Servant Leadership Example from a Pinay in Canada

Share this:

Si Raquel Delfin Padilla ay kilalang Racz Kelly at ardipee sa kanyang pagsusulat ng buhay OFW. Isa siyang caregiver sa Canada at Siya ang isa sa co-author ng librong “Sindi ng Lampara” na mabili sa National Bookstore noong 2013 na ang lahat ng proceeds ay napunta sa charity.

Siya ay nagkaroon ng kauna-unahang libro na Tiis, Sipag at Tiyaga na pinarangalan ng Commission on Filipinos Overseas ng Office of the President bilang best book sa nakaraang 2012 Migration Advocacy and Media Awards.

Noong February 2018, nag umpisa siyang gumawa ng mga motivational at empowerment videos. Sa ngayon, mayroon ng mahigit 20 thousand subscribers at mahigit 2 millions total views ang kanyang youtube channel.

Bilang isang taga-hanga niya, nasusundan natin ang mga ginagawa na kabutihan ni Ka Racz Kelly para sa kapwa, sa mga kapwa OFW, sa kanyang mga kaibigan, ka-probinsya, ka-bayan, kabaryo, kaibigan, kamag-anak at lalo na sa kanyang pamilya.

Heto ang latest servanthood example mula kay ka Racz.

Dahil di ako makapag-upload kaagad ng video kung saan napupunta ang YT salary ko, share ko nalang muna rito. Isang…

Posted by Racz Kelly on Wednesday, June 26, 2019

Mabuhay ka ka Racz!

I am always your number one fan and follower,
Kuya Tas

Share this: