
October 7, 2019, Jeddah – Arestado ng mga koponan mula sa Fisheries Unit ng Ministry of Environment, Water and Agriculture at ng mga border guards ng Jeddah; ang pito (7) ka tao dahil sa ipinagbabawal na kagamitan at maling pamamaraan ng pangingisda .
Ang lima (5) ay nahuli ng Al-Tafiya Border Guards Center ng Jeddah at ang dalawang (2) Pinoy naman ay nahuli ng border guards center sa Durrat Al-Arous, sa hilagang bahagi ng Jeddah,
Kinumpirma ni Saeed bin Jarallah Al-Ghamdi, ang Director General ng Ministry of Environment, Water and Agriculture Branch ng Makkah Region, ang pagkumpiska sa mga ebidensya at ang mga pagdadaanan na proseso ng mga violators sang-ayon sa mga patakaran at regulasyon.
Dagdag pa ni Al-Ghamdi, na kailangan ipagpatuloy at lalong palalakasin ang kanilang kampanya na mapigil ang mga paglalabag at mga maling pamamaraan ng pangingisda para mapapanatiling maayos ang karagatan at ang mga nabubuhay nito.