Reactions ng mga OFWs at OFW Advocates sa bagong inaprobahan na Department of OFW

Share this:
Frank Resma
Frank Resma
December 3 at 11:39 PM · 

Department of OFWs (DOFW) Update:

“Ayon sa mga naimbitihan na dumalo sa public hearing ng Joint Committee on Good Government & Reorganization and Committee on Overseas Workers Affairs (COWA) nuong Nov. 26, 2019, walang mambabatas na myembro ng joint committee ang nag-OBJECT o humingi ng paliwanag mula kay Chairman Raymond Mendoza at kay Deputy Speaker sa mga motions ng pagtanggal o deletion ng mga reform-oriented probisyon ng consolidated bill submitted by the TWG Chair Joey Salceda.

Ni isa sa mahigit na 100 mambabatas na meyembro ng joint-committee ng COWA at Good Government and Re-organization ay umimik, o sumalungat kay Deputy Speaker Villafuerte sa kayang mga motions na pag-tanggal sa halos lahat ng probisyon mula sa mga OFWs, NGOs, Recruitment agencies na inadopt ng TWG Committee sa kanilang mahigit isang buwan na public hearings.

Si OFW Family Party List Congressman Bobby Pacquiao daw ang laging nag-second-the-motions o nagmotion ng NO OBJECTIONS sa mga motions to delete ni Dep. Speaker Cong Villafuerte.” 

No photo description available.

Comments

Fidel Castillo

Fidel Castillo Ano kaya yung mga provisions na denelete, bakit at ano ang maaaring epekto nito sa Ofws… 

Reuel Lusung Yumul

Reuel Lusung Yumul

Reuel Lusung Yumul

Reuel Lusung Yumul Iyan po ay mga katotohanang inaasahan  

Susan Ople

Susan Ople yung mga dinelete na provisions yung medyo contentious o divisive. malinaw naman ang sinabi at pakiusap ni deputy speaker LRay. itindig muna yung bahay, ibig sabihin ipasa muna yung batas na magkakaroon na nga ng department. yung iba na policy related matters tulad ng mga insurance schemes, employers’ liability sa money claims, maaring talakayin na lang in a separate bill o kaya ipaubaya sa uupong Secretary 

Anna Nangan

Anna Nangan Mam Toots, bakit kailangang madaliin o hilaw na bill? Pamaskong handog ni Pangulong Duterte po yan sa ating mga OFW.
Hide or report this 

Susan Ople

Susan Ople Anna Nangan nabasa mo na ba yung committee report? wala pa naman eh. actually maraming magaganda na nakasaad doon. makikita mo na yung hugis ng department. 

Susan Ople

Susan Ople ang timetable sana kasi ng HoR ay maipasa na ito by December tapos yung Senate naman will also hold hearings early next year 

Anna Nangan

Anna Nangan Remember po yung OFW card, di ba ang sabi natin bakit sundin ang timetable e wala namang laman yung card/plastic lang, hindi mainam, walang silbi, pogi points lang po ba ang habol natin? 

Susan Ople

Susan Ople Anna Nangan sino ba ang nagpapa-pogi sa ngayon sa tingin niyo? 🙂 

Anna Nangan

Anna Nangan Madami-dami po 😊 

Susan Ople

Susan Ople walang sinister na nangyari, walang di nasunod sa rules. call na talaga yan ng Congress and ang gusto nila ma-fast track na yung dept dahil ika nga ni Cong Marvey Marino, may dalawa ring departments na nakaatang sa committee niya: dept for water resources & dept for disaster management, and inuuna na nga nila yung dept for OFWs 

Anna Nangan

Anna Nangan Mam Toots, wala daw pong naganap na paliwanagan 

Susan Ople

Susan Ople Anna Nangan oo kasi nagTWG na, but the chairs said na only members can vote. di naman sinabi na no one else can speak. kaya right after, sinabihan ni Cong Salceda ang reps ng CLADS and ABROAD, o bakit tumahimik kayo? was i talking to the right people? or something to that effect 

Susan Ople

Susan Ople Try to get the minutes of the joint hearing – yung actual transcript hanggang sa pinakahuli bago ng adjournment 

Susan Ople

Susan Ople Anna Nangan tapos sabi pa nga ni Usec Bael, Mr Chair, can we still give our inputs to the committee report? And yes daw sabi ng Chair. in fact, sabi rin ni Cong Mendoza, yung mga topics na hindi related sa reorg o structure, puwede naman daw sa committee niya padaanin. 

Susan Ople

Susan Ople Ako nga I also had to ask a clarificatory question re deletion ng provision on mandatory insurance for re-hired workers. The congressmen clarified na deleted din siya. Pati nga yung proposal namin na magkaroon ng Ethical Recruitment Incentives Board dinelete din. But I get where they are coming from – they want the bill to be as simple as possible para raw makalusot sa DBM at maipasa na sa floor. 

