Rapid Response ng POLO-Jordan para sa dalawang OFW

Share this:

Nailigtas ng Human Trafficking Unit at POLO-OWWA Jordan ang isang Pinay mula sa hindi maayos na kalagayan.

Si OFW Mirasol Canapi Flores ay humingi ng tulong noon sa pamamagitan ng kanyang pag-post sa social media na nai-forward ng kanyang kaibigan sa Patnubay-Jordan.

Noong Nobyembre 30 nasa shelter na si OFW Flores at naghihintay na lang na matatapos ang kanyang repatriation papers para makauwi na sa Pilipinas.

Maliban kay Mirasol FLores, may isa pang kababayan ang lumapit sa Patnubay -Jordan.

Si Irene Joy Lumague Diqquino na taga -Pangasinan, ay Oktobre 2, 2019 pa daw tapos ang kanyang kontrata pero ayaw siyang pauwiin sa kanyang employer.

Kaya, humingi siya ng tulong sa Patnubay-Jordan sa pamamagitan ng kanyang kaibigan. Idinulog natin ang problema kay Welfare Officer Harry Borres at tinawagan niya kaagad ang employer.

Tumugon naman kaagad ang employer at binilhan ng plane ticket si OFW Diqquino. Dumating siya sa Pilipinas kahapon Disyembre 5, 2019. Lubos ang kanyang pagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa kanya at nakakapiling na niya ang kanyang pamilya.

Photos

POLO OWWA Welfare Officer Harry Borres with OFW Mirasol Canapi Flores
Irene Joy Lumague Diqquino on her flight back to Philippines
Share this: