Si Rhealyn Sarmac ay HSW na dumating sa Kuwait noong 2015. Sa halip na magtrabaho sa amo na nakasaad sa kanyang contract ay binenta ito sa ibang amo na nagdala sa kanya sa napakaremote na lugar sa Najran Province ng Saudi Arabia gamit ang Visit Visa. Katulad ng mga kasong ganito, na-expire ang 3 month Visit Visa at nang natapos ang kanyang kontrata ay hindi nakauwi si Rhealyn. Nitong, February 1, 2019, narescue si Rhealyn ng Assistance to Nationals Section ng ating Konsulada sa Jeddah.
From: Joseph Henry Espiritu
Date: Sun, Feb 3, 2019 at 9:09 PM
Subject: Re: Urgent Attention POLO and ANS Jeddah: HSW from Kuwait to Najran KSA Rhealyn Sarmac
MUST READ! RESCUED by ANS Jeddah: HSW Rhealyn Sarmac Rescued by ANS Jeddah,
Alhamdulillah. Papuri at pasasalamat sa Ating Tagapaglikha..
Kay Congen Ed Badajos at sa ANS ng Jeddah, Maraming salamat at Mabuhay po kayo. Gaano man kalayo at ka-remote na bundok nakuha ninyo si Rhealyn.
Case Closure Summary:
Last Friday Afternoon I receive this email from Congen Ed Badajos
On Fri, Feb 1, 2019 at 3:44 PM Edgar Badajos wrote:
FYI, Ms Sarmac rescued today by PCG JEDDAH ATN team. That’s her in the photo with my ATN Team
(Photo: Rhealyn with ANS of Jeddah Consulate)
Samantala, pumapel ang FRA sa Kuwait. Ngayong araw, February 3, nakatanggap din kami ng email mula POLO Kuwait na sorry to say ay mali-maling ang info.
heto ang kanilang email at kasunod nyan ay ang amin namang reactions.
On Sun, Feb 3, 2019 at 12:04 PM POLO KUWAIT wrote:
Good day!
PLease be informed that upon coordination with the former FRA secretary Milady here in Kuwait,
OFW SARMAC, RHEALYN GOSE has already been pulled out from her employer last saturday and under the custody already of PE Riyadh/ATNU.
Thanks!
FOR OIC MA. TERESA B. OLGADO
AS Melanie Jean S. Montas
PHILIPPINE OVERSEAS LABOR OFFICE (POLO) – KUWAIT
Villa 816, Block 1, Street 101, Al Siddeeq Area
South Surra, State of Kuwait
Hotline No: +965 9955 8527
Reactions:
Ang Jeddah ATNU po ang nagrescue at hindi Riyadh.
Walanghiya ang FRA sa Kuwait na yan, binenta itong kasambahay sa isang Saudi dinala dito gamit ang visit (tourist) visa at naexpired at naging undocumented.
Kahit natapos na ang contract ni Rhealyn ay di nakauwi nang halos apat na taon. Matagal na itong humiling ng tulong sa FRA na yan at PRA. Tapos, di nila alam Jeddah ang may jurisdiction sa pinagdalhan sa kanya?
For the record, walang role ang FRA sa Kuwait at PRA sa pagrescue kay OFW Sarmac. Sa halip na makipacooperate sila sa ating gobyerno ay ang payo nila ay patakasin si Rhealyn.
Heto ang usapan namin ni Rhealyn noong Friday hanggang sya ay narescue ng ating konsulada. Andyan yong screenshots ng mga messages ng milady sa kanya na nagpayo na patakasin si Rhealyn.
— conversation with rhealyn starts here —
FRI 12:59 AM
Joseph
may tumawag ba sa yo from polo jeddah or consulate rhealyn?
Rhea
Wala nman po sir
Joseph
Okay mag follow-up email ako sa kanila, ngayon.
Rhea
Pilit na akong pinapatakas ng agency kuwait po kung wala dw aq iqama pwd nman daw passport sabi po
Joseph
hindi ka ihatid ng amo-amohan mo na yan sa consulate or polo. una dahil malayo.
pangalawa dahil malaki ang bayaran nila sa penalty ng expire visit visa
ang request namin sa consulate ay kunin ka dyan kasama ng taga consulate at polo at police. so please hintayin mo ang tugon nila.
At di ka rin magkaroon ng iqama dahil, visit visa ka nang pumasok. Tarantado ang agency na yan, wala na nga silang magawa Ipapahamak ka pa.
better stop talking to anyone na makpagpalito lang sa iyong isipan
Rhea
Tawag po kasing tawag agency ko sir na yun nga po sinasabi na tumakas aq pero diko po magawa
Joseph
gusto talaga nilang patakasin ka. dahil ipasa nila ang sisi syo pagkatapos..
Rhea
Kung may kaibigan din dw po ako dto pwd dw po ako magpatulong pero wala po..
Joseph
Kung may kaibigan ka? Eh, sa napakaremote na lugar na yan, ang layo nyan.. tarantado yang agency na yan ipapahamak ka pa.
At magpahanap pa daw ng kaibigan para tulongan ka? So hindi lang ikaw ang ipahamak nila kundi ibang tao pa?
Joseph
Nabasa mo na ba yong email ko?
Rhea
Nabasa ko na po sir…salamat po
Always ko nga po tinitignan cp ko po kung may tumawag po pero wala nman po
Joseph
intindihin mong mabuti ang email dahil yan ang only at best approach sa yo.. Hintayin mo ang tugon ng ating konsulada at magdasal ng marami.
walang hiya yong agency mo sa kuwait. nagpayo sa yo na tumakas. di nila alam lugar mo na napkaremote na bundok
Samantalang sila may kasalanan bakit ka napunta sa bundok na yan dahil binenta ka nila sa isang saudi at dinala ka dito gamit ang visit visa.
Rhea
Naintindihan ko na po sir..maraming salamat po sa walang sawang pag follow up sa case ko po..
FRI 8:56 AM
Rhea
Sir may tumawag po skin na owwa polo galing jeddah sir nasa najran dw po cla
Joseph
so. anong sabi nila?
Ibigay mo itong location mo
Al Ghafiah Saudi Arabia (link removed not fro public posting)
Rhea
Yung tumawag naman po knina lang sabi nia po tga owwa polo daw cla sa jeddah po andto daw po cla ngayun najran sir..kinukuha nman po location ko
Joseph
yan yong link ng location mo iha itext mo sa kanila
Rhea
Opo sir
Joseph
Rhea, Assistance to Nationals Section ang nagrescue sayo hindi polo jeddah ito yong photo na pinadala ni congen ed badajos
— conversation ends here —
Again Our Sincere thanks to Congen Ed Badajos and sa ATNU Jeddah.
This case can be considered closed. Madali na lang mapauwi si Rhealyn. In Sha Allah!
Mabuhay po kayo and May Allah bless you always
Joseph
On Mon, Jan 28, 2019 at 12:38 AM Joseph Henry Espiritu wrote:
FOLLOW-UP PO..
On Tue, Jan 22, 2019 at 4:20 AM Joseph Henry Espiritu wrote:
Dear Congen Ed, Labatt Munder, ANS and POLO of Jeddah and Kuwait
May isang kaso na naman tayo ng isang HSW na binenta ng agency sa Kuwait para magtrabaho sa Saudi Arabia. Heto po ang buong scenario at suggestions namin kung paano ito maresolve ng maayos kaagad.
Si Rhealyn G.Sarmac (mobile 0551530958) deployed ng XXXX sa Kuwait noong June 07, 2015 para sana sa isang Kuwait employer na si XXXXX Contact no.XXXX (see attached contract)
Pagdating nya ng Kuwait, sa office ng agency na XXXX ay binenta naman si Rhealyn sa ibang amo para magwork sa Saudi Arabia.
Dinala at nakapasok si Rhea sa Saudi Arabia gamit ang Visit visa (see attached copy of the visit visa) ang nakasulat na kafil sa kanyang visit visa ay isang XXXX…
Nang dumating sa KSA ay nagtrabaho si Rhealyn sa isang XXXX na may contact # XXXX at ang address ay XXXXX Najran Saudi Arabia. Sa napakaremote na lugar, bundok sa Najran Province.
Katulad ng maraming kaso na ganito, ang visit visa na good for three (3) months lamang, ay naabutan ng expiration at mahirap nang makauwi ang worker. wala nang balak ang amo na pauwiin ang worker dahil may penalty at fines nito na napakalaki.
At katulad ng karamihang ganito ang kaso, si Rhealyn ay dumanas ng pangaabuso at pananakit na physical, emotional at psychological mula sa hindi tunay na amo.
Anong ginawa ng mga inutil na agency?
Noong dinala pa lamang si Rhealyn sa Saudi ay nagreklamo na sya sa kanyang agency sa Pilipinas at Kuwait at wala itong ginawa, at nitong huli ay nang nagpost na sya sa Social Media. at wala pa rin ginawa ang agency kundi pangako lamang para matatahimik si Rhealyn.
Mga Kahilingan at Suhestiyon
1. Hiniling namin sa sa ANS at POLO Jeddah for country team approach. Nakaattached dito ang copy ng EXPIRED Visit Visa ni Rhealyn, sapat na yan na maipakita sa police at jawasat para marescue sya.
if mapauwi sya kaagad thru the help of the authorities, then maganda, pero if hindi kaagad, then mabuti pa kunin na si Rhealyn at dalhin sa shelter natin sa Jeddah. dahil hindi sya dapat magtratrabaho sa hindi nya amo. at isa na syang illegal tourist dahil expired ang visit visa.
Note: Katatapos ko lang ng isang case ng expired visit visa ng seven years, Nang lumapit siya sa Patnubay ay one month lang at tapos na ang problema. Ipasasa ko sa inyo ang documentaton kung paano namin ginawa. hindi man kasambahay yong may visit visa na natapos namin recently pero same lang yon na approach para sa case ni Rhealn. kaya better get rhealyn out and we will do repatriation approach later.
ito ang specific location ni Rhealyn sa Al Gafiah, Hubunah, Najran Region
https://www.google.com/maps/place/xxxxxx (link removed, not for public posting).
2. Hiniling ko sa POLO Kuwait at POEA. na ipastop deployment itong mga inutil na mga agencies (PRA at KRA) na ito. Maliban na lamang kung gagawa sila ng kasundoan na bayaran nila ang moral damages sa HSW na naghihirap ng apat na taon sa Saudi dahil sa kanilang kagagawan at pagpapabaya. Mabuti pa at maghanap sila ng ibang negosyo kung di naman nila kayang matulongan ang OFW na deployed nila o pinahamak pa nila.
Naka-attach dito ang copy ng contract ni Rhealyn na para sa kuwait at ang copy ng kanyang visit visa ng sya ay pumasok ng KSA.
Nasa baba naman ang aming usapan ni Rhealyn with kasamang Frank Resma. Mas detalyado ang paguusap namin.
Maraming salamat and May Allah bless us always
joseph
OFW Rhealyn Sarmac, Najran
Conversation Information
Frank created the group.
Frank named the group OFW Rhealyn Sarmac, Najran.
Admin
Frank Resma
Members
Joseph Abu Bakr Espiritu
Rhea Sarmac