REPORT: JULY 30, 2017 – MAJLIS DINNER AND DISCUSSION
WITH DOLE-ILAB, POEA, OWWA, POLO-RIYADH,
Patnubay – Riyadh and Affiliates
PAGASA – ARINGAY, CIASI (Samahang Ilocano), ANCOP SOCDEV, CFC, SOLD, HOLD
FOR TEN (10) IMPORTANT ISSUES CONCERNING THE OVERSEAS FILIPINO WORKERS IN KSA
(MUST READ)
Majlis Dinner and Discussion
July 30, 2017 @ Ka Jay Ebora’s Residence
1. Attendees
Host Group
- Patnubay – Riyadh and Affiliates
- PAGASA
- CIASI (Samahang Ilocano)
- ANCOP SOCDEV
- CFC
- SOLD
- HOLD
Visitors from GOs
- Atty Nasser Mustafa – Labor Attache, POLO Riyadh
- Atty Hernando B. Reyes – POEA Director, Anti-Illegal Recruitment Branch
- Atty Cesar Chavez – Former Labor Attache, POLO Kuwait (and Ass Labatt in Riyadh)
- Mr. Mario Antonio – Welfare Officer, OWWA Manila
- Mr. Edwynepole Divinagracia, DOLE -ILAB
- Mr. Jun Parcovirus, Welfare Officer, POLO Riyadh
2. Time: All attendees arrived before 7:00 pm
3. Dinner: Arabic food were served – Thanks to T2 Jay and Tita Delma Ebora and T2 Lito Dacanay for the sumptuous dinner.
4. Discussion started at around 7:30pm
- Kuya Pat Mabanta opened the discussion and introduced the host group to our visitors. Each one from Host Group introduced himself.
- Labatt Nasser Mustafa introduced our visitors and each one introduced himself.
- Abu Bakr Espiritu addressed the first issue for discussion
Issues Discussed
- Issue # 1 – Contract Information vs Visa information for OFWs bound to KSA
- Issue # 2 – Case of HSWs hired from kuwait or from nearby countries and were brought to KSA
- Issue # 3 – Involved the LGUs for easy access of OFW families (as stated in RA10022)
- Issue # 4 – Rapid Response for Police cases involving OFW specially the HSWs
- Issue # 5 – PDOS (Pre Deployment Orientation Seminar) and PAOS (Post Arrival Orientation Seminar)
- Issue # 6 – OFWs with falsified Certificate of Employment
- Issue # 7 – RA10022 Subsistence Allowance from Compulsory Insurance for OFWs involved in a case or under litigation
- Issue # 8 – HSWs transferring from one employer to another
- Issue # 9 – Do not advise the OFW to abscond / escape
- Issue #10 – Request Clarification from KSA Government for Expat Fees
Issue # 1 – Contract Information vs Visa information for OFWs bound to KSA
Sa daming steps for contract verification/validation starting from POLO, to Philippine Recruitment Agency, to POEA (before issuing OEC) until sa Beaureu of Immigration sa airport; Bakit nakalusot pa rin ang mga kontrata na iba ang pangalan ng amo/company or iba ang profession sa contract versus sa visa?
Ang sagot ni Atty Reyes ay pinayagan ng POEA na mangyayari ito dahil sa pagdating ng OFW sa abroad ay pwede naman daw magchange ng profession or employer ng visa kung hindi ito mabago within 30 days ay dapat magreklamo sa POEA.
Pinaliwanag ni Abu Bakr Espiritu na hindi applicable ang visa change sa Saudi Arabia. May striktong batas ang kaharian na kung sino ang sponsor at ano ang profession sa visa, ay yon ang dapat maging employer/company at maging profession pagdating dito. Hindi ito mapapalitan.
Dagdag pa nya na marami sa mga OFW na hindi nasunod ang contract ay nagkaso sa amo pero pagdating sa judge ay natalo dahil yong employer/company sa contract ay hindi naman ang totoong amo na kinasohan.
Ang contract na sana ay protection para sa OFW pagdating nya sa abroad. ay naging walang silbi at hindi magagamit para maipaglaban ang kanyang mga karapatan.
Pinaliwanag ni Labatt Mustafa ang kahalagahan ng magka-match na profession sa contract at sa iqama lalo na ngayon na napakastrict ng Saudi Council.
Dinagdagan din ito ng halimbawa ng mga kaso ng hindi tamang visa o hindi tamang contract.
Resolution: Sinabi ni Atty Reyes na dahil sa kanyang narinig sa atin ay dapat magkakaroon ng bagong resolusyon sa POEA na hindi na papayagan ang contract na hindi magkatugma sa visa para sa mga OFWs bound for KSA.
Dapat seryosohin ang pagbusisi ng contract vs visa,
1. simula sa POLO bago sila pumirma at magtatak ng “VERIFIED” sa contract,
2. sa recruitment agency bago maghire ng worker,
3. sa POEA bago sila mag-issue ng OEC,
4. hanggang sa staff ng Bureau of Immigration sa airport bago payagan ang worker na makaalis ng Pilipinas.
Note: 2012 pa nang magumpisang manawagan ang patnubay sa mga kinaukolan na bigyan ng solusyon ang issue na ito . heto ang link ng ating mga paliwanag noon baka gusto mong mabasa ito.
https://docs.google.com/document/d/1BoCqBACdOSMGMo7A455gUW8ATaR3IjFZ_9fJwpI1Vzk/edit?usp=sharing
Issue #2 – Case of HSWs hired from kuwait or from nearby countries..
Backgrounder. Mula ng nagkaroon ng bilateral labor agreement ang gobyerno natin at gobyerno ng Saudi Arabia, naging pahirapan sa mga Saudis ang pagkuha ng kasambahay na pinay at napakamahal pa. Kaya iilang saudi nationals ay doon sa kuwait kumuha ng kasambahay at ipinasok sa Saudi Arabia gamit ang Visit Visa na ma-expire in 3 months or 6 months maximum.
