Isang government hospital sa Jizan pinarangalan ang isang Pinay nurse na naglilingkod sa kanila ng 37 taon

Share this:

Pinarangalan ng Abu Arish Hospital sa Jizan ang nurse na si Carmen Zaragoza dahil sa paglilingkod sa kanila ng 37 ka taon.

Subalit, hindi na nakadalo sa awarding ceremony si Ate Carmen dahil siya ay nagkaroon na ng karamdaman. Kaya, ginawa ang pagbigay ng parangal sa kanya sa silid kung saan siya nakaconfine.

Ayon kay Gabir Ma’chi, ang Head of Nursing Department na iginiit ng hospital administration na ibigay ang naturang parangal kay Ate Carmen dahil siya ay isang huwaran sa kanyang dedikasyon sa kanyang propesyon bilang nurse at sa paglilingkod sa mga may sakit sa loob ng maraming taon.

Iginiit din ng hospital administration igagawad nila ang kinakailangang pag-aalaga kay Ate Carmen dahil sa kanyang kalagayan at katandaan.

Arabic News Source: https://akhbaar24.argaam.com/article/detail/284770

Share this: