
KSA: 10 Pinay biktima ng Road Traffic Accident sa Riyadh-Taif Highway.
1 ang patay, 1 naman ay kritikal at ang 8 ay inoobserbahan pa sa hospital.
ni Fahad Al-Ghubaie ng Sabq.org
March 1, 2020 – Nakatanggap ng emergency call ang Al Khasira General Hospital, sa bayan ng Al Khasrah tungkol sa isang bus na naaksidente sa Riyadh-Taif Highway na may sakay na sampung (10) Filipina workers.
Pinaliwanag ng hospital director, na si Turki Hanas Al-Osaimi na nai-mobilized nila kaagad ang kanilang medical teams sa pinangyarihan ng aksidente nang matanggap nila ang distressed call.
Ang isa (1) sa mga biktima ay binawian ng buhay sa lugar ng aksidente, at ang isa (1) ay kritical at dinala sa Al Quwayiyah General Hospital para sa kanyang kaligtasan. Ang walo (8) ay kasalukuyang naka-admit at inoobserbahan sa Al Khasirah Hospital sa Al Khasrah.
Ang mga biktima ay galing pa ng Jeddah at pauwi na sana sa Riyadh. Ayon sa mga nakakita ay masyado umanong mabilis ang takbo ng sinasakyan nilang bus habang lumiliko kaya ito ay nawalan ng balanse at bumabaligtad ng maraming beses.
Ang Al Khasrah at Al Quwayiyah ay mga bayan na madadaanan sa Riyadh-Taif Highway.
Arabic News Source : https://sabq.org/G7Nf5Q
Patnubay Note:
Ipaparating natin ito sa ating embahada, kasama ang mga telephone numbers ng mga hospital na napangalanan sa balita para kanilang matatawagan muna at beripekahin bago bumiyahe.
Ang Al Khasrah ay 3 oras na biyahe mula sa Riyadh at ang Al Quwayiyah ay 2 oras na biyahe.
Nakikiramay po tayo sa pamilya ng nasawi na kabayan at sama-samang magdarasal para sa kaligtasan ng iba pang biktima.