Ang ginagawa ng iilang amo ay bago ma-expire ang visit visa ay palalabasin ng KSA ang worker paara irenew ang visit visa. if marenew na ang visa ay pabalikin na sya sa KSA at magtrabaho ulit bilang kasambahay.
Kaso may mga employers na hinayaan nilang maexpire ang ang visit visa ng kasambahay. Hanggang sa aabot na ng mga taon ay di na nila mapauwi ang worker.
Maraming kaso ang patnubay na ganyan. Mayroon nang sa hospital na natagpuan ang kasambahay at paralisado na.. mayroon din nabuntisan at nanganak pa sa hospital ng KSA.
papano nangyari?
- sa kuwait wala tayong bilateral labor agreement.
- sa kuwait pwede ibenta ng amo ang worker sa ibang amo or sa ibang agency.
- sa kuwait pwede magwalk-in ang isang hsw sa agency at ang agency na bahala kakausap sa amo at ang agency na rin ang maghahanap ng bagong amo.
- sa kuwait pwede kukuha ang isang saudi ng worker sa isang agency. Sila yong mga saudis na may kaanak na kuwait.
ano ang mga dapat gawin?
dapat sa PDOS pa lamang ay mainform ang worker na kung sakali dadalhin sya sa ibang bansa ay ipaalam nya sa kanyang agency or utosan nya ang kanyang family na magsumbong sa poea, or owwa or dfa, or embassy or polo
kung legal na amo at bakasyon lamang then dapat mainform ang embassy sa bansa saan ang working visa ng HSW at sa bansa na nagbigay ng visit visa.
if ang intention ay hindi bakasyon kundi mamalagi sa saudi.. dapat dapat ma-inform ang worker na maari syang umuwi sa Pinas basta di pa maexpire ang 3 months or 6 months visit visa. Dumulog lamang sya sa embahada para marescue at mabigyan ng ticket.
Ayon kay Atty Cesar Chavez noong sya pa ang Labatt sa kuwait last year, kinausap nila ang Beaureu of Immigration ng Kuwait government na kung may HSW palabas ng Kuwait ay dapat magpaalam sa ating embassy. Maayos daw itong naimplement sa mga dumaan sa airport pero pero hindi doon sa mga nagtravel by land.
Resolution: This needs high level approach which our DOLE and the Ministry of labor ng bansang kuwait at saudi, ang ating DFA at ang Ministry of Foreign Affairs ng Kuwait at Saudi ay magkaroon ng formal na kasundoan. (note: hindi naging usapan na i-ban ang pagpadala ng kasambahay sa middle east).
Issue # 3 – Involve the LGUs for easy access of OFW families (as stated in RA10022) to file the complaints and request for assistance for family members who are in distress abroad
May mga kaso na kinakailangan ang formal na reklamo mula sa OFW. May mga OFW katulad ng mga HSW, na walang kakayahan makapagfile ng formal na reklamo. Kaya, ang kanyang pamilya sa Pilipinas ang pwedeng makapagfile ng formal complaint para sa kanya sa POEA, or OWWA or DFA.
Pinaliwanag natin na karamihan sa mga pamilya ng OFW ay mahihirapan pumunta sa Manila para makapagreklamo sa POEA, or OWWA or DFA. At kahit ang mga regional offices ay napakalayo pa rin para sa karamihang pamilya ng mga OFW. Marami sa mga pamilya ng mga OFW ay walang kakayahan financially para makapagtravel kahit sa pinakamalapit pa na regional offices.
Kaya nakiusap tayo na dapat ma-involve ang mga LGUs para tatanggap ng complaint o request for assistance mula sa mga pamilya ng OFWs at ang LGU na ang magforward sa POEA, DFA, or OWWA. Mas madali kung ang pamilya ng OFW ay sa munisipyo na ng kanilang bayan magreklamo at ang munisipyo na ang magforward ng complaint sa tanggapan ng POEA, DFA, or OWWA
Sinabi ni Atty Reyes, na sa RA10022 ay dapat involved talaga ang mga LGUs para tatanggap ng complaints ng mga OFW thru their families. Dapat may OFW Help Desk sa bawat munisipyo. Sa RA10022, kahit sa SEnA (Single Entry Approach) ng mga OFW na magreklamo laban sa agency ay maaring idulog sa munisipyo.
Sinabi ni Kuya Pat Mabanta na lahat ng mga bayan sa kanilang district sa La Union ay mayroon ng OFW Help Desk sa munisipyo pero sa kanya (Patnubay – PAGASA) naiforward ang mga kaso. Hindi sa POEA, OWWA o DFA.
Kinompirma ni Abu Bakr na karamihan sa LGUs ay walang OFW Help Desk at kung meron man katulad sa lugar nina kuya Pat MAbanta ay hindi naman sa POEA, OWWA or DFA ipapasa kundi sa aming mga NGO.
Resolution: kailangan ng sistema na dapat ang bawat munisipyo ay magkaroon ng OFW Help Desk at may direct communication sa POEA, DOLE, OWWA at DFA para ma-attend kaagad ang mga reklamo ng OFW.
Sinabi naman in Atty Reyes na may paparating sila na convention with DILG, POEA, DOLE, OWWA and DFA, sinisiguro nya na mai-raise ang issue na ito.
Issue # 4 – Rapid Response for Police cases involving OFW specially the HSWs
Nakiusap ang Patnubay kay Welof Mario Antonio at kay Atty Hernandez Reyes na kung ang inalapit na problema ng pamilya ng OFW sa OWWA or POEA ay police cases; katulad ng pananakit, rape, suicide, attempted suicide, theft, falsification of documents ay dapat isama sa kanilang padalhan ng email ay ang DFA-OUMWA, Embassy or Consulate ng bansang kinarooronan ng OFW, sa halip na sa POLO lamang.
Ganun din ang pakiusap namin ka Labatt Nasser Mustafa na kung makatannggap ang POLO ng police case ay dapat maiturn-over o makipagpartner sila sa Assistance to Nationals Section (ANS) ng Embahada.
Ito ay para maiwasan ang kadalasan nangyari noon sa mga dating mga POLO na ang isang police case ay natulog lamang sa kanilang tanggapan. Ang naging resulta ay matagal na natugonan ang problema ng OFW at lumala pa ang problema nang maiparating sa ANS.
Nakiusap din tayo kay Welof Mario Antonio at kay Atty Hernandez Reyes na kung maari na ang family ng OFW ay paggawan na rin ng written affidavit o request for assistance letter lalo na kung police case dahil malaki po ang maitutulong nito sa ating embassy or consulate or polo para matugonan kaagad ang problema.
Ito ay ginagawa ng Patnubay sa maraming cases; pinasulat namin ang pamilya ng OFW then pinatranslate namin ang sulat to arabic at ito ang dinadala namin sa police station, or emara or saan mang tanggapan ng gobyerno ng saudi arabia na makakatulong sa isang distressed OFW.
Resolution: Sumang-ayon ang lahat at sana ay maumpisahan ang ganitong approach. Dapat kung Police Case ay marelay kaagad sa DFA at sa ANS ng Embassy or Consulate. Malaking maitutulong ng written affidavit o request for assistance ng family para sa mabilisang pagtugon sa reklamo ng OFW, lalo na sa mga HSW. Pagdating ng sulat dito maari itong ipatranslate ng embahada o ng POLO at maipakita nila ito sa Police station para sa agarang pagrescue ng kababayan.
Addendum: Ang problema naman sa side ng embassy ay kung ang OFW na humingi ng saklolo ay nasa malayong lugar. Dahil, kailangan muna ng embassy na magrequest sa DFA OUMWA (Manila) ng travel permit at budget para makabiyahe ang kanilang ANS staff.
Hindi bibiyahe ang ANS staff kung walang approval ang DFA OUMWA dahil hindi daw nagrefund ang DFA OUMWA sa kanilang gastos kung magtravel sila na di pa approved ang travel permit at budget. Kaya kahit sa very urgent SOS, kung ang OFW ay nasa malayong lugar, kailangan hintayin ng embassy ang approval ng DFA OUMWA para sa travel permit at budget na aabot pa ng ilang linggo or minsan buwan.
Kaya nang bumisita si Usec Sheila Arreola ng DFA OUMWA sa Riyadh noong August 12, 2017, isa ito sa mga issues na naiparating natin sa kanya. Nangako naman si Usec na pabilisan ang sistema ng pag-approve ng travel permit at budget ng ANS staff na tutugon sa SOS ng OFW.
Issue # 5 – PDOS (Pre Deployment Orientation Seminar) and PAOS (Post Arrival Orientation Seminar)
Napag-usapan ang PDOS na dapat seryosohin.
- Dapat ang OFW mismo ang mag-attend at hindi proxy nya.
- Dapat wala na yong mga nagbibenta dyan na mas malaki pa ang oras kesa orientation seminar mismo.
- Hindi natin naisuggest na kung ang PDOS ng OFW ay isang araw, dapat ang mga tauhan ng gobyerno na ipapadala sa POLO or embassy or consulate; ay isang buwan magPDOS.
Excited naman ang lahat from GOs magexplain about PAOS proposal. kung saan paglapag ng OFW sa KSA ay dadaan sya ng orientation, kasama ang employer at ang recruitment agency. Ang embassy or polo ang magpapaliwanag sa rights and obligations ng bawat party. Sa paraan na ito ay macheck din kung tama ba na contract ang hawak ng worker.
Kung maipatupad ang PAOS, ay may malaking pagbabago kumpara nasanayan na sa pagdating ng HSW ay dadalhin sa holding room ng airport at doon sya maghihintay kung kailan sya susundoin ng amo at dalhin sa bahay. Dahilan kaya nagkaroon ng negative first impression ang kasambahay at sa unang araw pa lang ay gusto nang umuwi ng Pilipinas.
Sana maipatupad ng maayos ang PDOS at PAOS dahil siguradong maganda ang maging resulta para sa mga HSW.
Issue # 6 – OFWs with falsified Certificate of Employment
Backgrounder: Five years ago, nag-umpisa ang Saudi Council ng professionals na magbusisi ng mga Diploma at Transcript of Records. Marami ang nahuli na professionals na may pekeng school credentials.
Natigil nang pansamantala ang pagsita ng may mga na fake diploma at TOR noong 2013 amnesty kaya marami ang nagdesisyon na umuwi bago malaman ang fake nila na school credentials. Ang hatol lang noon ay makulong ng tatlong buwan o magbayad ng sampong libong riyals.
Taon 2014, naging mabusisi na ang mga recruitment agencies sa diploma at TOR. Ang akala ng mga recruitment agencies, ang busisihin lamang ay ang mga diploma at transcript of records. Pero nitong nagdaan na dalawang taon, isinama na ng Dataflow ang pagverify ng Certificate of Employment (COE) kung fake ba o hindi. Ang dataflow ang private company na binayaran ng Saudi Council para magbusisi sa mga dokumento ng mga workers.
Sa ngayon ang profession na may pinakamaraming kaso ng falsified COE ay ang ating mga nurses. Karamihan sa kanila ay nagclaim na ang recruitment agencies nila sa Pilipinas ang nagbago ng kanilang documents. Marami na ang nakulong at nahatulan ng isang taon na pagkakulong plus 10 thousand SAR na penalty. marami na rin ang na-deport.
Sinabi ni Atty Reyes na hindi lang nurses ang may problema sa COE dahil mayroon din Saudi Council of Engineers. Marami ang nagsabi na agency ang gumawa at hindi nila alam, at may nagsabi na alam nila.
Dagdag paliwanag naman ni Abu Bakr ang mga sumusunod.
- Sa mga kaso ng nurses na lumapit sa patnubay ay maganda ang resulta, acquitted at back to work at maayos na makakauwi at makakabalik ng Saudi Arabia.
- May kaso na nailapit sa patnubay na nakakulong na ang OFW pero nahabol natin sa korte, napawalang sala at back to work.
- May kaso din na nailapit sa atin nang may hatol na parusa na pero naihabol natin ang apela, napawalang sala, back to work at balak magkaso ngayon sa diwan mazalem for compensation sa kanyang pagkakulong na walang kasalanan.
- May mga pending cases tayo na naghintay pa ng police investigation, or sa prosecutor’s office or sa court hearings.. Pero naniwala tayo na katulad ng mga naunang kaso natin, sila ay mapapawalang sala at makakabalik sa trabaho.
Pinaliwanag natin na ang karamihang nakulong at nadeport ay yong mga lumapit sa polo or sa embassy dahil sa mga sumusunod na dahilan
POLO – Ang tugon ng POLO (mabuti na lamang at napalitan na ng mga staff ang karamihan) sa bawat ofw na lalapit sa kanila, na may problema sa COE ay:
- para silang prosecutor kung makapagtanong. Mabuti pa nga ang prosecutor dahil impartial pa, ang POLO ay kumbinsido na kung hindi ang OFW ang nagpeke ng COE ay alam nila na peke ang COE nila.
- Ang aksyon ng POLO na lalong nagpapahamak sa worker, katulad ng pagpadala ng sulat sa hospital / clinic na patawarin at pauwiin na lang ang worker. Hindi naisip ng mga taga-POLO na hindi ang hospital/clinic ang magdesisyon ng kapatawaran o paguwi kundi ang gobyerno ng Saudi Arabia.
- Bilang paghugas-kamay din ng ilang hospital / clinic, ang sulat na pinadala ng POLO na paghingi ng tawad ay kasamang nasubmit sa police investigation, prosecutors office investigation hanggang sa court hearings.
- Talo ang worker dahil kahit sinong investigating agency na makakabasa ng sulat mula sa POLO (na may embassy seal natin) na may paghingi ng tawad para sa isang accused; ay guilty na kaagad ang nasa isip nila.
Ang POLO (mabuti na lamang at napalitan na ng mga bago ang karamihan) ay walang respeto sa country team approach.
Pinatulog lang nila ang kaso sa tanggapan nila. Alam naman nila na ang problema ng fake COE ay hindi labor case, kundi ito ay police case na dapat Assistance to Nationals Section (ANS) ng embassy ang hahawak.
Embassy – ang problema naman sa embassy ay masyadong late na ang aksyon.
- Una, dahil late na rin naiforward ng POLO ang kaso sa kanila.
- May mga instances din na ang embassy sa halip na hawakan ang kaso ay sila pa ang nagforward ng case sa POLO. Kaya naging vicious cycle at walang naging solusyon sa problema
- Pangalawa, ang napakatagal na magapprove na DFA OUMWA sa travel permit at budget para makabiyahe ang staff ng ANS ng embassy.
- Kaya maraming beses talo ang OFW. Dahil wala silang Filipino Translators nang magkaroon ng investigations at hearings.
Ang resulta ay nahatulan ng guilty, hindi nakapag-apela, nakulong at magbabayad ng penalty, madideport at di na makakabalik pa sa saudi at sa iba pang bansa sa GCC.
Kawawang OFW, nagdusa sa kulongan, ang pamilya sa Pilipinas ay nagdurusa din. Sira na ang career at sira na ang future para makapagtrabaho sa Middle East.
Why we need to help the OFW and punish the recruitment agency?
Busihin natin ang pinaka-common scenario sa mga kaso ng Falsified COE
- Ang applicant ay gustong mag-abroad at makatulong sa pamilya
- Ang recruitment agency ay gustong makahire ng worker para sa kanilang business.
- Ang agency maghahanap ng paraan para makahire ng worker para sa employer/company na maliit ang sahod mai-offer.
- Ang applicant na mayroong mahabang experience ay di tatanggap ng maliit na sahod
- Kaya ang agency ay nang-akit ng mga applicants na mga wala masyadong experience at tatanggap ng maliit na sahod.
- Kaya kahit ngayon makakakita ka pa ng ads ng agency na nakasulat “Hiring nurses for KSA, with or without two years experience”.
- Binago ng agency ang COE sa pag-akala na hindi ito busisihin ng gobyerno ng KSA. Mayroong COE na years of experience lang ang binago at may binago talaga ang lahat!
- Kumita ang agency
- Ang employer ay nagkaroon ng worker na mababa ang sahod.
- Ang worker ay natuloy sa abroad at kumita at nagpadala sa family
- Kung kailan patapos na ang contract ng worker ay doon pa nalaman na may problema sa COE.
- Marami sa mga OFW ay nalaman lamang nila na may binago ang agency sa COE nang makatanggap na ng sila ng sulat mula sa MOH or Saudi Council.
Kadalasan na result sa investigation report sa police station at prosecutors office ay hindi ang worker ang nagfake pero alam ng worker na pineke ng agency ang kanyang COE. Ang result sa investigation sa police at sa prosecutor ay ito naman ang pagbabasehan ng judge at ang hatol “sa alam ng akusado na pineke ang kanyang COE” ay isang taon na kulong at 10thousand sar na penalty.
May iilan na sa mga nahatulan ay umamin na alam nila na pineke ng agency ang kanilang COE. Tumuloy sila sa abroad dahil pinangakohan sila ng agency na walang magiging problema. Pero karamihan sa workers ay nanindigan na di nila alam pero nahatulan pa rin, yon ay dahil may letter ang POLO sa company na paghingi ng tawad para sa workers.. at dahil wala silang translator.
Sabihin man natin na alam ng worker na pineke ng agency ang kanilang COE.
- Tama ba na magdurusa siya ng isang taon sa kulongan dahil sa alam nya lang?
- Tama ba na magbabayad siya ng sampung libong riyal pa dahil alam nya lang?
- Tama ba na ganun ang parusa sa kanya dahil alam nya lang?
Hindi tama.. pero yon ang parusa dito para sa falsification ng documents na sinumete para makapasok ng kaharian at makapagtrabaho.
Maliban sa labis na parusa ay hindi na makapag-apply ulit ang worker sa KSA or saan mang bansa sa GCC or maaring sa ibang bansa pa kung may record sya na nakulong dahil sa falsified COE.
Sira ang buhay ng worker, at ng pamilya nya. sira na ang career nya dahil sa kasalanan na “alam nya” lang. Habang ang agency na ugat ng lahat ay hindi naman naparusahan.
Uulitin ko halos lahat ng workers na may kasong fake COE ay hindi nila alam na binago ang kanilang COE. Ang kailangan nila ay suporta ng ating gobyerno para maipagtanggol nila ang sarili at masabi nila sa investigation ng maayos na hindi nila alam.
Kaso dahil sa letter ng POLO na humingi ng tawad at dahil sa kawalan ng translator marami ang nakulong, nadeport, nasira ang plano para sa sarili at sa pamilya, sira ang carreer. nasira ang future.
Mali ang ginawa ng POLO at may pagkukulang ang ating embahada.. Dapat sa POLO sa halip na pabagsakin ang morale ng worker. iangat nyo, i-empower nyo.
Sa embahada naman, dapat magkaroon kayo ng maraming translators at dapat ang DFA OUMWA ay huwag patagalin ang pag-approve ng travel permit at budget para sa embassy staff na mag-attend sa kaso ng OFW sa remote na lugar.
Doon nakalamang ang patnubay dahil nag-empower kami, inaangat namin ang morale ng worker, tinuroan namin sila sa proseso pati na ang pamilya nila sa pilipinas.. at may mga translators tayo sa karamihang lugar ng kaharian. At kahit wala pang translator ang worker ay kaya nya pa rin ipanalo ang kaso dahil empowered na sya.
Suggested Resolutions:
- Ngayon bago na ang mga Labatt at staff ng POLO Riyadh, sana hindi na maulit ang mga pagkakamali ng mga dating taga-POLO na sa halip na makatulong ay lalo pang nagpahirap sa mga OFW at sa kanilang pamilya.
- Dapat maipasa kaagad nila ng kaso sa ANS ng embahada at itong ANS naman ay wag nang ipasa pa sa POLO.
- Ang DFA OUMWA ay dapat may sistema at may nakalaang pundo sa embahada para hindi na nila kailangan maghintay ng matagal bago maaprobahan ang travel permit.
- Dapat sinuspende na ng POEA ang mga agency na inireklamo ng mga nurses.
- Dapat magsulat na ang ating government (Presidente, or DFA, or DOLE) sa Saudi government (sa King, or sa MOFA or sa MOL) na palayain na ang mga nakulong na mga nurses at pauwiin. At dapat deport lamang ang parusa kung mapatunayan na alam ng worker na napeke ng agency ang papers nya.
Simple logic lang: who has the power to abuse the laws and procedures? who has the power to deceive? Sigurado ang Patnubay na hindi ang mga OFWs yon. Lalong hindi ang mga first timer OFWs katulad ng mga nurses na may mga problema sa kanilang mga COE.
Issue # 7 – RA10022 Subsistence Allowance from Compulsory Insurance for OFWs involved in a case or under litigation
Backgrounder : Ayon sa RA10022 ang lahat ng new hires thru recruitment agency ay mandatory member ng compulsory insurance sa loob ng first two-year contract. at kung magkaproblema sila sa abroad ay pwede silang mag-avail ng subsistence allowance na 100 USD per month for 6 months.
Heto ang excerpts ng RA10022:
Section 37-A SEC. 37-A. Compulsory Insurance Coverage for Agency-Hired Workers.
“(e) Subsistence allowance benefit, with at least One hundred United States dollars (US$100.00) Per month for a maximum of six (6) months for a migrant worker who is involved in a case or litigation for the protection of his/her rights in the receiving country;
Pinaliwanag namin na sa pitong taon na lumipas mula nang naimplement ang RA10022 ay ang mga OFW na lumapit sa patnubay lamang ang naka-avail ng subsistence allowance. Una namin silang pinalapit sa POLO pero ang laging sagot ng POLO ay dapat magfile sila ng kaso sa Saudi Labor Office.
Samantalang wala namang nakasulat sa RA10022 na magfile ng complaints or case sa Labor Office ng host country. Ang nakakatawa naman ay kahit yong mga OFWs na inalalayan ng POLO sa pagfile ng kaso sa Saudi Labor Office ay hindi rin nila tinulongan na makakuha ng subsistence allowance. May mga sumubok pero tinanggihan naman ng POLO. Patnubay pa rin ang gumawa ng paraan.
Resolution: We all agreed na ang kahulogan sa salitang “involved in a case” ay applicable sa lahat ng OFWs na may problema at ang kailangan lamang para makaavail ng subsistence allowance ay ang recommendation ng Labor Attache at hindi na kaialangan magsampa pa ng kaso sa Labor Court or saan man.
We also agreed na mali yong i-limit yong condition sa may mga kaso sa Saudi Labor Office lamang, dapat isama din nila yong mga runaway/undocumented dahil may case din sila sa jawasat or sa sswa.
Ganun din dapat yong may police case kahit yong mga nakakulong ay dapat maka-avail din dapat ng subsistence allowance at maari itong ibigay sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas. Ganun din dapat lahat ng mga nasa bahay kalinga at sa esteraha na sakop pa ng first contract (wala pang 2 years mula nang madeploy ng agency)
Aming dasal na maisasakatuparan itong ating mga suhestiyon. Umaasa kami dahil sa habang panahon na natin itong isinisigaw, sa unang pagkakataon ay may labor attache ng POLO na sumangayon sa ating punto.
Maraming salamat kay Labatt Nasser Mustafa sa assurance na gawan ng recommendation na mabigyan ng subsistence allowance ang lahat ng mga distressed OFWs na new hire. Sana lahat ng labatt saan mang bansa ay ganyan din ang gagawin.
Issue # 8 – HSWs transferring from one employer to another
Backgrounder: Alam natin na sa Bilateral Labor Agreement at sa POEA rules and regulations; na ang isang HSW sa KSA ay hindi dapat mailipat sa ibang employer kung may pang-aabuso o hindi nasunod na contract. Ang HSW ay may karapatan na umuwi sa Pilipinas.
