Patnubay and Recruitment Agency – Team Approach for OFW Julie Ann Garzon 2017

Share this:

MAR 28TH, 2017
7:26AM

Abu Bakr

ka ivan may contact pa rin ba tayo sa lizil?  may reklamo dito, ipadaan ko muna sa yo . hope they will attend

Ivan Lilles

Meron ka. Joseph. Sige lang share mo dito para alert ko ang owner

Abu Bakr

thank you so much ka ivan. pumunta sa bahay namin ang family ng hsw. matagal na daw tapos ang contract. bale 3 years na sya sa ksa. di pa rin pinauwi. maliban doon 3 months lagi na delay ang sahod. pero its out of the topic. dahil 1 year ng tapos ang contract dapat nakauwi na ito

walang FB ang hsw. kaya pumunta yong family sa bahay namin sa leyte. ito ka ivan ang mga details. Pinasulat din sila ni misis ng request for assistance sa patnubay para may panghahawakan tayo na lumapit sa atin..

julie anne family letter.png
julie ann oec.png
julie ann contract.png
julie ann visa.png
julie ann passport.png

MAR 28TH, 8:52AM

Ivan Lilles

Ok sige ka. Joseph. I need to explain this to the agency personally.  Nagpunta pa pala sa bahay nyo sa Leyte. Thank you

Abu Bakr

oo medyo may edad na yong lola ka ivan

walang fb kaya pinasulat sila ni misis ng RFA for patnubay

thank you so much ka ivan

MAR 30TH, 11:03AM

Ivan Lilles

Ka. Joseph, reply ng Lizil:

Thank you so much Mr Ivan for the info i will check tomorrow in our deployment and please if you have any contact number of Julie Ann pls forward so we can coordinate to her to assist her immediately thanx again.

Kahapon pa yang reply. Nakipag coordinate na daw sa Saudi to assist the worker. Thanks

Abu Bakr

thank you so much ka ivan

nasa sulat ng family ang number ni julie ann ka ivan

🙂

di nila binasa ang sulat.  ng family .

heto ka ivan 0096xxxxxx

Ivan Lilles

Baka hindi pa nabasa ng buo. Wait natin mga susunod result

MAR 30TH, 2:24PM

Abu Bakr
🙂

thanks ka ivan. naawa ako sa lola ni julie ann pumunta pa sa amin ka ivan. may edad na yon eh bukid ang place ko 

Ivan Lilles

Sige ka. Joseph ipaparating ko and I will follow up din. Remind remind lang ka. Joseph. Salamat

Abu Bakr

Salam ka ivan, nagusap na daw pala sila kagabi  yong among babae 2 weeks pa babalik ang amo

may 11 thousand SAR pa pala na pinagsasamang sahod na hindi pa naibigay kay julie anne

Ivan Lilles

Sige ka. Joseph monitor natin yan. 

Sabihin mo sa worker update ka nya. Salamat

APR 3RD, 9:13AM

Abu Bakr

Salam ka ivan pwede pasabi sa agency na uwi si julie anne at makuha ang lahat ng sahod niya na nasa 11thousand sar. 

Thank you so much

Ivan Lilles

Forward ko ka. Joseph message mo ha

APR 3RD, 10:52AM

Ivan Lilles

Ka. Joseph here is the reply from Liezil:

sir ivan thank you nakausap na po namin yung rescuer namin dyan at nakausap na rin nya ang aplikante ang amo ay out of the country babalik daw po after 2 weeks at nangako po ang rescuer na tatawagan nya agad ang amo pagkabalik nito sa ngayon ay wala kaming record na dito po sa amin umalis ang aplikante pero wag po kayo magalala tutulong pa rin po kami sa abot ng aming makakaya bigyan nyo lang kami ng enough time para maasikaso ang bagay na to godbless po

Ivan Lilles

Cont…  sure po Sir nakakausap din ng Rescuer ko ung tao so sabi 2 weeks balik ng amo niya if not tinuturuan nmin ang tao na mag complain sa Saudi Labor ina assist namin

APR 4TH, 12:02PM

Abu Bakr

Salam ka ivan papano walang record si julie ann sa liezil when the oec and contract clearly mentions the agency as the PRA. If sakali true na walang record sa kanila then maaring may problema sila sa isang tauhan nila or sa FRA nila.

Second please inform them na escape is not an option.  We can tap the police to rescue her and let the employer pay julie ann her 11000 sar unpaid salaries. Pwede ako mag-intervene pagbalik ng ksa dahil may sulat kamay at photo ako ng kanyang pamilya.

In KSA, withholding the salary of the worker that big,  is a police case. We or the embassy can represent julie ann sa police. Invite the employer and julie ann sa police station. we will compel the employer to pay the worker & provide the exit visa. May kasulatan na gagawin sa police station at may deadline ang amo. We did this so many times na sa mga cases na may ganyan kalaking sahod na di naibigay. Coz that is a clear human trafficking.

Thank you so much ka ivan. Please tell lizil na yan ang direksyon na aim natin sa patnubay at kung di sila nakaalign dyan better concentrate na lang sila sa pagtulong s family  sa pinas kesa magsuggest na i-labor na napakatagal na process at di effective.

Abu Bakr

Im in leyte ka ivan.  May we finish julie anne’s case pagbalik ko dyan sa may?

Ivan Lilles

Ok ka. Joseph noted that… I will forward your message.

Kailan ka punta ng Manila?

APR 10TH, 4:11PM

Abu Bakr

salam ka ivan .. on the day of my flight ang dating ko ay manila

mahaba sana ang time ko noong dumating ako . ang problema natagalan ako sa imigration dahil nagstrike mga immigation staff. 

at na-misplaced ang bagahe ko dahil late ako nakalabas ng immigration

Ivan Lilles

Ka. Joseph hanggang kailan ka dito sa Manila? Magkita tayo nila Ka Ronald 

MAY 15TH, 2:04PM

Abu Bakr

salam ka ivan may good news pala kay julie ann

btw, noong umuwi ako pumunta yong family ni julie ann sa bahay. heto ang photo. kasama ko sa photo ang kanyang lola (nanay ng yumaong nanay ni julie ann), ang anak ni julie ann (single parent) at kanyang tiyahin na kabatch ko sa highschool.

Ivan Lilles

Good to hear that Ka. Joseph.  Nakipag tulungan na ba ang PRA nya ka. Joseph?  Salamat

Abu Bakr

kahapon nakausap ko si julie ann. heto ang balita nya sa atin

1. unang tawag ng agency sa kanya ay nagtravel pa itong kanyang amo na babae.  pero nagtugon na na kung babalik na ang amo ay iinform ni julie ann ang agency
2. nang bumalik ang amo after travel, ay ininform nya ang agency at tumawag ito sa kanya at tinawagan daw yata ang employer dahil sa mga sumusunod na pangyayari.
3. nagpadala ng 2 months salary ang amo ni julie ann sa family nya sa pinas.
4. yong 8000sar na pundo ng amo ay ibibigay na daw sa kanya .. before sya uuwi.  plus two months pa (3000 SAR for salary for may to june and june to july)
6. tentative na uwi ni julie ann ay mga july
7. please tell the agency to not stop making follow-ups.  and to ensure na makuha ni julie ann ang remaining 8thousand sar na pundo at yong 3 thousand sar for the last two months..
8. maraming salamat ka ivan at di ito mangyayari kundi dahil sa tulong mo

Abu Bakr

yes po. sa kanila lahat ng effort. kaya siniguro ko muna kausapin si julie ann. para kung walang ginawa ang PRA ay idulog ko ito sa embassy as police case

Ivan Lilles

Another accomplishment of Patnubay ka. Joseph! Nakakatuwa kapag ganyan. 

Wag kayo magsasawa

JUN 30TH, 1:17PM

Abu Bakr

Salam ka ivan pwede ma-remind ang lizel to confirm with julie ann garzons employer if true na uuwi na sya this july 2 at dapat maibigay ang 11  thousand SAR na sahod

Maraming salamat ka ivan

Ivan Lilles

Ka Joseph, naku baka Monday ko na ito mai-check pero try ko rin bukas malaman. Salamat din

Ay sa Lizil pala ito

Abu Bakr

Okay ka ivan

Ivan Lilles

Sige alamin ko. Malaman mo agad

Abu Bakr

Ang sabi ng amo sa monday yong flight

8thousand na daw ang napadala sa Pinas

At  3thousand sar  ay pabaon

Need lang natin ng dagdag lakas para tuparin ng amo lahat ng sinasabi

Ivan Lilles

Or else the agency has to shoulder it.

Abu Bakr

Oo sayang din. Dahil they did a good job from start.

with your help of course.

So tapusin natin ng maayos In Sha Allah.

Ivan Lilles

Sige ka. Joseph follow up ko. Hinahanap ko yung number ng owner

JUL 1ST, 11:34AM

Ivan Lilles

Ka. Joseph salam!

Reply from Lizel owner:

ok Tnx Ivan monday work out ko advice kita

Abu Bakr

Thank you  so much ka ivan

bukas follow up ko rin dito

Ivan Lilles

Sige ka. Joseph

Abu Bakr

Maraming salamat ka ivan

JUL 2ND, 9:57PM

Abu Bakr

Assalamu alaikum  ka ivan. nasa dammam na si julie ann and flight nya na bukas .. dammam -mla via pal. . natanggap nya daw ang 3000sar . at yon 8000 sar ay ipacheck pa nya sa kapatid nya if totoo ba na pinadala ng kanyang amo.. paki-sabi na rin ng lizil na ipafollw-up para successful ang pag-assist natin kay julie ann. thank you so much ka ivan.

Ivan Lilles

Morning ka. Joseph, sige follow up ko rin. Thank u

Abu Bakr

thank you so much ka ivan.

JUL 5TH, 8:43AM

Abu Bakr
Salam ka Ivan, confirmed na natanggap ng family ni julie anne ang 8 thousand sar..  Plus yong binaon nya na 3000 sar.. So natanggap nya na lahat ng 11 thousand sar. Walang kulang po. Alhamdulillah..  Please relay to lizil our pasasalamat po. 

Patnubay Observation:  Mahalaga na mayroong legit complaint mula sa OFW para matugonan ang kanyang problema. Pero sa isang HSW na walang kakayahan magfile ng legit complaint dahil nasa bahay sya ng kanyang amo, ang pamilya nya sa Pilipinas ang maging legit complainant para sa kanya.

Pero marami sa mga pamilya ng ofw ay walang kakayahan makapagtravel ng malayo para magreklamo sa pinakamalapit na poea. Kahit regional offices ay kailangan pa rin gumastos ng pamilya para magtravel. 

Ang problema ni Julie Anne ay simple lamang kumpara sa mga problema nang may pananakit or pang-aabuso. Madali rin natugonan kahit di na pumunta sa mga regional offices dahil kababayan ko lang sya at alam natin kung papano resolbahin ang problema.

Papapano yong mga ofw na may malalang problema at walang kakayahan magtravel ang pamilya kahit sa pinakamalapit pa na regional office ng poea, owwa or dfa?

Kaya marami ang nagresort sa paggawa ng viral video or photos dahil yon lang ang naisip nilang paraan para maiparating ang kanilang problema. (Note: sa patnubay ay hindi namin nirekomenda na magviral video ang ofw dahil kami rin ang tatambakan ng mga messages mula sa mga nakapanood ng video. Ang resulta, maraming ibang kaso ang natatabunan at natagalan ang ating pagresponde.

Patnubay Recommendation: Dapat mapatupad na nag nakasaad sa RA10022  na ang pamilya ng OFW ay maaring magfile ng complaint sa Local Government Unit ng bayan nya.

Dapat ang POEA, OWWA or DFA regional or head office ay dapat tanggapin na legit complaint ang reklamong naidulog sa munisipyo at dapat tutugonan ito kaagad. 

Ang complaint ng family ay malaking tulong sa amin or ng embassy, or ng polo sa abroad. If may pang-aabuso ang sulat ay ipatranslate to arabic at madadala sa police station, na walang pag-alinlangan dahil ang complainant ay ang family ng worker. 

Maiwasan yong mga nangyari ng maraming beses na sa pagdating sa police station n itatanggi ng worker na humingi sya ng tulong at tayo pa ang lumabas na sinungaling.

Share this: