
PARAAN PARA MAIWASAN NA MAI-SCAM
1. Huwag masilaw sa mga investments na may pangakong tutubo nang malaki ang pera ninyo.. kung gusto ninyong mag-invest, doon sa mga banks na kilala na ng ilang dekada. Yung mga bagong nagsusulputan, malamang, scammers iyan.
2. Huwag ipagamit ang inyong ATM, passport, any identification sa kahit kanino kahit matagal mo na kakilala o kamag-anak mo pa.
3. Huwag magpost ng mga personal info sa social media. Puwedeng gamitin ang info mo sa panloloko.
4. Huwag maniwala sa ibang mahilig manlibre at nagbabait-baitan.. baka kinukuha lang ang loob ninyo para mabiktima kayo. Malakas manlibre dahil di pinaghirapan ang pera. Mabuti nang kuripot kung sa malinis na paraan naman nakuha ang pera.
5. Kapag pinakitaan kayo ng yaman, magtaka na kayo kung saan nanggaling lalo na kung di naman ninyo nakikita na talagang nagpapakahirap sa trabaho.
6. Kung may money involve at gumagamit ng ibang pangalan sa receiver, magtaka na kayo
Bakit iba ang receiver, iba ang ka-transact ninyo?
7. Always remember, mas masarap na kumita ng pera sa malinis na paraan. Di baleng mabagal ang pagyaman kung malinis naman ang ating konsensiya. Kesa sa mayaman ka nga, galing naman sa masama.
Also posted in