Pinaalaam natin sa mga GOs na hindi yan ang realidad. Ang palaging nangyayari sa HSW na nagreklamo sa amo, ay binalik sa agency at inilipat sa ibang employer. Maraming HSWs ang ilang balik na sa agency at nakailang lipat na ng employer.
Ito ang dahilan na kung may emergency or rescue ay hindi na matrace kung nasaan na ang HSW, dahil hindi na sya nagtratrabaho sa employer o location na nakasulat sa contract.
Isa pang hindi maganda ay sa bawat paglipat ng HSW sa ibang employer ay palaging na-reset ang kanyang 2 year contract.
Tinanong natin si Labatt Nasser Mustafa kung sa POLO ba (before he came) ay pinaalaam ba sa kanila ng agency na ang HSW ay nalipat sa ibang employer. May bagong contract ba na ginawa para sa bagong employer?
Suggested Resolution: Ang sagot ni Labatt Nasser, ay ang plano nyang ipapatawag ang lahat ng agency at pagsabihan na kung pinili ng HSW ang magpalipat sa ibang employer ay dapat papuntahin muna sa POLO at dapat kasama ng bagong employer na lilipatan. At doon sa POLO gagawa ng panibagong contract.
Ang PATNUBAY ay hindi pabor sa pagpalipat-lipat ng isang HSW sa ibang employer. Tila nakalimutan na ang Bilateral labor agreement, nawalan na ng saysay ang pagkakaroon ng standard contract at hindi na nasunod ang POEA Rules and Regulations.
Kaya tayo nabahala dahil nitong nakaraang July lamang, may lumabas na balita sa Arabnews na ganito, “Domestic workers can transfer sponsorship if salary is delayed for 3 months”
Kung babasahin ang title ng balita, ay parang pabor ito sa HSW pero ang totoo ay hindi. Paano makapag-demand ang HSW na magpatransfer sya? Hindi nya control ang pagtransfer kundi ito ay sa employer o sa recruitment agency pa rin. At ito ay maaring magdudulot ng mas higit pa na pang-aabuso sa HSW.
Sa bagong sistemang ito, hindi mo na mapipilit ang employer na magbigay ng sahod at maaring ang kanyang palaging isasagot ay “kung gusto mong magpatransfer hala patransfer ka”. Mas nakakabahala na lalong lumala ang bentahan ng HSW mula sa isang employer papunta sa bago.
Malaking posibilidad na mangyayari din na sa bawat tatlong (3) buwan na hindi nasahuran ang worker at ibenta sa ibang employer; ay matatapos nya ang 2-year contract mula sa Pilipinas na wala syang natanggap na kahit isang buwan na sahod.
Ang kawawang worker hindi alam kung papano nya ipaglalaban ang kanyang karapatan. Sino ba sa mga employers ko ang irereklamo ko, sino sa kanila ang kakasohan ko?
May naka-abang din na panukala mula sa POEA na ang paghire ng mga HSW ay isama na sa Mega-Recruitment.
Ang mega-recruitment ay ginawang ligal ng POEA noong 2013 para sa mga skilled workers. Mula pa noon hanggang ngayon naghahatid tayo ng pagkain sa mga workers na nasa accomodation ng isang megarecruiter dahil wala silang sahod na matatanggap habang nag-aaply pa sila sa mga company.
May mga nakapagtrabaho naman na sa company pero pagdating ng ilang buwan ay natanggal sa trabaho kaya sila naibalik sa accomodation ng megarecruiter, tambay ulit at walang sahod ulit. Ganun din yong tapos na ang contract, tambay ulit sa accomodation, walang sahod ulit at maghintay muna nang matagal bago makauwi.
Tapos kung lalapit sa POLO ang laging isasagot sa kanila ay “ganun naman talaga sa Saudi. No Work, No Pay”. Nakakalungkot na maging ang tauhan ng gobyerno natin ay maipagtanggol ang mga OFW. Samantalang napakalinaw naman nang maapprove ng DOLE at POEA ang Mega Recruitment ay dapat may sahod ang worker, may trabaho man sya o wala.
Kaya, nakakabahala ang plano ng ating gobyerno na isasama sa Mega Recruitment system ang mga HSW dahil magdudulot ito ng mas marami pang problema maliban sa pa sa sahod.
Ang maging resulta nito ay maging “HSW for rent” at kahit sino na lamang ay pwede kukuha ng HSW sa Mega Recruiter at isuli naman kung ayaw na nila. Magdudulot pa ito ng mas matinding paglabag sa kanilang mga karapatang pantao.
Halimbawa na lamang kung may mangyayaring masama, maabuso, maggahasa, maaksidente, magkasakit ang HSW pa ang nasa alanganin dahil sya ay nagtrabaho sa hindi nya sposor.
Resolution: Maganda na ang mga nakasulat sa Bilateral Labor Agreement of KSA and Philippines for HSWs at malaking bagay din ang pagkakaroon ng Standard Employment Contract for HSWs. Mayroon din tayong POEA Rules and Regulations na nagbabawal sa paglipat-lipat ng HSW sa iba’t-ibang employers.
Ang problema ay kulang sa tamang implementation ang dalawang bansa. Kaya maigi sa panahon ni PRRD ay maupoan ito ulit at maisaayos ang problema.
Addendum:
August 16,2017 – Lumabas sa Saudi Gazette ang balitang “Relatives can swap housemaids: Jawazat”
Dapat tayong mabahala dahil isa sa pinakareklamo ng mga HSW ay ang pagpapatrabho sa mga bahay ng kamag-anak ng amo. Nagpost tayo sa PATNUBAY page para kunin ang reaction ng mga kapwa OFW at ito ay naipasa sa mga ahensya ng ating gobyerno na nakatuon para sa mga OFW.
Heto ang link: https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/1634094576640810
August 28, 2017 – Lumabas sa mga balita sa Pilipinas ang “Revised POEA rules allow deployment of more HSWs”
Nagpost tayo ulit sa PATNUBAY para kunin ang reactions ng mga kapwa OFW at maiparating natin sa DOLE na hindi tama na sa halip na pag-aralan at pag-isipan ang pagpapadala ng mga HSW; ay magdagdag pa ng accredited foreign recruitment agencies para makapaghire ng mas maraming HSW.
