Isang Pinay Nurse Pinaparangalan ng Tabuk Maternity and Children Hospital

Share this:

Tabuk, KSA
September 25, 2018

Nagbigay ng parangal ang Tabuk Maternity and Children Hospital sa Pinay nurse na 34 na taon na paglilingkod sa kanilang mga pasyente.

Sa kanilang pagdiriwang ng ika-88 KSA National Day, kasama si Hamid Bin Sulayem Al-Muqbali, ang direktor ng hospital, kasama ang mga pinuno ng medical and nursing departments at ang lahat ng mga staff ay namamahagi ng mga souvenirs sa mga pasyente at sa mga empleyado ng hospital.

Ang highlight sa naturang event ay ang pagbigay ng parangal at pagkilala kay Ate Nuria Gloria, isang Pinay nurse na 34 taon nang empleyado ng hospital.

Ang direkto ng hospital na si Hamid Bin Sulayem Al-Muqbali ang nag-abot ng a certificate of thanks and appreciation, at gifts kay Ate Nuria.

Ipinahayag ni Al Muqbali ang kanyang lubos na pasasalamat kay Ate Nuria sa kanyang sipag at dedikasyon sa kayang trabaho at sa kanyang katapatan sa paglilingkod sa Kaharian.

Nagapahayag din si Ate Nuria ng kanyang pagbati, unang-una kay Haring Salman bin Abdulaziz para sa ika-88 National Day na isang mahalagang okasyon sa Saudi Arabia, at ang kanyang pasasalamat sa bansa na yumakap sa kanya sa loob ng 34 na taon.

Itinuring ni Ate Nuria ang kanyang sarili na isang anak ng Saudi Arabia na sa habang panahon ay wala siyang nakikitang pagkakaiba sa sariling bayan kung saan sya nakakaramdam ng kapayapaan at kaligtasan. Bilang ganti, sinuklian niya ito ng kanyang pagmamahal at pagpahalaga sa trabaho at tungkolin.

Pangalawa niyang pinasalamatan ang pamunuan ng hospital na nagbigay ng parangal sa kanya. Isang paalala umano na lagi nyang aalagaan. Ibinahagi ni Ate Nuria ang natanggap na parangal sa kanyang mga kasama sa trabaho.

Nag-umpisa na magtrabaho si Ate Nuria sa Maternity and Children Hospital 34-taon na ang nakaraan at wala pang mga Saudi nurses. Lumipas muna ang sampung (10) taon bago nagkaroon ng Saudi nurses. Ipinahayag ni Ate Nuria ang kanyang pagkatuwa sa mga dahan-dahang pagbabago na naganap sa kaharian, lalo na at pinagbigyan ang mga kababaihang Saudi na makilahok sa pagtataguyod ng kanilang bansa.

I am very happy with this, and thanks to Saudi Arabia and thanks to our hospital director and to all my colleagues for this honor.” – Nuria Gloria

Arabic News Source: https://www.slaati.com

Share this: