Patnubay Full Documentation, Evaluation and Suggested Resolution for the Case of Malic Soliman Darimbang – RTA Case – City Of Makkah

Share this:

by Abu Bakr Espiritu
13 September 2018

Part I  – Case Backgrounder re Malic Soliman Darimbang as relayed by his daughter lailanie to Patnubay last November 2017

Case: Road Traffic Accident
Place: Makkah Al Mukharama, KSA
Date: February 21, 2014 Thursday 

Si Bro Malic Soliman Darimbang ay isang driver ng road sweeper truck at sa oras na yon ay ginagampanan ang kanyang trabaho sa paglinis sa mga kalye ng Makkah.. 

Ang sweeper ay talagang mabagal yan tumakbo at ang driver ay SOP na mag-hazard light mag-operate sa pagwawalis ng kalsada. 

May bumangga sa likod at natigil ang sasakyan ni bro malik. Nang bumaba si bro malik, nakita nya ang kotse at ang driver na pakistani na wala ng buhay. sira dina ng kanyang signal lights at pumasok sa ilalim ng truck dahil ito ay tinamaan ng sasakyan ng pakistani.

Nakulong si bro malik sandali at nakalabas naman at nakafala (sponsored) ng kanyang company. 

Nagkaroon ng hatol ang korte at ang sabi ay magbayad daw ng 150 thousand saudi riyals para bloodmoney sa namatay.

Taon 2016 – Lumapit si Bro Malic at family niya sa consulate.

Mga katanungan

tinanong ko si lailanie kung may motor insurance ba. 

– ang sagot ni lailanie ay wala daw insurance. 

tinanong ko si lailanie kung di ba sinagot ng company ang bloodmoney.

– ang sagot ay wala na daw pakialam ang company

Tinanong ko si lailanie if nag-apela ba ang tatay nya. 

– ang sagot ay hindi nagapela kaya kailangan na daw bayaran ng tatay nya ang 150 thousand sar

Mga Suhestiyon at Payo

Hiningi ko kay lailanie ang kopya ng court decision para mapag-aralan

– sagot ni lailanie ipapadala nya sa akin sa email

Pinayohan ko si Lailanie na kumuha na ng certificate of indigency sa atin

– nag-”Oo” sya pagkatapos kong magpaliwang kung ano ito.

Pinabasa ko kay lailanie ang mga documentation ng kaso ng patnubay para “Sac Easar” (insolvency/bankruptcy decision) kung saan magagamit ang certificate of indigency.

  • Case of E Panganiban (RTA) – Khamis Mushayt
  • Case of E Nuguid (RTA) – Hofuf 
  • Case of E Oblea (Murder) – Riyadh

Other info that we needed to discuss with lailanie that time

Mandatory ang motor insurance sa lahat ng mga vehicles ngayon, bakit pinabayad si Bro malik/sa blood money? 

Ang iqama ni bro Malik ba ay truck driver?

Ang sponsor nya ay ang company na may-ari ng truck?

Tinanong ko si Lailanie kung sino ang may hawak ng kaso ng tatay nya at sino nakausap nya sa consulate

– sagot ni lailanie si Lamco at kausap nya rin si RJ Sumague.

Nangako ako kay Lailanie na magsulat ako sa consulate at sa DFA once makuha ko ang mga documents na hiningi ko.

Part II – DECEMBER 2017 TO  APRIL 2017 – HINDI NA KUMONTAK PA SA AMIN SI LAILANIE 

Part III – May 2018 na ng Kumontak ulit sa amin si Lailane at humingi ng tulong sa Patnubay 

Ang sabi marami na daw silang nalapitan pati sa Tulfo.

Nang naalala namin ang case ay tinanong namin sya:

a. Kung anong nangyari sa Certificate of Indigency na pinakuha namin sa kanya

– sinabi ni Lailanie na nakakuha sila certificate of indigency at pinakita nila sa taga-consulate. Sinabi daw ni  Lamco na taga consulate na hindi daw ito kailangan at tila galit dahil kung sino-sino naman daw ang mga nilalapitan nina Lailanie.

b. Tinanong din namin kung Bakit hindi na sya kumontak ulit sa amin.

Ang sagot ni Lailanie, pinagsabihan sila ni Lamco na kung lalapit pa sila sa Patnubay o anong grupo ay palalayasin si Bapa Malic nya sa Shelter ng Consulate. 

Reaction to III-a : Maraming beses na namin ginawa ito at maraming bloodmoney cases and even embezzlement cases ang natapos sa pamamaraan ng paghiling ng “Sac Easar” insolvency/bankruptcy decision. Ang bawa ng mga kasong ito ay naipaliwanag na namin sa Part 1.  

Ipinaliwanag namin kay Lailanie na nasayang yong mga panahon na di sya kumontak sa amin. Natulungan na sana namin silang magrequest for “Sac Easar” at marecommend ng judge sa emara to look for charity para magbayad sa bloodmoney. 

Madali lang sana ito dahil aksidente at sa edad ni Bro Malik na 64 years old ay sigurado na maraming charity ang tutulong. Kung hindi na sana sagad sa oras last Ramadhan kung kailan ang zahkat ay mandatory sa aming mga Muslim, natapos na sana ang problema. nakauwi na sana si bro Malic.

Reaction to III-b : Itong  Lamco ay hindi lang isang beses na nagpakita ng pagka-unbecoming na tauhan ng gobyerno, maliban sa wala itong alam sa paghandle ng cases. 

Isang bawa na lamang ay ang  isang rape case  na ito sa Yanbu.

Itong Lamco, mayabang na at walang puso pa para sa mga distressed OFW kahit sa kapatid na Muslim. Siya ay walang alam kahit sa batas natin katulad ng RA10022 at RA8042 na malinaw na nakasaad na ang mga NGO ay i-recognize bilang partner ng government in helping the distressed OFW. 

At Sino ang  Lamco na ito para mag-paalis ng OFW sa shelter ng konsulada? SYA BA ANG MAY-ARI O NAGRENTA NG SHELTER NA MAKAPAGPAALIS NA LAMANG NG KAHIT SINO NA GUSTO NYA??

Part IV – Pagbigay ni Lailanie ng mga documento para aming mabusisi

Una kong nakita ang case report na ito ng Jeddah consulate

Nakita namin kaagad ang inconsistencies (underlined in red) sa report ng consulate VS sa naunang information na nakuha namin  noon kay Lailanie. 

Nakasulat sa report na ito ng consulate

1. na ang profession ni bro malik ay ambulance driver na nagdrive ng truck (kung totoo ito, then di talaga sasagutin ng insurance at matatalo sya sa kaso)

2. na ang biktima ay isang Saudi National at hindi pakistani katulad ng una naming info mula kay lailanie

3. nabuo ang duda ko na mali itong impormasyon ng consulate nang mabasa ko ang salitang “guilty of the crime”.  Sa unang basa pa lang malinaw na gawa-gawa lang nila ito na report.

Anong guilty of the crime? Aksidente po at hindi ito isang krimen. 

kailangan kong busisihin ang ibang documents para malaman ang katotohanan. 

Una kong tiningnan ang iqama ni bro Malik. Ito yong picture at binilugan ko ang kanyang profession na nakasulat sa iqama

ang nakasulat na profession sa iqama ay “sayiq shahina” meaning “TRUCK DRIVER”..  MALI ANG REPORT NG CONSULATE NA AMBULANCE DRIVER!

kasunod ko na tiningnan ay kung ano ang nationality ng biktima at makikita ko ito sa court decision.. nasa baba ang picture at binilugan ko kung anong nationality ang nakasulat sa sac (court decision).

ang nakasulat dyan ay “bakistani jinsiya” meaning “PAKISTANI NATIONALITY”,  MALI ANG REPORT NG CONSULATE NA SAUDI NATIONAL!

then finally yong “guilty of the crime” na word. which sigurado tayo na mali. Busisihin natin ang court decision.

btw, before we proceed next, tinanong ko pala sina lailanie kung saudi ba or pakistani. sabi nila ang unang info nila mula kay Bro Malic ay pakistani dahil nakita ng baba nya yong pakistan na driver, pero napaniwala sila sa report ng consulate dahil sila naman daw ang marunong magbasa ng arabic. tsk tsk tsk. itong ibang staff consulate talaga. 

Part V – Pagbusisi sa Court Decision o “sac”  

Mga important pointers sa kaso.

1. Ano ang hatol?

– Ang magbabayad ng bloodmoney si bro Malik Soliman Darimbang. 75% liable due to qatl al khata (accidental killing) in road traffic accident.

2. Namention ba ang motor insurance provider at ano ang responsibility nito?

– walang namention na insurance provider, denied pa sya ng road maintenance office ng amanat ng makkah, ayon sa kanila labas na daw sa duty period ang pagdala nya ng cleaning truck at nag nagbigay pa sila ng memorandum na ang work ng mga street cleaners during office days ay 12am to 6am, at sa Fridays and saturdays ay 6am to 12pm, then ang incidents nangyari sa office day (Thursday) at noon time pa. 

Sabi ni bro malic sa korte na ang duty hours nya ay mula 8am to 2pm. kaya lumalabas na out of duty sya na nagdrive ng truck at nagtatrabaho doon kung ang pagbabasehan ay ang schedule ng city government ng makkah

3. Bakit naguilty si bro malik?

–  ayon sa prosecutor may 75% responsibility sya sa incident according to the traffic law nila article 60 and 2nd paragraph ng royal decree No. M/85 dated 26/10/1428H na may karapatan silang mag-demand ng 75% sa incident at saka ung article 62 ng traffic law nlya ay applicable sa kanya. at ito ung mga reasons nman: 

a) pagdrive nya ng cleaner truck at pagtatrabaho nya sa labas sa kanyang official schedule according s official letter mula s office ng road cleaning (or maintenance) ng amanat makkah 

b.) negligence or abuse of duty na magdulot ng risk/danger s buhay ng ibang tao lalo na sa rush hour period. 

c.) hindi pag-iingat sa pagmaneho

d. paglalagay ng enough safety measures habang naglilinis ng kalsada nang sya ay kumakaliwa.

4. Anong sasakyan na dala?

-government owned truck, mercedes cleaner trucks

6. Sino ang bumangga? 

Ang Pakistani na biktima ang bumangga sa likod dahil mabagal ang takbo ni Bro Malic habang naglilinis ng kalsada. then gustong mag-overtake ng pakistani na mabilis ang takbo kaya bumangga sya sa likod ng sasakayan ni bro Malic. 

Sinabi ni Bro Malic sa korte na bandang isang oras bago ang salatul dhuhor (noon prayer) nangyari pero lahat ng sagot niya ay di pinakinggan ng judge dahil wala syang ebidensya. hindi gaya ng prosecutors na lahat ng sinasabi my reference daw ng batas nila kaya yon ang pinanigan ng korte.  Isa pang nakapagpatalo sa kaso ay ang pagdeny ng kanyang company na trabaho nga nya ang gnagawa nya kaya lumalabas na out of duty sya nang nagdala ng sasakyan.

5. Bakit 150 thousand SAR ang bayarin. dahil ba sa 75 percent liable sya sa accident? 

wala naman nakalagay magkano babayaran nya, basta nakalagay lang dito na 75% ang pananagutan nya sa insidente at siya ay hnatulan ng kaffaratul qatlil khata (accidental killing).

Reactions: 

Nasaan yong “guilty of the crime” na pinagsasabi sa kanilang report?  MALI ANG REPORT NG CONSULATE GUILTY OF THE CRIME! KAILAN MAN HINDI KRIMEN ANG AKSIDENTE SA DAAN AT HINDI KRIMINAL ANG DRIVER NA LIABLE SA AKSIDENTE.  

Ang hatol ay accident, the consulate staff must not use  insensitive word na ang turing nila ay isang kriminal ang OFW na nagpapatulong sa kanila sa kanyang problema dahil kung tuutusin ay biktima din si bro Malic dito.

Walang consulate nakattend ng hearings noong 2014 dahil hindi naman lumapit si bro Malic sa kanila noon. Umaasa sya na tulongan sya ng kanyang company. Taon 2016 na nang lumapit si bro malic sa consulate at yong nga wala rin naitulong at makita mo sa kanilang initial report na mali-mali. Nag-effort pa sila sa report na yon ha. 🙂 

Ang dapat inuna ng consulate ay kinausap at pilitin ang company na magbayad sa liability. Dahil as per bro malic. shifting ang kanilang trabaho. Mayroon 12 am to 8am at may 8am to 2pm which labag pala sa patakaran ng amanat ng makkah. 

Dapat natanong kung may insurance ang sasakyan or wala ba at bakit . Dahil ba government property ito?  

Fyi, naging 150,000 sar ang bloodmoney dahil as per traffic law of 2007 (or royal decree m85 dated 26/10/1428H, ang bloodmoney sa RTA for foreigner ay 200 thousand sar at  300 thousand sar kung Saudi national. Kaya naging 150 thousand sar yan ay dahil 75% liable si bro malic at foreigner yong biktima. 

(note: sa taon 2018, may amendment ang traffic law na maliban sa bloodmoney ay may apat na taon na kulong sa taong liable ng road traffic accident na may namatay)

Fyi, walang namention sa court decision na iqama number ng pakistani victim kundi pangalan na PPPP PPPPP at death certificate number lamang.  Maaring sya ay tourist pilgrim, or undocumented or maaring hindi na tiningnan ng prosecutor or judge kung may iqama or may lisensya.  

Ang mga reactions ko dyan sa taas ay maari sanang nagamit na mga rationale kung nakapag-apela si bro malic within 30 days mula nang natanggap nya ang court decision. 

Part VI – Nasaan at ano na ang status ng kaso? 

Maari yan natin mamonitor sa Raqam Moamalat (Transaction number) ng court. Nakuha ko ang pinakaunang raqam moamalat sa content ng court decision or sac. May dalawang raqam moamalat na binigay si lailanie sa akin. So bale tatlo lahat ang ating busisihin. at ito ay maari nating makita thru moj.gov.sa website.

– first raqam moamalat XXXXXXX / 1435
(note: XXXXXX means number cannot be exposed to public)

source: taken from the sac (court decision)

Ang query result ay

Status: finished na sa court at ito ay naiforward sa murur (traffic police) ng makkah.

– second raqam moamalat YYYYYYY  / 1435

(note: YYYYYYY means number cannot be exposed to public)

nakasulat dyan name ni malic soliman darimbang. meaning sa kanya ito na case at nakasulat din na nasa murur ang case.

query result

Status: not finished pa. mula murur (traffic department) at dumaan ito sa court of appeals at binalik sa murur (traffic dept.) ng makkah.. 

– third raqam moamalat ZZZZZZZZ / 1435
(note: ZZZZZZZ means number cannot be exposed to public)

Query Result

not finished pa. mula murur (traffic department) at dumaan ito sa court of appeals at napunta sa criminal court of makkah. 

Ganyan lagi ang ginawa natin para macheck ang status ng isang case. 

Wala nang movement ang case since 2016 dahil hinintay na lang na mabayaran ang bloodmoney.

Important Notes: 

1. As per the Law of Criminal Procedure ng KSA, within 30 days mula sa pagtanggap ng copy ng decision ang dalawang parties ay pwede magapela. sa case na ito si bro malic ang isang party at ang prosecutor/murur/victim’s family ang second party.. may apela or wala ang both parties, aakyat pa rin ito sa appellate court for final review. Kaya makikita nyo sa query results na dumaan sa Court of Appeals. 

2. Kadalasan, kung ang case ay for implementation/execution na, ang last destination ng case documents ay ang governor’s office  then irefer ito sa implementation court (tanfid). hindi pa natin ito nakita sa system. 