Heto ang link: https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/1644177792299155
September 29.2017 – sa tulong ni Congressman John Bertiz ng ACTS OFW Partylist at ng ating NGO Partner Center for Migrant Advocacy (CMA), na binawi at pinatigil ng DOLE ang POEA Regulation na magdagdag ng accredited foreign recruitment agencies para makapaghire ng maraming HSW.
Heto ang link: https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/1675377002512567
Issue # 9 – Stop advising the OFW to abscond (escape / runaway) from employer
Katatapos lang ng huling amnesty at seryoso ang pamahalaan ng Kaharian ng Saudi sa pagpapatupad ng parusa para sa mga undocumented o huroob. Ang nasabing parusa ay isang taon na pagkakulong at ilang libong Riyals na penalty.
Magtanong kayo sa esteraha shelter o bahay kalinga kung sino ang nagpapatakas sa kanila. Magugulat kayo sa mga sagot nila.
- Ang karamihan sa mga ofws na nasa bahay kalinga shelter for female ofws ay mga pinatakas ng mga case officers ng POLO o di kaya ng iilang staff ng embassy.
- Ang karamihan sa mga ofws sa esteraha shelter for male ofws, ay mga pinatakas ng mga case officers ng POLO o di kaya ng iilang staff ng embassy.
Kaya kinausap natin ang bagong Labor Attache ng Riyadh, Atty Nasser Mustafa na sa leadership nya ay dapat matigil na yong nasanayang gawain ng POLO na pagpapatakas sa mga workers na humihingi sa kanila ng tulong.
Sa halip na patakasin ay dapat nilang ma-empower ang worker kung papano nila maipaglaban ang kanilang mga karapatan na maiwasan na sila ay maging huroob.
Noon pa man ang Patnubay ay hindi nagpapatakas ng worker. Tinuroan natin ang worker kung papano magreport sa mga kinaukolan kung may mga problema.
Nagpapaliwanag tayo sa worker na kung sya ay tatakas, maraming karapatan ang mawawala sa kanya. Ang karapatan na magreklamo, ang karapatan na mapagamot kung magkasakit o maaksidente. Ang karapatan na mapauwi kaagad, maiwasan ang pagkakulong at pagbabayad sa employer na nang-abuso sa kanila.
Marami din sa mga OFW na tumakas ay naipablotter pa ng amo nagnakaw. Kaya, hindi tama ang pagpapatakas at ang palaging approach natin ay ganito
- Kung first contract ay dapat magreklamo ang worker or kanilang pamilya sa agency. Para ang agency ang kakausap sa employer na ayusin ang problema.
- Kung walang gagawin ang agency ay dapat ang pamilya nila sa Pilipinas ay magreklamo sa POEA for all cases at DFA for police cases.
- Ang POEA ang magpressure sa agency para ipressure ang employer,
- Ang POEA ang magforward ng case sa POLO-OWWA na pinakamaalapit sa worker para ia-assist sa kanyang labor case.
- Ang POEA at DFA ang magforward ng case sa Embassy/Consulate na pinakamaalapit sa worker para ia-assist sa kanyang police case
- Kung walang gagawin ang agency ay dapat ang pamilya nila sa Pilipinas ay magreklamo sa POEA for all cases at DFA for police cases.
- Kung hindi first contract, at ang worker na may labor case ay may kakayahan na pumunta sa POLO ay magreklamo na sa POLO.
- Kung ang worker ay WALANG kakayahan makapagreklamo sa POLO, dapat ang pamilya nya ay pumunta sa pinakamalapit na OWWA at magreklamo para sa kanya.
- Ang reklamo ng pamilya ay ipaparating ng OWWA sa POLO na malapit sa worker.
- Kung ang worker ay WALANG kakayahan makapagreklamo sa POLO, dapat ang pamilya nya ay pumunta sa pinakamalapit na OWWA at magreklamo para sa kanya.
- Kung hindi first contract at ang worker ay may police case o welfare case ay may kakayahan na pumunta ng embassy/consulate ay mareklamo sya sa pinakamalapit na embassy/consulate.
- Kung ang worker na may police case o welfare case ay WALANG kakayahan na makapagreklamo sa embassy/consulate, dapat ang pamilya nya ay pumunta sa pinakamalapit na DFA at magreklamo para sa kanya.
- Ang reklamo ng pamilya ay ipaparating ng DFA sa embassy / consulate na malapit sa worker.
- Kung ang worker na may police case o welfare case ay WALANG kakayahan na makapagreklamo sa embassy/consulate, dapat ang pamilya nya ay pumunta sa pinakamalapit na DFA at magreklamo para sa kanya.
- Kung hindi maresolve ng POLO OWWA ang labor case ng worker sa pamagitan ng pakipag-usap sa employer, maari nyang samahan ang worker na magreklamo Saudi Labor Office o sa Ministry of Labor.
- Ang embassy/consulate naman ang mag-assist sa worker na may police case sa mga investigations, hearings at pagfollow-up ng case sa Police station, Prosecutor’s , Court at Governor’s office. Obligasyon din ng embassy/consulate ang Jail Visit and case monitoring, etc.
- Patnubay will monitor or inquire, or make follow-ups or intervene on the case if there will be lapses from these involved government agencies in assisting the OFW.
- If we find it necessary at kung gusto ng OFW, we will handle his/her case without or with less assistance from our government.
Agreed Resolution: Huwag po patakasin ang worker maliban na lamang kung may panganib sa kanyang buhay at pagtakas na lamang ang tanging paraan, pero siguradohin na maunahan ang employer sa pagfile ng reklamo sa Saudi Labor Office o sa Police.
Issue #10 – Request Clarification from KSA Government for Expat Fees
Aware ang mga OFWs na sila ang magbabayad ng Expat fees para sa kanilang mga dependents. At aware sila na ang babayarin na expat fees ay pataas nang pataas sa bawat taon
- 1200 SAR per dependent per year starting July 2017,
- at maging 2400 SAR per dependent per year in July 2018,
- at maging 3600 SAR per dependent per year in July 2019,
- at maging 4800 SAR per dependent per year in July 2020.
- Masyadong mabigat ito para sa mga OFWs lalo na sa may maraming mga dependents.
Dagdag pa nito ay may mga companies na noon ay nagbayad ng iqama, medical insurance at maging plane tickets para sa mga dependents ng kanilang worker, ngayon ay hindi na.
Kaya marami sa mga OFWs ay pinauwi na ang kanilang mga dependents dahil hindi na nila kakayanin ang pagbayad ng expat fees at ano pang mga babayarin..
Sino ang magbabayad ng expat fees ng worker?
Malinaw naman sa mga balita na ang company ang magbabayad ng expat fees ng worker. Kung sino ang sponsor ay sya ang magbabayad.
Ang problema ngayon ay maraming companies ang naireport sa atin na nag-umpisa nang magdeduct ng 100SAR mula sa buwanang sahod ng worker at ito ay para sa expat fees daw nila sa taon na ito.
Suggested Resolution: Dapat itong maaksyonan kaagad. Kawawa ang mga workers lalo na yong may maliliit pa ang sahod ay kakaltasan pa.
Hiniling natin sa ating gobyerno na dapat mag-inquire na o magsuggest na sa Saudi Government na dapat mag-issue sila ng malinaw na advisory na “Ang Company/employer dapat ang magbabayad ng expat fees ng kanilang worker at hindi ibabawas sa kasalukuyan o sa mga susunod na mga sahod ng empleyado sa alinmang paraan at oras o pagkakataon.”..
References
11 Trailer Truck Drivers of Jeddah Part 1
https://docs.google.com/document/d/1olt2ys5Op9wcCIQAQ1lHYPWC5nShVn-ocuYkYTJYli8/edit?usp=sharing
11 Trailer Truck Drivers of Jeddah Part 2
https://docs.google.com/document/d/1lUjAhedwIUAjsXj28BZikAeYIGl6xOPkjSZ5C_l6Nhw/edit?usp=sharing
Regina Alvarez Story
https://docs.google.com/document/d/1CaiR2PVhNYBKBh8DiQbyP04Ig1ga4PPnKYpmxtDUrvs/edit?usp=sharing
Success HSW Story Coronado Couple
https://docs.google.com/document/d/1V-E1wV3FOdTtr68c-kAt5yLSOJCGjNOjVX3TfbwESsE/edit?usp=sharing
Melinda Atienza Story
https://docs.google.com/document/d/1zjFoOSPDSrGZ65VXDPTh3yP-YGcTgHFh7V9WSczykb4/edit?usp=sharing
Maricel Mortera Magpale – HSW ng Kuwait nasa ICU ng Hospital ng KSA
https://docs.google.com/document/d/1b-stGtuhNWEjuxJpt4d31RWLRm2YmukdhXnXSw4-wyY/edit?usp=sharing
2016 CASE CLOSURE – Mga Pinay HSWs na nakulong sa hindi makataong acomodation sa Riyadh
https://docs.google.com/document/d/1GU79NUfH3JvwLnFyACJWYFZZFdNAMnDXyTMAv-FoZB4/edit?usp=sharing
KSA HSWs Current Issues and Problems, our Suggestions and Recommendations
https://docs.google.com/document/d/1mXExEzwgATWR7cr57izlvz6J_S6A6AeI6x65rGIE4zE/edit?usp=sharing
Ano kaya kung Patnubay ang magconduct ng PDOS?
https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/159227002415659
2016 Discussion with POEA Re Subsistence Allowance of RA10022
https://docs.google.com/document/d/1bO-MVw_yLdtahUz00IHzqFBcMHSvrJ1uufRYOJgLzdo/edit?usp=sharing
PATNUBAY EMPOWERMENT: How to check the first entry (working) visa of KSA-bound OFW
https://docs.google.com/document/d/1BoCqBACdOSMGMo7A455gUW8ATaR3IjFZ_9fJwpI1Vzk/edit?usp=sharing
2014 Patnubay’s fight for the OFWs Exit 8 Esteraha Shelter
https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/973201269396814
Patnubay Leaks – Acquitted si OFW MAH1-RN OFW Nurse sa Madinah sa Falsification of COE Case
https://docs.google.com/document/d/1TbEaERcyfWJmGiVi_bnHgAEx9w5y3Hp-6ajd_SqMe2s/edit?usp=sharing
Patnubay Leaks – Our Rapid Response for Ms MMC-RN of Qaseem – https://docs.google.com/document/d/1Sj4hxNA3jL7btUqVaNzUjyfv9hzbRM1MM4UEPSgIM_w/edit?usp=sharing
Patnubay Leaks The Empowered Ms. MM-RN of Hafr Al Batn – https://docs.google.com/document/d/1LBT44CKPBNpygbbbWGuhQgbXHI8VECrq-ZVVQ329PaU/edit?usp=sharing
Patnubay Tagalog Translation of The Bilateral Labor Agreement for Household Service Workers between the Kingdom of Saudi Arabia and the Philippines
https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/%20833780500005559
Brochures: KSA’s Domestic Labor Regulations in Tagalog, English and Arabic
https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/830014733715469/
Survey – Rest Hours and Rest Day for HSWs in KSA
https://www.facebook.com/PatnubayOnline/posts/826851517365124/
Mga mahahalagang impormasyon na dapat matutunan ng mga OFWs sa Saudi Arabia
https://docs.google.com/document/d/1GXCVI5-vvZdREXT02L2cAcDlOJhpmF_4tC4a9c9q7Mg/edit?usp=sharing
Majlis Discussion Photos
https://www.facebook.com/pg/PatnubayOnline/photos/?tab=album&album_id=1615927008457567
Patnubay Advocacy Group – A Closer Look
https://docs.google.com/document/d/1kduRUA6WOu8pE5Gz27kvnGqXPPMF_Fd_raTkoF2syBc/edit?usp=sharing