Filipino Pentecostal Church of Jordan – bumisita kay OFW Mary Grace Guinto sa hospital

Share this:

Maraming salamat sa Filipino Pentecostal Church of Jordan sa pagbisita kay OFW Mary Grace Guinto sa Akilah Hospital.

Napakalaking bagay po para sa isang distressed na kababayan sa abroad, ang may dadalaw at kakausap sa kanya lalo na kung siya ay may karamdaman.

Sa muli, maraming salamat sa Filipino Pentecostal Church of Jordan sa pamumuno nina Pastor Bryan at Pastor Carlo. Mabuhay po kayo at pagpapalain po kayo palagi ng ating Dakilang Tagapaglikha!

Matatandaan na si OFW Mary Grace Guinto ay ang kasambahay sa Jordan na tumalon mula sa 2nd floor ng building para makatakas sa kanyang employer. Mabuti na lamang at may kababayan na nakakita, na siyang nagdala sa kanya sa ating embahada at POLO. Sina Consul Ferdinand Flores at POLO Welfare Officer Harry Borres ang nagdala kay Mary Grace sa Akilah Hospital.

Photos and Video

Members of the Filipino Pentecostal Church of Jordan visit OFW Mary Grace Guinto
Members of the Filipino Pentecostal Church of Jordan visit OFW Mary Grace Guinto
OFW Mary Grace Guinto
Video courtesy of the Filipino Pentecostal Church of Jordan
Share this: