As Promised: Sampung (10) OFW pa ang napauwi sa Pilipinas mula sa Bahay Kalinga Shelter ng Jordan
Disyembre 6, 2019 , Biyernes ng gabi – Inihatid nina Welfare Officer Harry Borres at POLO ang sampung (10) distressed OFW sa Queen Ahlia International Airport. Hindi mapigilan na umiyak sa tuwa ang mga OFW’s dahil makakasama na nila ang kanilang mga mahal sa buhay.
Kaninang madaling araw ng Sabado ang kanilang flight pauwi ng Pilipinas via Jordan – Bangkok – Hongkong. Mamayang hatinggabi naman ang kanilang dating sa Manila.
Nagpapasalamat ang mga napauwi na OFW sa lahat ng staff ng POLO-OWWA sa pamumuno ni Atty. Jun Rasul at sa mga staff ng Embahada sa pamumuno kay Ambassador Akhmad Sakam, sa kanilang kasipagan at sa pagmamalasakit sa kapwa.
Malapit na magkakaroon ng katuparan ang layunin – ng Embahada at POLO OWWA, na “Zero Ward” sa Bahay Kalinga Shelter sa Jordan sa taon 2019.