One Country Team para kay Kabayan sa Eastern Province, KSA

Share this:

Papuri at pasasalamat sa Ating Dakilang Tagapaglikha na laging nagpapadala ng mga Anghel para dadamay sa atin sa panahon ng pagsubok.

February 18, 2020. Isang kabayan na pangalanan nating Ate Liza ay humingi ng saklolo kay Ate Pao ng PATNUBAY AL KHOBAR .

Si OFW Liza ay may malubhang karamdaman na nangangailangan ng agarang Medical Attention at kinakailangan nang madala sa isang Hospital at hindi na pwedeng ipagpaliban pa ng isang araw kundi ay baka may masamang mangyari sa kanya.

Agad na gumawa ng hakbang ang PATNUBAY AL KHOBAR para madala sa pinakamalapit na Hospital si Ate Liza. Nagtulungan ang PATNUBAY AL KHOBAR AT PATNUBAY DAMMAM para kontakin ang mga kinauukulan gaya ng mga POLO EASTERN at mga taga ANS RIYADH .

Nagkaroon ng konting aberya sa kadahilanang si Ate Liza ay terminated sa trabaho kaya walang siyang sponsor na magdadala at sasama sa hospital at ang kanyang resident ID or IQAMA ay expired na din kaya sa unang hospital na pinagdalhan sa kanya ay hindi tinanggap. Kinakailangan ng hospital ang isang sulat mula sa Labor Attache ng POLO EASTERN.

Hindi tumigil ang PATNUBAY hanggat hindi nakontak ang POLO EASTERN para makakuha ng sulat mula sa Labor Attache, wala pang dalawang oras , sa tulong ng kanilang tatlong welfare officer dala dala ang referral letter at si kabayan Liza ay nai-admit sa isang hospital dito sa Dammam Saudi Arabia.

Sa kasalukuyan ay nandon sa hospital si Ate Liza para sa kanyang pagpapagamot hanggang tuluyang gumaling.

Malaking pasasalamat ng PATNUBAY sa POLO EASTERN kase hindi niyo isinawalang bahala ang tawag namin para matugunan ang pangangailangan ng isang kababayan na may malubhang sakit.

All praises to our Mighty Allah

Drafted by: Sis Lia Bayatin
For Patnubay Dammam

Case Documentation

TUE 9:10 PM

Tita P TN
Tita P TN

Andito pa kami sa Almana, at pinapirma si Sir Levin & co., kung sakali need iconfine.

WED 9:32 AM

Lia Grey
Lia Grey

Ohhh okayyyy. I need details of the kabayan ate @Tita P TN

😬
Lia Grey
Lia Grey

I hope ate Liza is fine. Na confine po ba siya ate @Tita. what time kayo umuwi.

Tita P TN

Tita P replied to Lia

Sa ngayon ay nasa SICU sya,nakapagdialysis kaninang 2 am

Yes! midnight na ko nakauwi,sina Sir Levin,Roxie,Jepoy,mga 10 pm na,pinaalis ko na after magsign don na anytime pwede iadmit si Ate Liza. kanina umaga,tumawag sa kin si Sir Levin at nangumusta sa situation ni Liza.

Chanz Joel Vibora Quiaoit
Chanz Joel Vibora Quiaoit

sipag naman ni sir Levin. 7am na bulabog ko na din po siya. galing na kami sa muwasat hospital. para assist isang kabayan.

Sir @Chanz Joel Vibora Quiaoit paki remind po si Mr Levin ung 5 dun sa 13 barista eh pauwi na.po bukas ng tanghali daw po according kay JC isa dun sa lima. Inaantay ko.lng I forward sa akin ung copy ng ticket nila . Thanks po

Chanz Joel Vibora Quiaoit
Chanz Joel Vibora Quiaoit

kanina pa po morning namin pictures iyan

Lia Grey
Lia Grey

Kelangan kase nung 5 ang presence ng polo para sa settlement

Chanz Joel Vibora Quiaoit
Chanz Joel Vibora Quiaoit

message ko nalang po

Lia Grey
Lia Grey

Sana po binisita din nila yung kabayan na si Evelyn dela Cruz sa Dammam medical, hawak po yun ni Ms Roxie, mag 8 mos na dun nag aantay lng ng nurse escort para mapauwi.

Share this: