at this link

http://patnubay.org/?p=10525

Drafted by Tasio EspirituFor HAGIT, Patnubay Online and Patnubay.org

First posted in https://www.facebook.com/notes/patnubay-online

Share this: