Noon pa man marami na ang nagtatanong sa Patnubay tungkol sa mga “90 days” na nakasulat sa First Entry Visa ng mga newly hired workers papuntang Saudi Arabia.
Dahil sa nakasulat na “90 days“, may mga nagdududa na “Visit Visa” ang binigay sa kanila at hindi “Working Visa“.
Mayroon din nagreklamo na sila ay biktima ng “Human Trafficking” dahil sinabihan sila umano ng mga naunang grupo na nilapitan, na “Visit Visa” ang nakatatak sa kanilang passport dahil sa “90 days” na nakasulat sa Visa.
Kaya, minabuti na nating magsulat ng isang article para ipapaliwanag at matigil na ang kalitohan sa “90 days” na nakasulat sa First Entry Working Visa at sa Visit Visa na rin.
FIRST ENTRY WORKING VISA
Ganito ang hitsura First Entry Working Visa. Nilagyan ko ng numero para mas madali ninyong masundan ang paliwanag.
- Type of Visa – Nakasulat dito sa Arabic ay “عمل” o “Amal” meaning “Work”. Kaya, ito ay isang Working Visa.
- Date of Visa – ito yong petsa ng pag-stamp ng iyong Visa sa passport. Sa larawan ang nakasulat dyan ay 21/11/18 (November 21, 2018) at yong corresponding date sa Arabic Calendar 1440/11/13.
- Validity: 90 D(ays) – ang ibig sabihin ay sa loob ng 90 days simula sa Date of Visa stamping ay dapat makapasok na ang worker sa Saudi Arabia. Halimbawa, kung ang Date of Visa ay November 21, 2018, dapat nakapasok na siya ng Saudi Arabia bago mag February 17, 2019.
- Duration of Stay: 90 Days – ang ibig sabihin ay legal ang worker na mag-stay sa Saudi Arabia ng 90 Days kahit wala siyang Iqama (Residence Permit), at sa loob ng 90 Days na pag-stay sa Saudi Arabia ay pwede siyang makakalabas ng Saudi Arabia, kahit wala pang iqama basta ang employer ay magbibigay lamang ng Final Exit Visa.
Ito ay alinsunod sa Article 53 ng Saudi Labor Law tungkol sa 90 days na “probationary period” at sa Article 80.6 ng parehong batas na pwede i-terminate ang worker sa loob ng probationary period.
As a short summary, ang Validity: 90 D(ays) ay palugit para sa papasok pa lang ng Saudi Arabia habang ang Duration of Stay: 90 Days ay palugit para sa nakapasok na ng Saudi Arabia.
VISIT VISA
Ganito naman ang hitsura Visit Visa. Nilagyan ko ng numero para mas madali ninyong masundan ang paliwanag.
- Type of Visa – Nakasulat dito sa Arabic na “زيارة مرافقة” o “Ziarat Murafaqa” meaning “Escort Visit”. Maraming uri ang Visit Visa. Maliban sa Escort Visa ay may Family Visit, Personal Visit, Business Visit, etc.. Basta ang laging tatandaan kung may nakasulat na “Not Permitted to Work“, sa visa ng worker na ang pakay ay magtratrabaho sa Saudi Arabia, isa siyang Human Trafficking Victim.
- Date of Visa – same as above explanation
- Validity: 90 D(ays) – same as above explanation
- Duration of Stay: 90 Days – ang ibig sabihin ay may 90 Days lamang ang visitor na pwede magstay sa Saudi Arabia.
Hindi kailangan ng Exit Visa para makalabas ng Saudi Arabia ang isang visit visa holder. Huwag lang lumagpas sa palugit na nakasulat sa Duration of Stay dahil may malaking penalty na babayaran kung ma-expire ang visit visa.
Note: Iba-iba ang number of days na Duration of Stay sa mga Visit Visa, may 30 days, may 60 days, may 90 days at may 120 days at may 180 days.
Hindi pwede maging legal worker at hindi magkakaroon ng iqama ang pumasok sa Saudi Arabia gamit ang visit visa. Kaya tatandaan niyo lagi, na kung may nakasulat na “Not Permitted to Work” sa visa pero ang pakay ay magtatrababaho at mananatili sa Saudi Arabia nang lagpas pa sa bilang ng araw na nakasulat sa Duration of Stay – yan ay isang Human Trafficking.
Note: May isang uri ng visit visa sa Saudi Arabia na WALANG nakasulat na “Not Permitted to Work”. Ito ay ang “Work Visit” na ginagamit para sa mga consultants, specialists or workers ng foreign companies na may projects sa Saudi Arabia for a limitted time. Katulad ng ibang visit visas, ang Work Visit Visa holder ay dapat makakalabas na ng Saudi Arabia bago matapos ang Duration of Stay.
Related Links
- Must Read: How to check the first entry (working) visa of KSA-bound OFW
- Mga mahahalagang impormasyon na dapat matutunan ng mga OFWs sa Saudi Arabia
- Case of Luga, Jaime and Padua (2008)
- 2014 Case of Pinay HSW ng Kuwait pero nasa ICU ng Hospital ng KSA
- ONE COUNTRY TEAM FOR REGINA ALVAREZ – CASE CLOSED (2016)
- KSA HSWs Current Issues and Problems, our Suggestions and Recommendations – 2014
- Closure Report: Rhealyn Sarmac – Human Trafficking Victim (2019)
- Tourist Visa ginagamit sa MIGRANT SMUGGLING, hahantong sa HUMAN TRAFFICKING at ORGAN TRAFFICKING
- Mga problemang hindi malutas-lutas sa loob ng ilang dekada.
- Isang Palatandaan ng Human Trafficking
- Bayanihan para sa isang Pinoy Seaman na Stranded sa Pier ng Dubai (2016)
- Dalawang Domestic Workers nakalusot papuntang Saudi kahit may Ban; Naabuso! (2012)
- REPORT: JULY 30, 2017 – MAJLIS DINNER AND DISCUSSION