3. Sa case na ito na accident at bloodmoney na lang ang kulang, mananatili ito sa murur o criminal court hanggang sa may magfollow-up from the side of the victim, or magbayad yong dapat magbayad or kung may request sya for “Sac Aesar”.

Ano ang “Sac Aesar”? -ito ay ang pagdeklara na walang kakayahan magbayad ang nahatulan na magbayad ng private rights.

To do for Sac Aesar for Bro Malic Case

1. dapat lakarin ito sa court at itanong ang status ng case using the third raqam moamalat (transaction number) which is ZZZZZZZ

2. expect na ang sasabihin ay dapat magbayad na si bro malic ng bloodmoney sa pakistani na biktima

3. kaya dapat maghanda na ng sulat addressed sa governor’s office para mairequest na ang insolvency case “Sac Easar”

4. ang sulat ay hindi manggagaling sa consulate dahil matagal ito matatanggap ng emara dahil dadaan pa ang sulat nila sa mofa. 

5. at lalong hindi mula sa lawyer dahil walang judge na maniwala sayo na wala kang kakayahan magbayad kung makapaghire ka ng lawyer

6. ito ay manggagaling kay bro malic mismo. kami na mismo ang magsulat para sa kanya , kami na rin ang mag-arabic.. (note: kahit sa anong kaso, always ang first person ang magsulat ng kanyang apela. ganun ang sekreto ng patnubay kaya palagi panalo. hindi embassy ang mag-apela para sa tao at hindi saudi lawyer)

6. ang i-attached ni bro malic sa kanyang sulat sa emara, ay ang mga raqam moamalat, ang kopya ng court decision at ang certfiicate of indigency na sinabi ni Lamco na hindi kailangan.  

Pangtapos.

Nalipat si Lamco mula Jeddah Consulate papunta sa embassy ng Riyadh Embassy at doon na naman magkakalat. 

Kaya naman bumalik sa Patnubay si lailanie dahil mas lalong naging malabo ang sagot ng consulate sa kanila at lagi na lamang ang sagot ay “may lawyer na ang tatay mo”.  

Mula nang magkaroon ng retainer para lawyer ang consulate at maging ang ating embassy, ganyan na lamang nag lagi nilang excuse sa mga OFW nag magfollow-up ng kaso,  “May Lawyer ka na”.. Parang nagbayad lang kayo ng lawyer para magkaroon ng alibi sa kawalang action or kawalang alam tungkol sa kaso. 

Hindi kailangan ang Saudi Lawyer ang kailangan nyo ay matino na translators na dedicated sa pagtulong. Katulad nyan,  expect nyo na ang mga law firm na binigyan nyo ng retainer ay maghahire yan ng mga Filipino translators. 

In fairness, to congen Ed Badajos, to congen Mel Panolong at sa lahat ng mga nagdaan na congen sa Jeddah, at sa riyadh din mula kay acting ambassador iric arribas paatras sa panahon ni Usec Seguis, ay maayos naman at masisipag.. 

Ang mga pangyayaring ganito na isang unbecoming staff ay nagkakamali ay late na malaman ng isang congen or ambassador. Tapos na ang problema, the damage has been done ikanga. katulad nyan, di na mapagsabihan itong Lamco sa mga pinaggagawa nyang mali sa Jeddah dahil nalipat na sa Riyadh. 

Maliban dyan walang power ang mga congen or ambassador na magparusa sa mga unbecoming staff nila. Naintindihan namin yan maging ang command responsibility ng isang congen or ambasador na takot na sa kanya babagsak ang sisi. 

Kaya ang laging approach ay damage control. Ang pinakamabuting damage control ay aminin na may pagkakamali at ituwid ito katulad sa case ni L. Atabay na napaamo at nasatisfy ang pamilya ni Atabay.. 

Hindi yong ang pagkakamali ay tatabuan ng isa pang mali at kasinungalingan katulad sa case ni jumamoy na nagpatong-patong na ang mga pagkakamali at kasinungalingan na humantong sa sobrang pang-aapi ng taga-embahada sa pamilya ni Jumamoy hanggang sa ngayon.

Sa ganyang sitwasyon ako humanga kay Ambassador Seguis at Ambassador Tago noon sa Riyadh. Sobrang pagsasabon ang aabutin ng staff na abusado sa time nila. At hindi sila takot mag-report na itong staff ko na ito ay gumawa ng malaking mali at late ko na nalaman. Heto inayos na namin ang problema.

Kung kami naman ang magreklamo ng abusadong staff ng embassy or consulate, sa DFA pa rin kami magsumbong. kaya wala rin mangyayari, recall lang at i-assign sa ibang lugar at doon na naman magkakalat ang abusadong staff. Ganun din sa POLO, sa OWWA or DOLE lang din ang bagsak ng reklamo namin.. 

Kaya pinagdasal namin na magkakaroon na talaga ng sariling departamento ang mga ofw para  may madaingan kami ng aming mga grievances. 

Related Mishandled Cases: 

  • – L. Atabay Case
  • – R Jumamoy Case
  • C de Guzman

Mas maraming matitino na staff sa embassy at consulate at maraming cases na well-handled naman at documented din natin. Pero nangingibabaw itong mga abusado dahil patuloy silang gumagawa ng kapalpakan na hindi naparusahan.

Evaluation of Current Mission per Post

Jeddah and Western Region  – Very Good because of Congen Badajos and Labatt Nasser Munder. It was also very good during the time of Congen Mel Panolong and Assistant Labatt Rose Mangahas

Riyadh and Central Region–  We have the Action Man in the person of Labatt Nasser Mustafa ng POLO Riyadh na kahit police cases ng HSWs ay inaksyonan na rin  . We had the best tandem noong si Dir. Iric Arribas ay andito pa. Ngayon nasa Manila na si Dir. Iric at kung mawala pa si Labatt Nasser Mustafa,  Kateer Mushkila (problemang malaki) .

Eastern Region –  worst.. Kahit saan malagay si angel borja ganyan talaga ang mangyayari. 

Ito lang po muna at maraming salamat. May Allah Subhanahu wa ta’ala bless us always. 

Joseph

Related Links

  • Mga Mahahalagang Batas at Proseso na Dapat Matutunan Kung Ikaw ay Nasa Saudi Arabia
  • Handling of Police Cases Then and Now

Original Subject line: Re: For ANS Jeddah – Inquiry and Follow-up: Malik Darimbang RTA Case

2018-09-10 9:35 GMT+03:00 Congen Edgar Badajos :

Hi Joseph, 

On the case of Mr. Darimbang, there has already been a verdict sa private rights claim laban sa kanya at ang hatol ay kailangan niyang magbayad ng SAR150,000 sa pamilya ng namatayan.  

Mayroon ba kayong mai-sa-suggest sa amin kung paano ito mase-settle maliban sa paghingi muli sa ating pamahalaan ng financial assistance? Ito ay mahigit ding dalawang milyon.

Nakikipagugnayan din ang ating Konsulada at mga abogadong tumutulong sa kanya sa dati niyang kompanya upang tignan kung maaaring ang insurance company ng sasakyan na minamaneho Niya noong nangyari aNg aksidente ang magbayad. Pero wala pa ding linaw ang usapan.

2018-09-10 8:14 GMT+03:00 Congen Edgar Badajos :

Hi Joseph, we will review his case and get back to you shortly. 

Thanks
Ed

2018-09-09 23:44 GMT+03:00 Joseph Henry Espiritu:

Dear Congen Ed, 

Lumapit po sa amin ang family ni OFW Malik Soliman Darimbang, isang 64 years old na nagkaroon ng road traffic accident sa makkah noong 2014 kugn saan may namatay na pakistani. At ang naging hatol umano ng court ay magbayad si malik ng 150thousand saudi riyals,  

Gusto namin malaman anong actions taken ng ating konsulada at anong updates ng case. 

May mga information naman kami sa side ni malik pero gusto namin malaman ang sa side naman ng consulate natin. Si bro malik ngayon ay nasa shelter sa pangangalaga ng consulate

Maraming salamat and May Allah bless us always

joseph
patnubay.org

Share this: