Gumising ka Juan!

Share this:

Gumising ka Juan!
By Florante Dag-on

Iskandalong kinasasangkotan politikong walang kahihiyan,
Pera ng sambayanan nilustay daw ng mga kinatatakutan,
Multi-bilyung nakalaan para kay juan,pinaghahatian daw ng iilan,
Totoo man o usap-usapan,Kailangan sagutin g ng mga kawatan,
Tinaguriang reyna ng kawatan,utak nga daw ng scam,
Proyektong pinaglalaanan blanko pala ang nilalaman,
Pelikulang scripted ni direk may action,comedy,at dramahan,

Saksing kasabwat ng himagsikan,tumindig para sa witness stand,
Buwayang may alam naghihintay lang sa tinig ni juan,
Tatlong itlog na nasa lugawan,todo deny ang bentang,
Sabi ni Simon,Pedro,Juan,ni sabaw ‘di daw nila natikman,
Sabaw na mainit pilit pinalalamig,kasabay ihip para di maipit,

Galit ng nasa bilibid , kapalit ay nakapiit sa perang napakaliit,
Tanung ng mga nakapiit, basta maliit, madaling iligpit?
Pinakataas na namunuan higpit na bilin managot ang may alam,
Tuwid na daan ng sambayanan,Kailangan daw madaanan,

Pondo ng maganda ang pamunuan apektado ang nasasakupan,
Imahing pinangangalagaan,tiwala ng bayan, boto’y sinayang,
Pamahalaang uusig sa mga kawatan kaya kayang maging patas ang laban,
Hustisyang bibitawan,nakapiring di pwedeng impluwensyahan,

Ordinaryung mamayan isipay naguguluhan; sino ba talaga boss ng bayan?
Namunuan sa nakaupo at malambot na upuan,o sambayanang gumagapang sa kahirapan,
Buhay nga naman parang pana panahon lang,bayang sinilanga’y sadlak sa kahirapan,
Bayaning lumaban para sa kalayaan,dangal ‘t panindiga’y, kasalukuya’y kinalimutan,

Mapa Brgy,tanod man o Brgy Chairman,ni singko sintimos may pakinabang,
Kasalukuyang sakit ni juan, madaliang lunas ang kinakailangan,
Kapit bahay sa bansang naka paligid lang,malayo ang agwat sa kasalukuyan,
Trahedyang pinagdadaanan sa nakalipas na buwan,lupit pa sa yolandang dumaan,
Giyera, lindol o korapsyun man ordinaryung juan ay dapat magtulungan,
Target na buwis sa kasalukuyan kailangan makamtam daw ng pamahalaan,
Tanung ng iilan?siguro kayang mapunta ito sa sambayanang nangangailangan,
Philhealth nga ni kabayan tinaasan na naman,makatarungan kaya ito kabayan!
O di kaya’y mapunta naman ito sa naglalakihang bonus sa paskong ina asam-asam,

Panawagan ni kabayan,proteksyo’t kaparapatan sana’y mapangalagaan,
Ambag na kita ni kabayan dolyar ang palitan,ekonomiya’y pinagagaan,
Mapa America,Europa man o Gitnang silangan saklolo ay dapat tutukan,


— with Santos Adam at POEA,Davao City.

Share this: