
Patnubay Leaks: OFW Ronaldo Jaime Story Part 2
Ronaldo Jaime
11/10, 5:52am
Good morning Kuya Joseph. Ok na raw check ko sa OWWA pwede na kunin. Binalatohan ako ng OWWA ng tumataginting na 5,000 Pesos. Nakakatawa. Halos ni reimburse lang nagastos ko sa pag process ng claims at documento. Buti hindi sa Manila ako nag claim kundi lugi pa ako.
Abu Bakr Espiritu
ang layo ng 32000 SAR ng GOSI sa 5000 PhP ng OWWA. sa sunday natin ito ipost sa patnubay nald.
Ronaldo Jaime
Sabihin na natin OWWA is for assistance hindi sila insurance. Pero in terms of welfare ng mga OFW parang di naman yata tama na marami sila hiningi requirements in the end barya lang pala ibibigay sa iyo. Binabantayan ko rin sir yung SSS.
Up to now wla na ako narinig sa kanila.
Magkano ibinigay sa akin 5K. Kalahating paa ang nawala panghabambuhay at permanente na ito. Makakahanap pa ba ako trabaho abroad in case magresign ako. Hindi na. Mahirap na.
Ronaldo Jaime
Meron pa isa sir. May Balik Pinas program ang OWWA alam ba natin kung sino qualified at recepient nito. Hindi kaya palakasan system din ito.
Ayaw natin magduda. Kaya ako nagprocess ng claims sa OWWA dahil puno ako ng Pag asa na matutulungan nila ako at may pagbabago sa sistema.Napalitan yung Pag asa na yun ng awa. Kawawa pala talaga tayo mga OFW. Gatasan lang talaga tayo.
Abu Bakr Espiritu
sa totoo lang may ilalabas pa kami about owwa. itong palagi nilang sinasabi na makaavail ng loan ang ofw.. hindi yan totoo.. iexpose natin mamaya yan. then yong sa yo ay sa sunday.
Notes and Backgrounder
1. Our apology sa graphics. It should be 32400sar instead of 32000sar. Hehehe kahit yong 400sar ay katapat na sa 5000pesos ng OWWA.
2. Nagkaroon si Ronald ng Work Related Accident noong 2013. Natapyas ang kanyang talampakan.. which libre itong inoperahan thru GOSI-OHB (Occupational Hazard Branch).. may kinuha ang nag-opera na balat at laman sa hita ronald para mabuo ulit ang kanyang talampakan. Maliban sa libre na operation ay nakakuha pa sya ng disability benefits na 32, 400 Saudi Riyals at patuloy na supply ng gamot for maintenance at checkup hanggang sa magheal ng tuloyan ang kanyang talampakann.
Related Link
Part 1 of OFW Ronaldo Jaime’s Story
Video of OFW Ronald Jaime
Additional Related Links
- KSA’s Social Insurance Law Explained
- KSA’s Cooperative Health Insurance Law Explained
- Ang Mga Karapatan ng Taong Nagkaroon ng Injury sa KSA
- Matrix-Work-Related-Injuries-or-Death-Compensation-per-Country
- A-Case-Study-for-Work-Related-Injuries-in-KSA
- GOSI Occupational Hazard Information
- Video Work Related Injuries