Satire: White Lady and Jeepney Driver

Share this:

Ito ay kwentong napasalin-salin na sa maraming tao kaya maaring ito ay hindi fake news.

Hatinggabi ng October 31, pauwi na sa kanilang bahay ang isang jeepney driver.

Nang mapadaan sa isang sementeryo, nakita nya sa gilid ng kalsada. ang isang babae na nakaputi ang damit.

Dala ng konsensya na baka yon ay isang pasahero, kaya sya tumigil at dahan-dahan umatras, pero wala na ang babae sa gilid ng kalsada.

Dahil sa sobrang kaba sa nasaksihang kabalaghan, sya ay umarangkada at humarurot..

Nang mapalayo na at nahimasmasan, sya ay tumingin sa salamin. laking gulat nya na lang nang makita ang babae na nakaupo na sa likod ng jeep. kaya sya ay biglang napa-brake.

Nang sya ay lumingon sa likoran ng jeep, wala doon ang babae.

Kaya bigla syang umarangkada at nagpaharurot ng takbo. Nang sya ay tumingin ulit sa salamin.. mas lalo syang nagulat nang makita ulit ang babae na may maraming dugo ang mukha maging ang puti nitong damit ay nagkulay pula na. kaya sya ay biglang napa-brake.

Nang sya ay lumingon sa likoran ng jeep, wala na naman doon ang babae.

Nang sya ay paarangkada pa lang, may narinig syang iyak at ungol mula sa sahig sa likoran ng jeep, nang sya ay lumingon, nakita nya ang nakahandusay na babae, galit na galit na nakatingin sa kanya at sumigaw ng “Kaskasero! Dahan-dahan naman sa pag-brake!”

Also posted in

Ito ay kwentong napasalin-salin na sa maraming tao kaya maaring ito ay hindi fake news.Hatinggabi ng October 31,…

Posted by Patnubay Online on Monday, October 30, 2017
Share this: