Success Story – Case Closure: Aslamia – Maltreated HSW
First posted in Facebook.com/PatnubayOnline
Ang pasasalamat at papuri ay ukol lamang sa Nag-iisang Tagapaglikha sa pagbibigay sa atin ng tulong, gabay at tamang mga tao para makamit ang hustisya at katarungan para sa isang naapi.
Tagumpay na naipaglaban ng ating embahada ang karapatan ni Aslamia, isang kasambahay sa Saudi. na minaltrato ng kanyang amo (anak ng kanyang sponsor) sa loob ng apat na taon. Nagpatong-patong na scars at at napatungan pa ng mga mga sugat ng una nating makita si Aslamia sa Shumeisy Hospital. Maliban doon ay apat na taon din na hindi sinahuran si Aslamia.
July 2014, Narescue si Aslamia ng Saudi Police nang dalhin ito ng asawa ng kanyang amo sa Riyadh mula sa Eastern province. Hindi pwedeng ipagamot si Aslamia sa Eastern province dahil ang kanyang tunay na sponsor na magulang ng kanyang amo ay nandito sa Riyadh.. Nakalusot sila sa mga checkpoint dahil pinatago si Aslamia kung may checkpoint na madadaanan.
Nang dumating sa Riyadh ay dinala kaagad sa Dallah Hospital. Nang makita ng Dallah Hospital na kaduda-duda ang mga sugat ay tumawag ito ng police. Dinala si Aslamia sa Shumeisy hospital para doon ipagamot ng libre. Kumalat ang pictures ni Aslamia sa Facebook. Binisita sya ng ating embassy at POLO. Tayo rin ay nakabisita sa kanya. Ang nagmonitor kay Aslamia ay ang kanyang mga pinsan at asawa ng isa sa mga pinsan ni si bro sam cataluna.
Ayon kay Aslam, mabait daw kanyang sponsor sa riyadh at since sila ang sponsor, dapat sa kanila magwork si Aslamia. Hindi sana sya nasaktan sa loob ng apat na taon, nakatanggap sana sya ng sahod at nakapagcommunicate sana sya sa kanyang family. Kaso ang anak nito sa Eastern province ang naging amo nya. Yon ang nananakit, yon ang hindi nagpapasahod at kinukulong pa sya sa kwarto.
Pagkatapos ng gamutan ay dinala si Aslamia sa Bahay Kalinga. Nakipagnegotiate ang kanyang employer at nangako na bayaran ang lahat ng sahod ni Aslamia at maging ticket nito. Sa assistance ng ating embahada, nabayaran si Aslamia ng 60thousand Saudi Riyals. (Around 700thousand pesos).
Ang sahod ni Aslamia sa kanyang contract nang dumating sya noong 2010 ay 800SAR lamang. Yong 60 thousand SAR ay sobra na kung pagsamasamahin na sahod na 800SAR.. Maaring sa damages yong sobra or maaring sinunod yong computation na 1500SAR per month (short of four months). Whatever, this is a success dahil umuwi si Aslamia na dala ang kanyang pinaghirapan.
Tinanong namin si Aslamia kung ang matagal ba na proceso ang dahilan kung bakit ayaw nyang magkaso.. Ang rason ni Aslamia, ay nakiusap naman yong sponsor nya na patawarin na lang yong anak nila na amo ni Aslamia. Pangalawa ayaw din ni Aslamia na makulong yong amo nya dahil alam nya ang hirap kung makulong dahil sya mismo ay kinulong ng abusadong amo na yon. Pangatlo, may maliliit pa na mga anak ang kanyang amo. Wala daw mag-aalaga sa kanila kung makukulong ito. Dagdag ni Aslamia, kung ano man ang kasalanan ng amo nya sa kanya ay ang Allah na lang daw ang bahala.
Nakauwi si Aslamia sa Pilipinas noong November 5, 2014 at kapiling nya ngayon ang kanyang pamilya.
Uulitin po namin, Ang pasasalamat at papuri ay sa ating Tagpaglikha, sa kanyang pagbigay ng mga taong tumulong na matupad ang hustisya na kahilingan ni Aslamia. Sa ating embahada, sa POLO, sa mga pinsan ni Alsamia, sa mga Nurses ng Dallah at Shumeisy Hospital, sa mga kasamahan sa Patnubay at sa lahat ng mga taong nagdarasal para kay Aslamia.
Mabuhay po kayo!
Abu Bakr
Patnubay Riyadh
Patnubay Email Thread Archive
Original Subject Line: Re: Request for Updates: Case of Aslamia Abdulgafur Dangalan – Maltreated HSW .. sa loob ng apat na taon ay wala pang sahod
2014-10-25 9:10 GMT+03:00 Joseph Henry Espiritu :
Dear Amba Tago and all,
Saam sirs,
Last Wednesday, I received a call from Aslamia and her cousins.
ito yong nairelay ni Aslamia sa amin na message
1. tinawagan daw sya ng kanyang employer para magbayad na at mag-prepare ng kanyang panticket
2. pero sinabihan daw ang employer ng officer ng taga-embassy na doon sa police station ibigay ang pera or ticket.
I told Aslamia nag mag-inquire kami sa embassy.. at pinaliwanagan ko na rin sya kung ano reason at ano ang mga pwedeng gagawin.
1. i told her, na ang case nya ay may record na sa police station, dahil ang police mismo ang nagrecommend sa kanya sa shumeisy hospital nang nagrescue sya from dallah hospital kung saan sya unang dinala ng amo.
2. i told her na ang embassy ay naging aware lang sa kanyang case nang nasa shumeisy hospital na sya, nang may nurse na nagpost ng kanyang larawan sa fb (see attached)..
3. i told her na since ang police ang unang nakaalam, sigurado na may record ito sa police station. kaya yon siguro ang paliwanag ng embassy officer na papuntahin sa police ang kanyang employer.
Tungkol sa kanyang claims sa kanyang amo. ito naman ang sabi ni Aslamia
1. nang magkausap sila ng kanyang amo, willing daw syang bayaran sa lahat ng sahod sa buong four (4) years na hindi sya sinahuran.
2. pero hindi na daw sya gustong magfile pa ng kaso dahil gusto nya nang umuwi sa pinas.
Pinaliwanag namin kay Aslamia
1. na maganda kung sa police station mangyayari ang usapan ng pera, magkapirmahan at dapat andun ang taga embassy para mag-interpret at maipaglaban sya kung sakali may hindi nakakabuti sa kanya. maganda yong may representation from philippine goverment and saudi government.
2. pinag-usapan din namin kung ano ang masunod na computation 1500sar (400USD) per month na nakasaad sa batas or ang 800SAR per month na nakasaad sa kanyang contract? Ang sagot namin ni Aslamia ay ipaglalaban natin ang 1500SAR per month, pero if mahirapan ang employer then maaring magsettle na lang sa 800SAR per month na nakasaad sa kanyang contract ng dumating sya dito 4 years ago. Note 4 years din itong walang sahod si Aslamia at four years na hindi nakauwi.. nahanap lang ito ng mga kamag-anak nang nasa shumeisy hospital na sya. maraming sugat nakapaatong sa mga peklat ng mga dating sugat.
3. kailangan din mabrought up yong mga damages, katulad ng pagkaroon ng mga scars at sugat.. which nagcauase sa kanya ng trauma at maaring di sya makapag-asawa.. so maaring magdagdag ng specific amount ang employer for emotional compensation at another specific amount for material compensation equivalent to standard dowry sa atin.
Our Requests
1. mapadali ang pag-uwi ni Aslamia gusto dahil gusto nyang makikita ang kanyang pamilya.
2. dapat makuha ang buong sahod na four years.. at mairequest sa family na bayaran ang mga damages.
