Si OFW Joselito Balocon ay dating OFW sa Saudi na napauwi na may natira pang 14 months sa contract. Ang dahilan, wala na daw project ang company at magsasara pa. May isa pang OFW na kasabay pinauwi kay Joselito pero nakipag-areglo ito sa kanilang recruitment agency.
Maraming salamat sa aming NGO partner sa Manila ang Center for Migrant Advocacy na palaging umalalay, pagdating sa Pilipinas ng mga OFW na naalalayan ng Patnubay sa abroad.
Maraming salamat din sa mga abugado ng PAO sa pakipaglaban sa mga karapatan ng mga OFW na walang pambayad sa abugado.
Ang kwento ni Joselito ay hindi natatangi. Pinalabas namin ang kwento ni Joselito para makapaggabay sa mga OFW na dumanas ng katulad na sitwasyon sa kanya.
Nasa baba ang buong detalye sa kwento Joselito Balocon, isang empowered OFW.
AUG 18, 2017 2:40PM
Josh Roberto Balocon
naka received po aq ng decision last week galing NLRC at panalo po aq sa kaso..pinababayaran po sa Agency yung 14 mos ko na unexpired portion of contract ko
kaya lng po sabi ng PAO Lawyer ko wait daw nmin yung reply ng agency baka daw po mag apila pa sa NLRC main branch.
JUN 9TH, 10:07AM
Josh Roberto Balocon
gud day po! last June 7 po nagpasa nako ng position paper sa NLRC Calamba..nagbigay din po ng position paper ang Agency..sa June 22 po ang next hearing po nmin
Patnubay Online
josh.. nakipagcoordinate pa rin ba kayo sa Center for Migrant Advocacy
Josh Roberto Balocon
Opo Sir na update ko rin po sila
MAY 2ND, 8:31AM
Josh Roberto Balocon
update ko lng po kayo sa SENA po nmin knina..
Josh Roberto Balocon
di po sumipot agency ko kaya sabi po ng Arbiter mag file nako ng position paper
Patnubay Online
ah ok josh.. so gawin mo yung pinagagawa ng arbiter..
Josh Roberto Balocon
ah ok po..di nga po sinabi ng Arbiter kung ano laman ng position paper..sabi lang po punta ka sa attorney para sa position paper
Patnubay Online
then magtungo ka sa PAO office para makahingi ng libreng serbisyo na paggawa ng Position Paper.. magpaassist kayo sa CMA namairefer kayo nila sa PAO
Josh Roberto Balocon
galing na po aq ng PAO Calamba Branch,
kaya lng po pinababalik aq sa May 8 dahil bago assign daw po sa Calamba ang Arbiter ko
kaya ia-appoint daw po ng Boss ng PAO kung sino hahawak sa Arbiter
d2 po kz aq nag file sa NLRC Calamba Branch
APR 25TH, 5:54AM
Josh Roberto Balocon
Good morning po! update ko lng po kayo sa SENA nmin knina sa NLRC, nag offer po ang agency ng 70k pero dko po accept..sabi ko nga po 250k ang gusto ko..
sabi ng Arbiter, unexpired portion of contract yung kaso ko kaya dapat mas malapit daw sana sa hinihingi ko amount ang ibigay nila. babalik pa po kmi sa May 2 para sa 2nd SENA po nmin
MAR 17TH, 4:04AM
Josh Roberto Balocon
Good morning po! Update ko lng po kayo dun sa Sena nmin last March 13,2017..nagharap po kmi ng representative ng Agency nmin at napag usapan po na compute po ng mediator ng POEA yung amount po na dapat nming makuha…
sinabi po ng Mediator s agency nmin na kailangan nila ayusin at ipaalam sa employer po nmin na nag complaint po kmi..so sa March 21 po ulit kmi babalik upang i settle ang mga usapin samin..yun lang po.. salamat po! Mabuhay po kayo..
Patnubay Online added a new photo to the album: Patnubay – OFW Empowerment. February 12.2017 ·
·
Maraming salamat sa Center for Migrant Advocacy, ating NGO Partner sa Manila sa pag-assist kay OFW Joselito Balocon at Michael Geturbos. Sina OFW Balocon at Getubos ay mga OFW sa KSA na napauwi na may natira pang 14 months sa contract. Ang dahilan, wala ng project ang company at magsasara na. Ipagdasal natin ang dalawang magigiting na OFW na mananalo sila laban sa kanilang agency na hindi sila inalalayan noong nasa Saudi pa sila. Obligasyon ng bawat agency at ng POLO na busisihin ang company na naghire ng workers kung may mabuti ba itong standing at kaya na makapag-employ ng worker sa loob ng 2 year contract. Obligasyon na palagi nilang hindi nila nagampanan kaya marami sa mga workers ay nagkaproblema pagdating sa abroad.
JAN 25TH, 5:10AM
Good morning po! ask ko lng po kung anong legal rights ang makukuhang benefits ng isang ofw na na terminate sa trabaho? mahina na po ang company nmin dito sa Qassim Saudi Arabia, last year po may pinauwi na mga Kasama nmin pero ang rason ng company due to poor productivity kaya po lahat ng pinauwi eh terminate po..ganun din po kmi ngaun, binigyan kmi ng notice 10 days prior kaya uuwi na po kmi next week..thanks po
nakapirma po kz kmi sa memo na binigay ng company nmin
yung contract na pinirmahan nmin ang name po ng company eh XXXX XXXXXX..tapos nilipat po kmi ng sponsor last month
JAN 31ST, 2:13PM
Josh Roberto Balocon

Good day po sir!
Patnubay Online
Grabe naman ito. Illegal termination di na kayo pinaporma, di na kayo pinagbigyan chance na ipaglaban ang inyogn karapatan.
Josh Roberto Balocon
Yan po yung mga pinapirma samen ng company nmin..ask ko lng po kung may laban pa po kmi sa agency nmin kung mag reklamo kami sa POEA? thanks po
Patnubay Online
Napakalakas ng laban nyo nito. Illegal termination ito. Singilin nyo ang agency sa lahat ng sahod sa lahat ng buwan na natira sa contract
Ito ang name at contact address ng NGO partner ng patnubay sa manila.
Center for Migrant Advocacy
15 (Unit 7) CASAL Bldg.
Anonas Road, Project 3 Quezon City 1102
Philippines Telephone: +632 990-5140
Telefax: +632 433-0684
email: cmaphils@pldtdsl.net or text first /. call later miss anna navarro at 09287952222 my cp. or landline po 4330684, 9905140