Susan Ople

Susan Ople Am just sharing this kasi I was there. 

Frank Resma

Frank Resma Thank you for sharing Mam T. 

Susan Ople

Susan Ople Frank Resma Thanks din for letting me comment. 🙂 God bless everyone! 

Anna Nangan

Anna Nangan Mam Toots, as per Pasei’s Pres Raquel update to us, she tried / requested to talk / explain but was stopped and was told, “Out of order” 

Anna Nangan

Anna Nangan Yes po, will request for the minutes po. 

Susan Ople

Susan Ople Anna Nangan best na lang to look at the minutes kasi magkalayo upuan namin  

Frank Resma

Frank Resma Mam T, ang Joint Committee na inatasan na gumawa ng batas creating DOFWs may mahigit na 100 na myembro, ilan po sa kanila ang nandun sa hearing nuong November 26. Kung pagbasehan ang mga litrato at videos ay hindi hihigit sa 15 o dalawampu lamang ang nandun.

May quorum po ba? 

Susan Ople

Susan Ople Frank Resma nandoon yung dalawang chairs. madalas naman yon hindi lahat nagpupunta. kung may quorum problems yon, sana ni-raise ng minority rep (Cong Gaite) who was there. complete din ang committee secretariats ng two committees. everything was done according to the rules. 

Nora Braganza

Nora Braganza Thanks for the tag KF. This is an opportunity na mailabas ang ating kalooban.

Hi ma’am Toots,
I got sick so i was not in that Nov 26 joint committee hearing. You were there, and so as several of our representatives and colleagues. I realized na mabuti na rin pala hindi ako nakadalo para hindi lumala ang pakiramdam ko-:(

Pag lumabas ang minutes of that Nov 26 hearing, mapapatunayan na hindi sapat ang bilang ng mga dumalong Congressmen-members ng 2 committees (COWA and Re-Org), ni wala daw sa kalahati ng required number of present attendees. In sum, wala daw quorum…and so, the proceedings in that session, from start to finish, were flawed.
Flawed, just like our current overseas employment system, na ninanais nating iwasto o bigyang-reporma man lang, para sa higit na kapakanan ng mga OFWs… however, during the Nov 26 hearing as reported by our representatives and as re-confirmed by other attendees and sources, the way the Nov 26 joint committee hearing was held, is objectionable, because apart from the absence of quorum, the provisions aimed at pushing for true reforms in the overseas employment program, were summarily deleted by the lead actors of the session. The supporting actor (Mr Bobby Pacquiao) has the easiest role : reciting “I second the motion”. As s newbie, there was nothing much to expect from him but he should have thought (or his advisers should have told him) how he’s supposed to represent the OFWs since he belong to a Parylist called “OFW Family” . However, he was there to just say “i second the motion”…tsk tsk..

Pasensiya na, but i have to say : hinding hindi nakakatuwa ang nabalitaan naming nangyari noong Nov 26 — it was reportedly one session carefully-scripted, at nagmukhang ewan ang mga nakapanood, walang nagawa daw ang mga invited resource persons dahil hindi sila nabigyan ng pagkakataong maisatinig ang kanilang nais.

As it was a session so flawed due to absence of quorum and due to non-observance of other procedural meeting protocols, sana ay maibalik ang adopted bill sa discussion table, at muling pag-usapan sa mas professional at mas tamang paraan — yong may quorum, yong mabibigyang karapatan ng mga committee heads na
magsalita ang mga invited resource persons, yong hindi mahahalatang nagbabasa lamang ng script at mga appointed actors.
Thank you. 

Susan Ople

Susan Ople Nora Braganza I respect your opinion, as always.

Lito B. Soriano

Lito B. Soriano Hehe wala nga Quorum, ang galing ng serbisyo at halimbawa ng best practices ng Batasan para sa mga OFWs.

Nakakaintindi rin naman ng karamihan ng mga OFWs at families nila sa parliamentary procedures.. maraming scholars at graduate sa mga anak nila.

Ang katanungan- bakit either “I second the motion” or “no objection” lang daw ang alam bigkasin at role ng lone representative ng OFW Family Party List Cong Bobby Pacquiao?

Ka-ayaya ba ang nangyari at natutuwa, satisfied ba ang mga naimbita na nanood na lamang sa mga nangyari o kaganapan sa Nov. 26th hearing ng Joint Committee??

Bakit hindi ba tama na may kargang polisya at alituntunin para sa reporma at pagbabago ang batas na magtatatag ng DOFWs???

Explain to the OFWs who demanded then candidate Mayor Rodrigo Duterte reforms thru a separate department for OFWs.

Sila ang humingi ng pagbabago! 

Joseph Abu Bakr Espiritu

Joseph Abu Bakr Espiritu nakakawalang gana..dapat sa bawat pagbabago na ginawa ng mababatas ay paangat at paganda nang paganda.. sa kanila baligtad.. pabulusok at papangit nang papangit ang naging resulta.

sabagay anong alam nila sa buhay OFW at pamilya ng OFW? Naiupo naman ang mga yan dyan. hindi dahil sa mga OFW kundi sa pera nila na gusto nilang palaguin kung makaupo na. Anong pakialam nila sa buhay ng mga OFW, kundi gagawa sila ng batas kung saan sila aangat sa pansariling interes?

Nakakalungkot na ang napakagandang idea sa umpisa at pinangako ng ating Pangulo, ay nasira pagkatapos ng maraming revision na ginawa ng mga mambabatas. Sa huli, HINDI NA ITO DEPARTAMENTO PARA SA OFW. WALANG PARA SA OFW KUNDI REORGANIZATION AT MERGER LANG NG MGA EXISTING NA DEPARTAMENTO.

WALAY LAMI!

Matagal nang inasam-asam ng mga OFW ang may sariling departamento.

Ang pinakaunang dahilan ay para may madadaingan kung sakaling may katiwalian o kapalpakan sa mga tauhan ng embahada, konsulado, POLO, OWWA, POEA, DFA at DOLE sa pag-serbisyo o sa paghawak ng mga kaso. Dahil sa tagal na panahon at sa dami nang mga reklamo na ating naiparating ay walang naparusahan dahil parehong sa mga departamento lang din bumabagsak ang ating mga reklamo. Kaya, kailangan ang Department of OFW para isang tanging grievance department na madaingan ng mga OFW at ng kanilang pamilya.

Pangalawa ay para sa tamang reintegration programs para himokin ang mga OFW na sa Pilipinas na mamalagi sa pamamagitan ng mga maayos na programa, negosyo o trabaho sa Pilipinas na ang pag-aabroad ay option na lamang at hindi tanging paraan para maiangat ang pamumuhay ng OFW at ng kanilang mga pamilya.

Sa daming revision ng laman ng panukala, at sa pagbago-bago ng pangalan; heto na ang aprobado ng kamara ang Department of Filipino Overseas mas pinahalagahan ang Foreign Employment.

Hindi ito para sa OFW! Kundi ito ay reorganization at merger ng mga existing departments.

Wala pa rin tayong tamang grievance department na padadaingan dahil sa kanila pa rin babagsak ang reklamo natin sa mga tauhan nila.

Hindi na rin ito ang pinangarap natin na magbibigay ng tamang reintegration program dahil parehong programa at sistema pa rin ang mangingibabaw. At hindi ito paghimok na mananatili tayo sa Pilipinas kundi pagtulak sa mga Pilipino na mag-abroad at mananatili sa abroad.

Ang bagong departamento, ay hindi ginawa para sa OFW kundi para sa interes ng mga HINDI OFW. 

Lito B. Soriano

Lito B. Soriano Tama ka Ka Joseph Abu Bakr Espiritu. Very frustrating ang patuloy na lip service ng mga mambabatas at ibang OFW advocates sa makatutuhanan na pagkalinga sa mga OFWs 

Lito B. Soriano

Lito B. Soriano ger·mane
adjective

“relevant sa batas na magtatatag ng DOFW ang mga sinulong ng mga OFWs, NGOs, different government agencies & offices mula sa mga recruitment agencies para magkaroon ng reporma at pagbabago dahil ito ang mga kadahilanan na hiningi ng mga OFWs ang bagong departamento para sa kanila dahil hindi sila satisfied sa mga serbisyo ng POEA at OWWA 

Frank Resma

December 4 at 8:18 AM · 

DEPARTMENT OF OFW UPDATE:

ON THE REMOVAL OF THE SUGGESTED REFORMS BY THE TECHNICAL WORKING GROUP.

NO OBJECTION….

I SECOND THE MOTION…

BY THE LONE OFW REPRESENTATIVE BOBBY PACQUIAO, OFW FAMILY PARTY-LIST 

Image may contain: 1 person, text

Comments

Fidel Castillo

Fidel Castillo Anything from our Technical Working Group?…what suggested reforms …may we hear anything positive about this…. 

Lito B. Soriano

Lito B. Soriano Hi Fidel Castillo lahat deleted mga suggestions na galing sa OFWs, galing sa gobyerno, galing sa ilan NGOs, galing sa recruiters tinanggal ng mga Congresmen na myembro ng Joint Committee ng COWA at Committee on Good Government Reorganization 

Fidel Castillo

Fidel Castillo Lito B. Soriano thank you po Sir. Just perhaps, we can rework them out afterwards, when the Dept should have been recognized, especially those that favors the OFWs… 

Joseph Abu Bakr Espiritu

Joseph Abu Bakr Espiritu hopeless na yan ka fidel. reorg at merger ang nangyari. meaning walang bagong department. walang department of ofw na totoo.. kundi sa pangalan lamang. 🙂  

Lito B. Soriano

Lito B. Soriano Hi Fidel Castillo , sadly, the appointed officials then can only implement what the law provides. They cannot add.

The power of legislation for policies, and appropriation is the main domain of Congress.

It was said that the Secretary can create the necessary or needed offices of the new department. Sasn siya kukuha ng pondo para sa mga offices na itatayo niya.

Dapat nasa batas na ang mga officies at policies na maghahatid ng pagbabago, reporma sa pamamahala ng kapakanan ng mga OFWs at kanilang pamilya hanggang sa kanilang pagbabalik 

Fidel Castillo

Fidel Castillo Joseph Abu Bakr Espiritu ,Lito B. Soriano , mga bossing, i know how hard our working group had been doing their best on consultations and forwarded intentions. However, if congress has their limits as to what the laws provide, perhaps we can still persistently keep on monitoring all legal means na makakatulong for the sake of our OFWs. 

Joseph Abu Bakr Espiritu

Joseph Abu Bakr Espiritu have you read the final draft ng kanilang batas, na pinasa ko sa group chat? at ikumpara mo doon sa mga previous drafts bago magelection. napakalinaw na wala silang limit at wala silang limitations kung ano ang kanilang gagawin.

ang pagsabi na okay na yan dahil may sarili tayong departamento na matatawag na atin. sabihin nila yan sa mga kayang lokohin nila.. ito ay reorg at merger ng existing departments na hindi pwedeng masisingit ang pinangako ng pangulo na magkakaroon ng . SARILI na departamento ang mga OFW.. take note of that two words.. SARILI .. OFW.. 

Fidel Castillo

Fidel Castillo Joseph Abu Bakr Espiritu naisip ko lang tuloy, kung sino lang ang mga may tunay na layunin, parang tayo lang pa rin ang kikilos nito, lantaran man o tahimik… nakaka dismaya sa mga mismong OFWs. 

Joseph Abu Bakr Espiritu

Joseph Abu Bakr Espiritu Fidel Castillo yes kapatid, ganun ang nangyari.. mas naawa ako doon sa mga kasamahan na dumalo lagi sa congress. pinasalita, pinasulat ng recommedations etc.. at pagdating sa bandang dulo.. doon nila marealize puppet lang sila doon 🙁 

Fidel Castillo

Fidel Castillo Joseph Abu Bakr Espiritu totoo yan, nasubaybayan ko nga kahit pahapyao lang at talagang nagsumikap kumalap ang ating mga sugo ng input sa abot makakaya, tapos, binalewala lang pagdating sa congress…pati yung mga nasa COWA panels, walang masabi…abangan natin kung ano talaga. Thanks ka Joseph. 

Joseph Abu Bakr Espiritu

Joseph Abu Bakr Espiritu yes bro dahil in reality walang alam at walang pakialam ang mababatas sa ofw. ang gusto nila may maipakita lang na batas pra sabihin nagawa njla yong utos ni pangulong digong. malamang dismayado din ang office of the presidential adviser for ofw concerns sa nagjng kalabasan sa mahigit tatlong taon na paghihintay. 

Joseph Abu Bakr Espiritu

Joseph Abu Bakr Espiritu lahat ng ofws ano mang klase ng trabaho, professionals, skilled and domestic worker alam itong 3 simple steps ng strategic planning to achieve a task.

1. where are we?
2. where do we want to go?
3. how do we get there?

pero itong mambabatas, ay iba.

1. where are we?
– walang SARILING department of OFW
2. where do we want to go?
– magtatayo ng SARILING department of OFW
3. how do we get there?
magre-org magmerge ng existing department at tawagin na lang department of ofw

naachieve ba yong 3rd step? HINDI! paano maging SARILING department ng OFW yan? Pangalan lang ang pinalitan, konsuelo de bobo.

kung magtatanong tayo kung bakit ganun? ang isasagot ay problema kasi ang DEPARTMENT of BUDGET.

So, deal with the problem before taking the 3rd step. Convince DBM, hindi pwede yong reorg or merger na konsuelo de bobo.

Ang laki ng remittances ng OFWs na nakakatulong ng sobra sa ekonomiya, plus ang laki din ng kinikita ng gobyerno sa OFW, mula sa passport, oec, at owwa membership etc. tapos konsuelo de bobo lang lagi ang ibabalik sa atin?

Ronald Delacruz

Ronald Delacruz Kawawang OFWs…back to ZERO again…. 

Share this: