
Empowerment For OFW in KSA : Anong petsa ang masusunod bilang katapusan ng kontrata? Ang nakasulat sa kontrata mismo? o ang expiration ng iqama?
Sagot: Basahin ang Article 37 ng Saudi Labor Law
Article (37): The work contract for non-Saudis shall be written and of a specified period.If the contract does not specify the duration, the duration of the work permit (iqama) shall be deemed as the duration of the contract.
Paliwanag: Kung may kontrata at nakasulat kung kailan ito matatapos, then ang kontrata ang masusunod. Kung walang kontrata o may kontrata pero di nakasulat kung kailan ito matatapos, then ang expiration date ng iqama ang masusunod.
Payo: Sa Mga OFW na hindi pinauwi ng company/employer dahil gusto pang ipatapos ang iqama, ipabasa nyo sa kanila itong (image) na Arabic ng Article 37 ng Saudi Labor Law.
PATNUBAY.ORG – EMPOWERMENT
of the humanity, by the humanity, for the humanity
As posted in PatnubayOnline