3. sundin ang kahilingan ni aslamia na hindi na magkaso. pero hindi sya magbigay ng tanazul kung di matanggap lahat ng dapat nyang matatanggap.
4. takot daw ang employer sa police.. kaya madali ito sa embahada na magawan ng paraan na makuha ang mga kahilingan ng Aslamia.. yong sahod at compensation sa mga damages.
5. maaring pagusapan ito out of police station initially at ang final stage ay doon na sa police station kasama si aslamia, kasama ang embassy at amo.. then ang bayad nila then ang tanazul ni aslamia.
6. we need updates from the embassy side about her case. dahil sa ngayon ang narinig lang namin ay yong sa side ni aslamia.
Thank you so much po sir and May Allah bless us always
joseph
2014-09-07 9:08 GMT+03:00 Joseph Henry Espiritu :
Updates on our part
Last friday (September 5, 2014), nakaschedule ang pagkikita nina Aslamia sa kanyang mga relatives. Ang unang usapan ay sa embassy daw sila magmeet dahil di pwede sa bahay kalinga. at ihahatid lang daw si Aslamia sa Embassy..
Pumunta yong mga kaanak pero nang nasa embassy na sila. ang sabi naman ay walang sasakyan ang BK para maghatid kay Aslamia..So pinayohan sila na doon na lang daw sa BK magkita.
Nang nasa bahay kalinga na sila, hindi naman sila papasokin or kahit buksan man lang. Ini-request ng mga kaanak ni Aslamia na kahit sa gate na lang makita lang nila si Aslamia at maiabot ang dala nila para kay Aslamia. Di din daw pwede.
So we texted Amba and Labatt Resty.. nakiusap din si Sam sa taga comsofil para mairelay sa POLO na kahit sa gate ay mabuksan man lang, maiabot ang dala nila kay Aslami at makikita nila si Aslamia.
Nakausap ko rin si Ms. Deng at ang sabi ay wala na sya sa Bahay kalinga. binigay nya sa akin ang number ni Ms. Cristy ang icharged sa kalinga. Nang makausap ko si Cristy ay sinabi na pagbubuksan nya na dahil tumawag na daw sa kanya si Mr. Chupapa.. sabi ni sam assistant labatt daw ito.
Ang sa akin lang ay katulad ng request namin sa mga naunang email. Tratohin nyo pong special ang case ni Aslamia. kumpara sa mga tumakas lamang.. Apat na taon itong nawalay sa pamilya ang mga kaanak.. apat na taon na nagtrabaho na walang sahod. at yong mga sugat nya sa kanyang katawan ay nagpatong-patong na. yong scar na luman napatungan ng bagong scar, napatungan ng sugat pa.
Katulad sa nangyari noong friday, nakaschedule na yong mga relatives. Take note na Friday yon.. dapat nasa masjid sila palagi sa araw na yon. pero para kay Aslamia ay sinakripisyo nila ang kanilang day-off. Mula embassy, naliligaw pa para mahanap ang BK. then two hours pang naghihintay doon sa labas ng bk .. sa ilalim ng init ng araw. mula ala -una hanggang alas tres. hanggang sila ay mapayagan na makapasok at makausap si Aslamia.
Request for updates from ATN.
Also, mag-inquire sana kami kung ano na ang updates sa kanyang case. may mga nangyari po ba sa mga suggestions namin.
Maraming salamat.
Joseph
2014-08-29 23:18 GMT+03:00 Joseph Henry Espiritu :
Dear Amba Tago and Labatt Resty.
Salam sir. We hope that you will grant request of the families and relatives of Aslamia to visit her in Bahay Kalinga..
Special case kasi itong kay Aslamia kumpara sa iba.
Sya po yong pinalo ng martilyo sa ulo, mga braso, kamay at paa ng abusadong amo.
Jazak Allah Khair
joseh
2014-08-28 19:34 GMT+03:00 Sam Cataluna :
SIR:
On behalf of Aslamiya’s relatives, I would like to request your good offices to please grant us to visit Aslamiya Abdulgapor Dangalan at the Filipino Workers Resource Center (Bahay Kalinga).
Looking forward for your great kindness.
Respectfully yours,
Samson D. Cataluña
From: Joseph Henry Espiritu
Date: 2014-08-19 10:38 GMT+03:00
Subject: For Amba Tago and Labatt Resty: Aslamia – Maltreated HSW confined in Shumeisy Hospital now in bahay kalinga
Dear Amba Tago and Labatt Resty
Salam sirs,
Roland and I visited Aslamia last August 9, 2014 sa ward 300B sa Al Shumeisy Hospital. Ito po ang nakuha namin na information
Backgrounder nga based sa aming pagbisita ..at pakipagusap kay aslami at kanyang pinsan
1. Ang kafil nya ay taga-riyadh pero ang employer nya ay nasa Dammam na anak ng kafil nya.
2. Four (4) years nang nagtrabaho si Aslamia sa kanila at sa loob ng four years ay dalawang (beses) lang daw syang nakatanggap ng sahod.
3. Palagi daw syang sinasaktan ng kaniyang employer sa dammam. Sirs, if you will check her makikita mo na may mga scars sya na matagal ng naghilom. makikita mo na na yong mga sugat sa kanyang braso, hita at paa, ang mga sugat na naghilom ay alam mo na hindi yon sabay-sabay. kumbaga nagpatongpatong.. yong dating mga sugat ay napatungan ng panibago.
4. Nang huli syang sinaktan (see picture), dinala daw sya ng asawa ng kanyang employer para dito ipapagamot sa Riyadh. Sa bawat checkpoint daw ay pinatago sya para hindi makita yong sugat. (see attached pictures). Pinukpok ng martilyo sa Ulo, kamay, braso, hita at paa.
5. Dinala sya sa Dallah hospital.. yong dallah hospital na ang tumawag ng police at dinala si aslamia sa al shumeisy hospital.
6. Hindi pa magkapagsalita si aslamia ng time na yon so hindi pa sya nakunan ng complete statement sa police.
7. Thanks sa mga facebook netizens at naipost ang kalagayan ni aslamia, at nalaman ito ng kanyang mga kamag-anak na bumisita sa kanya
8. Bumisita din ang polo at atn sa kanya.
9. Bumista din ang kanyang employoer na babae, at ang alibi ay nadisgrasya daw sa motor.kaya ingat ang shumeisy hospital sa mga bibisita kay aslamia at kailangan iconfirm muna kung kakilal or hindi.
10. Few days ago bumisita daw ang kafil ni aslamia at nangako sa kanya na lahat ng sahod ay ibibigay.
11. kinuha sya ng polo kahapon at nasa bahay kalinga na ngayon. Kaso naiwan ang mga gamot ni aslamia sa hospital
12. kukunin ng kanyang pinsan na lalaki ang mga gamot at dadalhin ito sa kalinga.
note: may video kami dito sa pagbisita namin. naghilom na ng kunti ang sugat ni aslamia kumpara sa mga sugat na nasa pictures na binigay ng kanyang pinsan sa amin. pero sa video, makikita mo pa rin ang sugat nangpatong patong na.
Requests
1. Please allow the cousin na maghatid ng gamot, to see aslamia at maibigay ang kanyang gamot.
2. Amba and Labatt sirs, i hope matutukan nyo it at hindi ito iasa kung sinong welfare officer lang.
here are our suggestions
a. ayaw ni aslamia magfile ng kaso dahil gusto nya nang umuwi.
b. pero gusto nya makuha nya ang kanyang sahod sa loob ng apat na taon
3. Madali lang po ito, kung ang kafil mismo ang kakausapin nyo at hindi yong anak na nananakit sa kanya. Pinagtrabahoan ni Aslamia ang apat na taon. dapat lamang makuha nya ang kanyang sahod.. Otherwise, para rin na walang natulong ang embassy or polo sa kanya.. para lamang pumunta sya dito para magpa-alipin sa loob ng apat na taon, sasaktan palagi at pukupokin pa ng martilyo.
4. Kausapin din ang kafil, na the embassy is aware sa pananakit na ginawa ng kanyang anak (employer) based sa salaysay ni Aslamia. kaya if pwede mabayaran ang physical damages at moral damages na natamo ni Aslamia. it should be fixed amount
5. malaking pamilya daw itong kafil at mayaman. so hindi po mahirap itong pakiusapan ng maayos pero dapat high level ito at hindi yong mga welfare officer lamang lalo na katulad ni pablo or katulad ni ruth daza.
6. sa ganyang paraan, makauwi si aslamia sa pinakamadaling paraan, mabayaran ang sahod na dapat na pinagtrabahoan nya, mabayaran ang mga damages na natamo nya dahil sa malupit na anak ng kafil
Ito lang po muna and May Allah (SWT) bless us all always
joseph
2014-07-25 0:00 GMT+03:00 Ezzedin Tago :
Joseph,
We received information on this, and POLO/ATN have gone to the hospital the other day.
Ezzedin
On Jul 24, 2014, at 9:46 PM, Joseph Henry Espiritu wrote:
Salam sirs, we receive this information in patnubay online
Mhen D. Malang
Jul 23rd, 6:30am
Salam po mahl naming patnubay kayo lang po ang aming malapitan sa sinapit na ating kbabayang muslima..humihingi po kme ng tulong sa inyo pra matulongan itong bata na ito na binuhusan ng kanyan amo ng mainit na tubig,,
Mhen D. Malang
Jul 23rd, 6:31am
Patnubay Online
Sent by Pantaleon Villegas
Jul 23rd, 12:15pm
wa alaikumu mu salam. may mga direkta ba kayong kapamilya nya na maaring lumapit sa amin. kung nasa shumesy sya ngayon malamang hawak na sya ng embahada, or nang ibang grupo. ayaw kasi naming pagsabihan na nakisawsaw..
Mhen D. Malang
Jul 23rd, 12:18pm
Wala pa po kc kagabi palang po cya dila jan sa shumesy my pwdi po ba matawagan syo kc yong kmag anak nya na nag tararabaho sa bahay pupunthan po xa mamayang hapun para patawagin kopo cila sa inyo..
Patnubay Online
Sent by Pantaleon Villegas
Jul 23rd, 12:23pm
anong room sa shumeisy sya mhen?
Patnubay Online
Sent by Pantaleon Villegas
Jul 23rd, 12:23pm
at anong name nya..
Patnubay Online
Sent by Pantaleon Villegas
Jul 23rd, 12:23pm
sino ang nagdala sa kanya sa shumeisy at sa naunang hospital.
Mhen D. Malang
Jul 23rd, 12:25pm
Jn po sa photo n send q sa inyo po..sir di kupo alam kc nag post lng cla sa fb kya ito po patnubay kagad naisip kp kc muslim po xa sir nkaka awa nman po xa lalo na ramadan nagyon kawawa nman po xa.
Mhen D. Malang
Jul 23rd, 12:26pm
Bka mywdi po matawagN sa inyo bigay ko sa knila para mka pagnusap po kyo nung kmag anal nya na dadalaw sa knya..sbhin kulang na di nila pamigay..
Patnubay Online
Sent by Pantaleon Villegas
Jul 24th, 4:26pm
we will find a way to visit her .. just remind us tomorrow.
Mhen D. Malang
Jul 24th, 4:27pm
Ok sir sa shumeisy po sir mraming maraming slmat po sir..
Mhen D. Malang
Jul 24th, 7:14pm
Gud evning sir ito po yong number nung tita nya..05xxxxxx
FB Comments
Janet Fernandez
Good job po Patnubay Online sana marami p kyong matulungan na mga kababayan nting nangangailangan.Tnx God may mga katulad ninyo na handang tumulong sa mga ofw na minamaltrato.Yung dapat sanang tutulong sa mga ofw ay hindi kumikilos kung d ninyo pa ipush sa kanila ang nangyayari ..sa ofw naapi…pano n lng kung wala kyo napakalaking tulong ninyo po saming ofw Mabuhay po kyo
Vhikkie Dee
alhamdulilha GOD is good talaga at my ginamit syang mga alagad na wlang sawang tumulong sa mga naapi praise GOD at GODBLES po at more more power patnubay groups
Renie Bhads Paja
Nakaka proud talga ang Patnubay, sana kayo nlang po naka upo sa POLO.
Christopher Cardoza Ebisa
JOB WELL DONE. MABUHAY PO KAYONG LAHAT!
Lean Baculfo
Salote ako sau
Ashadieqah Manguda mashaallah!!
alhamdulillah!!
nakaka proud yung mga kabayan nating tumulong sa kanya at yung mga nagtatanung sa kanya nung nasa hospital pa xa
allaho akbar!!
Alexandra Eiram
in GOD we praise….
Leonora Libutan Wooow PRAISE GOD…
Congratulations job well done…
God bless po…
Justine Keisa Alejandrino Santiago
Salute u patnubay…….
Zdnerb Batu Evangelista
thanks god……
Jennifer Gulariza ..
alhamdullilah…
Aurea Gusman Durante
Congratulations Patnubay Online !!!! Job well done . God Bless
Nomde Inibam
More power patnubay,,,.
at kay aslamia bless you more napakatibay ng loob mo,
Jhenmar Pulua Alhamdulillah
Ibrahim F. Mendoza
alhamdulillah!!!!!
Althea Ecarg Sotneirrab
god bles po sa lhat ng tumulong…
Dax Ace Penaredondo
Thumbs up..
Flor Ilayat
thanks god lahat na yn dmo pnbyaan c kbyan..
Cristina G Lim
Mabuhay
Elena Balonga
Wow, God bless sa tumulong at tinulungan guys, ,,:-D
Mhods Abdulgapor
Salamat sa lahat tumolong sa knya nsa pinas na xa oke na xa at salamat sa mga tulong ng patnubay
Maribeth Tugade
congrats kabayan..God is Good…im happy for u!
Almira Cortez Beltran
slamt po s PANGIN0ON,GUMAGAMT NG MGA SANGKAP ,UPANG PA2LOY N IPAGKALO0B ANG BIYAYA.
MABUHAY PO KYO MGA KAPATD!
Gatsby Amsalim Hussain
Alhamdulilah.
Betchay Ros Pelayo
SUS PAANO NAMAN YONG MAGING KAPALIT NYAN. DAPAT IPAKULONG PARA MAG KAUTAK DIN AT MARARAMDAMAN-KUNG ANO ANG NARANASAN MO.
Patnubay Online
hi betchay hindi naitn pwedeng panghimasukan ang kagustohan ng tao. if gusto nyang magpatawad at pinaliwnag na namin ang kanyang rason. mas malaking biyaya yon. pinablacklist na rin natin ang employer na di na makahire ng katulong pa. maging ang magulan nya na sponsor ni aslamia.
Betchay Ros Pelayo
sabagay kabayan,,pero wala man lang limit sa comment kung hindi naman below the belt …kasi kung sakaling makahuha yan ng kapalit,,kawawa naman,,buti buhay pa sya,,nakaalis sa anak ng amo nya..paano yong kapalit nya,,sana di na matulad nya..sana..
Akoh Si Eliezer
Grabe ang pinagdaanan ni Aslamia, pero sa kabila ng lahat na paghihirap niya sa malupit nitong AMO, nakuha parin niyang patawarin ito. Tama din naman yung naging desisyon niya na patawarin nalang basta ang importante ligtas siya at matagumpay siyang na…See More
Amie Igao
Congrats patnubay