Pebrero 22, 2020
Labintatlong (13) seaman ang hinuli ng Iranian Coast Guard at nakakulong ngayon sa Iran dahil umano sa pag-smuggle ng petrolyo.
Ayon Kay Hussein Dahke, commander Iranian coast guard sa Hormuzgan Province, Southern Iran, ang dayuhang barko ay nahuli nila sa Gulf of Oman at kanilang hinila papuntang Jask port.
Hindi ibinunyag ni Dahke kung saang bansa galing ang barko at kung saan ang destinasyon nito. Hindi rin sinabi kung anong mga nationalities ng mga nakakulong na seaman.
Matatandaan na noong Seytembre 7, 2019, labindalawang (12) Pinoy Seaman ang naunang inaresto at kinasohan sa Iran ng pag-smuggle ng 283,900 liters ng petrolyo.
Source: https://arabic.rt.com
