Pebrero 21, 2020 – Inihayag ng UAE’s Ministry of Health and Prevention (MOHAP) sa kanilang Facebook Page, na isang Pilipino (34 y/o) at isang Bangladeshi (39 y/o), ang dalawang bagong kaso ng nahawaan ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa MOHAP, Ang kalagayan ng dalawa ay stable na.
Ang dalawa ay may malapit na pakikipag-ugnayan sa Chinese na kamakailan ay nakumpirma na may COVID19.
