
Ang Joint Agreement ng Ministry of Interior at ng Embahada natin sa Iraq para labanan ang Human Trafficking
Baghdad, Iraq
Setyembre 8, 2019
Malugod na tinanggap ni Maj. Gen. Emad Mohammed Mahmoud (Undersecretary of Ministry of Interior for Police Affairs), si Vice Consul Jomar Sadie (Chargé d’affaires ng ating embahada sa Baghdad) para sa pagtalakay sa isyu ng human trafficking cases sa Iraq na Pilipina ang mga biktima.
Ang kanilang pagpulong ay nagresulta nitong “joint agreement”;
- na ang embahada ng Pilipinas ay magbibigay sa pamahalaang Iraqi ng buong impormasyon tungkol sa mga companies at agencies na iligal na nagpupuslit ng mga Filipino workers papasok sa Iraq.
- na ang pamahalaan ng Iraq ay tutulong sa pagligtas at sa pagpapauwi ng mga human trafficking victims sa Pilipinas.
Kasama rin sa naganap na pulong ang Director of Combating Crime in Baghdad at ang Director of Combating Human Trafficking,”
Ang kaganapan na ito ay nasa Page 18 ng Press Release sa opisyal na pahayagan ng pamahalaan ng Iraq noong Setyembre 9, 2019.
Related Link
Embahada ng Pilipinas sa Baghdad, Iraq – itinampok ng Asia Times Online