Kuwait: Mga detalye sa bagong “standard contract” para sa mga Kasambahay

Share this:

Pebrero 22, 2020, Kuwait

Lumabas sa mga Arabic News, na opisyal nang ipapatupad ng pamahalaang Kuwait ang isang bagong standard contract para sa mga kasambahay ng ano mang nasyonalidad.

Ito ay ipapatupad ngayong linggo at bibigyan nila ng kopya ang lahat ng may-ari ng mga recruitment offices.

Ang bagong standard contract, ay dumaan sa mabusising pag-aaral ng Public Authority for Manpower, Ministry of Interior at Ministry of Foreign Affairs. May partisipasyon din mula sa hanay ng mga recruitment offices.

Kasama sa nilalaman ng bagong standard contract ay ang mga sumusunod:

  • Obligasyon ng employer na magbigay ng tamang accomodation, sapat pagkain at clothing sa kanyang kasambahay.
  • Dapat magbigay ang employer ng health insurance, at sahod sa bawat gregorian month. Ang halaga ng sahod ay dapat hindi bababa sa itinakdang minimum salary.
  • Ang kasambahay ay hindi pwedeng magtrabaho ng mahigit sa 12 oras sa bawat araw, at sa bawat 5 oras na trabaho ay may pahinga. Dapat may 8 oras na tuloy-tuloy na pahinga sa gabi. Mayroon din isang araw na pahinga bawat linggo.
  • Paid annual vacation.
  • End of Service Benefits na katumbas ng isang buwan na sahod sa bawat taon na pagserbisyo ng kasambahay sa parehong amo.
  • Hindi pwedeng ang employer ang maghawak ng passport o ano mang dokumento na pagmamay-ari ng kasambahay.
  • Hindi pwedeng mailipat sa ibang amo ang kasambahay sa loob ng guaranteed period ng employer.
  • Kung mayroon mang disputes sa pagitan ng employer at ng kanyang kasambahay, ay dapat idulog sa Department of Home Labor in the Public Authority for Manpower.

Source: https://www.berwaz.com.kw/48125/

Share this: